"Doc ano nangyayari kay Aly?" Tarantang tanong ng mommy ni Aly.Hindi naman siya pinansin ng doctor at tuluyan itong lumapit kay Aly at tinignan ang kalagayan nito.
"Tita, what happened?" Tanong ni Kim na kakapasok lang sa room ni Aly.
"Kim" sabi ng mommy ni Aly at tuluyan ng umiyak sa kanya.
"Tahan na po tita! Magiging ok lang siya."
After a few minutes naging okay na din si Alyssa.
"Ms. Valdez, your daughter is now okay. Bumaba lang ang kanya heart rate kaya naubusan siya ng hangin at sandaling huminto ang kanyang paghinga. But she's safe now." Sabi ng doctor.
"Salamat naman po doc."
"Lalabas na muna po ako. Excuse me"
Bigla namang pumasok si Rachel sa kwarto ni Aly.
"Tita" sab niya.
"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan lahat ng ito eh. Ikaw ang dahilan why Aly is here na walang malay. Ano bang kasalanan ng anak ko sayo at bakit mo siya pinahirapan ng ganito?" Galit na galit na sabi ng mommy ni Aly.
"Tita tama na po yan." Sabi ni Kim.
"Tita sorry. Hindi ko naman po ginusto 'tong nangyare kay Aly eh. Mahal ko po siya" naiiyak na sabi ni Rachel.
"Mahal? Kung mahal mo siya hindi mo siya sasaktan. At kung mahal mo siya dapat ngayon wala siya dito." Bigla naman niyang sinampal si Rachel
"Sorry tita. Promise po di ko na siya iiwanan. I'll stay here until she wake up."
"Hindi. Gusto ko umalis ka na dito. Ayokong makita ka pa ng anak ko" pinagtutulakan naman niya si Rachel palabas.
"No tita... Please dito lang po ako" pagpupumilit ni Rachel.
"Tama na po yan tita. Ayaw po ni Aly makita tayong ganito. Please tita calm down. Wag naman po nating hayaan na pati kayo pa magkasakit"
Pinaupo naman ni Kim ang mommy ni Aly sa couch.
-----
"Aly gising na jan" naiiyak na sabi ni den. Pero wala pa ding tugon si Aly.
"Please aly! Ayokong mawala ka sakin" sabi pa nito.
Den doesn't know na naririnig pala ni Aly lahat ng sinasabi niya. Whenever na titingin si Den sa mukha ni Aly ay pinipikit nito ang kanyang mga mata at nagpepretend na wala pa ding malay.
"Uy, Aly gising na. Di ba tutulungan pa kitang hahanapin yung katawan mo para makabalik ka na sa dati."
"I'll admit na gusto na kita. Sa twing nang-aasar ka kinikilig ako. Kapag wala ka naman para kong tanga na naghahanap sayo. Please Aly....... I know I'm straight pero bakit ganun? Nagkakagusto ako sayo? Alam kong mali pero ginawa ko pa din. Ang hirap mong iwasan, sa twing ngingiti ka nahuhulog na yung puso ko."
Narinig naman ni Den ang pagngisi ni Aly. "Totoo ba lahat ng sinabi mo?"
"Aly? Gising ka na!"
"Hindi naman ako tulog eh. Tska pinagtitripan lang kita." Natatawa niyang sabi. "Buti na lang pala ginawa ko 'to. And now alam ko ng gusto mo talaga ko."
