Chapter IX: Story of a Crest

110 6 2
                                    

Romeo meets CinderellaHiImFebby
RxC Chapter IX: Story of a Crest

Ella POV

"Franz GOOOOOOOOO! GO! GO! GO Franz kaya mo 'yan! GOOOOOOOOOOOOO!" I covered my ears with both of my hands para naman maiwasan ko ng tuluyan ang pagkawasak ng eardrums ko. That feeling na wagas maka-cheer 'yung katabi mo. Kung hindi ko nga lang mahal itong sumisigaw na'to, kanina ko pa tinakpan ng panyo ang bibig niya.


Lumingon siya bigla sa'kin at tiningnan ako ng may pagtataka. "Anong ginagawa mo Ella? You're supposed to cheer too! Bakit hindi ka man lang umiimik o kumikibo 'diyan? Nyare sa'yo?"


Itinaas ko ang kamay ko saka iyon iwinagayway. "Go Franz! Go Franz! Go Franz!" Ngunit sa tono naman ng boses ko, parang sa sarili ko lang ako nagchecheer.


"Pambihira." Itinuon na lang ulit ni Issah ang pansin niya sa court na ngayon ay nagaganap na ang final match ng Tennis Competition at andun si Franz ngayon na seryosong nakafocus din sa sarili niyang laban.


Pinilit kong panuorin siya ng mabuti dahil last set na din ng game niya.


"Ad in!" Sigaw ng umpire. Hawak ni Franz ang bola ngayon at siya ang mag-seserve nito.


"Another point, another point, another point please." Mahinang sambit ni Issah pero nadinig ko pa din. Lumingon ako sa kanya at nakita siyang naka-praying hands. Para sa lalaking kanyang minamahal! ㄟ(≧◇≦)ㄏ


Sa ilang segundo lang nawala ang paningin ko kay Franz, nawala na ang bola sa kanya at nagbounce agad iyon sa kalaban. Nasalo din naman ito ng kabilang side at  nagsimula na naman ang makapigil-hiningang palitan ng umaatikabong mga atake.


"GO FRANZZZZZZZZZ!" Sigaw ulit nitong katabi ko. Tahimik lamang akong nanuod sa laban, buong venue halos hati ang kinakampihan sa dalawang manlalaro. Ang galing din kasi 'nung kalaban ni Franz eh. Sa bawat launch niya ng bola, nasasalo din ito pabalik ng kalaban niya kaya halos inaabot ng ilang minuto bago ulit maka-point.


"Psst."  Kumunot ang noo ko nang may narinig akong sumutsot. Lumingon ako sa likuran at sa paligid pero wala namang tao na nakatigin sa akin o kung ano, lahat sila ay busy panunuod at pagchecheer na din sa pambato ng sarili naming school.


"Pssst." I heard another pero wala pa din akong nakita sa paligid. Siguro napaparanoid lang ako. Tsk, epekto ng sobrang intake ko ng kape.


"Psst." Another one... yet I quit. Wala eh, hindi ko mahanap pero baka naman hindi ako ang sinusutsutan 'noh?


Tumingin na ulit ako sa harapan ko upang ipagpatuloy ang panunuod ng game. Another intense scene from Franz and his rival ang naabutan ko, ang bilis nilang magpalitan ng pagsalo ng bola na halos hindi ko na masabayan ng tingin.


"Psst." Ugh! Nakakairita na 'yan ah! Sino ba kasi ang tumatawag na 'yon!?


Kinuhit ako ni Issah kaya napaligon ako sa kanya. Ng makita ko siya, nakaturo ang kamay niya sa ibabang layer ng seat namin kaya tumungo ako. And then I saw Romeo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Romeo Meets CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon