"Capt. may mga instances ba na pwedeng mahiwalay yung kaluluwa mo sa katawan mo?" Tanong ko kay dzi.
"Siguro" nagkibit balikat naman siya. "Bakit mo natanong?" Dagdag pa nito.
"Wala lang. Eh paano ba siya pwedeng makabalik sa katawan niya?" Tanong ko sa kanya.
"Ewan. Di ba BS Biology course mo? You should know it Den. Tska saan mo naman ba napagkukuha yung ganyang tanong?"
"Oo. Pero ang galing lang kasi. Hindi pa naman siya patay pero yung kaluluwa niya kung saan saan na nakakapunta" sabi ko sa kanya.
"Sino naman ang tinutukoy mo Den?" Kunot noo niyang tanong.
"Ah wala capt. sige alis na ko ha! Bye Capt.!" Paalam ko.
Kasalukuyan akong naglalakad mag-isa dito sa school. Walang bumubuntot sa akin dahil wala si Alyssa. Hindi ko naman alam kung saan na naman nagsususuot yun.
"Den!" Tawag ng isang boses ng lalaki sa akin kaya napatingin ako.
"Pards!" Tawag ko sa kay myco "ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Hey Pards! Wala lang. Gusto lang kita makita. May klase ka today?" Tanong niya sakin.
"Meron eh. Pero hanggang 12:00 lang ako. Bakit mo tinatanong?"
"Good. Aayain lang kita kumain sa labas. So.....balikan na lang kita ha! Bye Pards!" Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya. Di man lang inintay yung sagot ko.
"Loko yun ah. Di pa ko pumapayag nilayasan na agad ako. Pards talaga" napailing na lang ako.
Kakarating ko lang ng room namin buti na lang at wala pa yung prof namin. Kaya pwede pa namin gawin yung gusto namin.
"den" tawag sakin ni Ella.
"Bakit besh?" Tanong ko sa kanya.
"Nakita kita kasama si myco kanina ano sabi niya sayo?"
"Wala. Inaaya lang niya ko maglunch siguro basta kakain lang daw kame sa labas eh." Sabi ko sa kanya habang nagbubuklat ng books.
"Ah okay."
"Nga pala. Nasabi na ba ni capt. na mag-oouting daw tayo."
"Hindi pa. Teka kelan ba yan?" Tanong ko.
"Pagkatapos ng uaap. Para naman daw mag-enjoy tayo. Puro pahirap na lang nangyayari satin eh."
"Hahaha oo nga. Makapag relax man lang tayo kahit saglit." Natatawa kong sabi kay Ella.
Tumahimik naman kame nung dumating na si prof at nagsimulang magturo. After 3 hours natapos din ang klase namin kaya umuwi na kame.
Nakita kong nasa labas na pala si Myco na nakasandal ang likod sa pader.
"Hi pards!" Bati niya sakin.
"Hi Ella!" Bati naman niya sa kasama ko.
"Tara na?" Tanong nito kaya napatango naman ako. "Ella you want to join us?" Tanong ni myco kay Ella. Si Ella naman umiling lang. "Hindi na may lakad din kase ko. Paki ingatan na lang si Den ha. May practice pa kame mamaya di siya pwede mawala" pagtataray nito.
"Yes po! Masusunod." Sabi ni myco.
Papasok na sana ko sa kotse ni myco nung makita ko si Gretch kaya nginitian ko siya, siya naman binigyan lang ako ng weak smile. Pagkatapos nun sinara na ni myco ang pinto.
"Saan tayo kakain pards?" Tanong ko sa kanya habang nagdadrive siya.
"Sa bahay" masaya nitong sabi. "Audrey missed you so much at kinukulit niya ko na dalhin kita sa bahay kaya buti na lang hanggang 12 lang ang pasok mo."
