"Thanks God. Dennise nagising ka na din." Sabi ni dzi ng makita niyang gising na si Den. "na-nasaan ako?" Tanong ni Den. "Nasa hospital ka. Alam mo bang nag-alala kame sayo. Bakit ba nagpalipas ka ng gutom? Naku den, kung ganyan lang ang gagawin mo di na kita papayagan ulit." Naiinis pero nag-aalalang sabi ni dzi kay Den.
"Sorry capt. di na po ako magpapalipas ng gutom" sabi ni Den.
Nagpaalam naman sila na bibili muna ng pwedeng makain ni Dennise para naman bumalik ang kanyang lakas. Naiwan lang sila Ella at Gretch para bantayan si Den.
"Ano napala mo sa paghahanap? Di ba wala? Tignan mo pa nangyare sayo anjan ka nakahiga" -Ella.
"Hey ella wag mo naman masyadong pagalitan 'tong si Den. Ah Den may iba ka pa bang gusto?" Tanong naman ni Gretch.
"Salamat Gretch. May tubig ba?"
"Tignan ko sa labas. Maiwan ka muna namin ni Ella. Jan ka lang ha!" Nakangising sabi ni Gretch. Tumango na lang si Den.
Paglabas ng dalawa sakto naman na pagpasok ni Aly sa pinto. Nakita naman siya ni Den kaya napangiti ito. Pilit namang ngumiti si alyssa dahil nakokonsensya pa din siya sa nangyare kay Den.
"K-kamusta?" Tanong ni Aly.
"Eto medyo nahihilo" matipid na sabi ni Den.
"Sorry nga pala ha. Kasalanan ko 'to eh kaya ka nagkaganyan." Nakayukong sabi ni Aly.
"Di mo naman kasalanan eh. Kasalanan ko 'to kung sumunod lang sana ako sayo eh di wala ko dito ngayon."
"Tigas kasi ng ulo mo eh" napangisi naman ang dalawa. "Hmmm. Ako na lang siguro muna maghahanap sa katawan ko" nagulat naman si Den sa sinabi ni Alyssa.
"Ha? Eh pero bakit? P-pano mo hahanapin ang katawan mo kung walang tutulong sayo?"
"Bahala na. Basta gusto ko munang magpagaling ka" nagsmile naman ito kay Den.
Bago pa muling nakapagsalita si Den ay bumalik na sila gretch at Ella at dala ang tubig na hinihingi ni Den.
"Here na, ubusin mo yan ha. Baka nadehydrate ka pa" sabay abot kay Den ng tubig.
Maya maya pa'y bumalik na din sila capt. at iba nilang teammates na may dalang mcdo. Binigay naman nila ang pagkain kay Den.
"Den gusto mo subuan na kita?" Alok ni Gretch kay Den.
"Ehem. Ehem.." Gawa ng ingay ni A.
"I smell something fishy" nakangising sabi ni A.
"Ano na naman? Inaalok lang eh. Issue kayo!" Sabay bato ni Gretch ng fries kay A.
"Wui. Tama na nga sinasayang niyo lang yung pagkaen eh. Di niyo ba alam na madaming nagugutom?" Ella at nanghihinayang sa fries na binabato ni Gretch. "Den kapag ayaw mo na sabihin mo lang sa akin ha. Tutulungan kitang ubusin yan." Nakataas baba namang sabi ni Ella.
"Ayun kaya naman pala!" Sabay sabay nilang sabi at binato din si Ella ng fries.
"Siya nga pala Den. Pwede ka ng umuwi mamaya" Dzi.
"Mabuti naman capt. Ayaw ko din dito magpalipas ng gabi" natatawang sabi ni Den.
Tumingin naman si Den sa direksyon ni Alyssa at muli itong binigyan ng ngiti.
-----
"Okay na Den. Na settle down ko na lahat pwede na tayo umuwi" sabi ni Dzi at akma ng bubuhatin ang mga gamit ni Den ng pigilan siya ni Gretch.
"Ako na capt." Alok ni gretch. Tumango naman si Dzi at binigay kay Gretch ang mga gamit ni Den.
Habang naglalakad sila sa hallway may babae naman na nagmamadaling naglalakad at pumasok isa sa mga kwarto ng pasyente. Titignan pa sana ni Den kung sino yung pasyente pero agad din itong sinarado.
