Chapter V: The Meeting

152 29 9
                                    

Romeo meets CinderellaHiImFebby
Chapter V: The Meeting

Ella POV

Ang galante naman ni Franz kaya ayan tuloy, libreng-libre ako sa pagkain ko. Salamat sa kanya, hihihi pero ang nakakainis na part eh habang nag-lelecture ang professor namin, pinagtitripan ako nitong baklitang 'to. Yung buhok ko po please!

Braid dito...

Braid doon...

Tanggal-tanggal

Ay anak ng! Bakla ba 'tong isang 'to? Psssh.

Lumingon ako sa kanya at binigyan ng isang stop-what-you-are-doing-with-my-hair look. "Pssst, Franz." Mukha namang naintindihan niya ang gusto kong iparating sa kanya kaya bumitaw siya agad sa buhok ko at naupo nang maayos. Good, marunong naman pala siyang madala sa isang tingin eh.

Nagpatuloy lamang ang discussion at...

*TINGGGGGGGGGGGGGG*

Lunch break na pala. Naisipan ko naman na bumalik sa bahay, may nakalimutan kasi akong gamit sa doon eh. Ang ulyanin mo talaga Ella kahit kelan -_____-.

"Ella! Ella!"  Oh no, oh no, nakakasagap po ako ng isang paparating na delubyo! Evacuate... Ting! Ting! Ting! Patunugin na ang kampana!

Ngunit bago pa man ako makatakbo, hinawakan na niya ako sa braso at sapilitang iniharap sa kanya. Okay, wala na akong pag-asa na makatakas pa, narito na eh. Tsk.

"Planning to run away?" Nakangising sabi ni Cassy at nagsisi-lalabasan pa ang kanyang usngal na mga ngipin at lalo pang naging usngal dahil sa braces niyang kulay green. Suko na ako, talagang wala silang balak bigyan ako ng isang chore-free day. Kawawa naman talaga ang buhay ko. T_____T

"Hi-hindi naman sa ganun...Cassy."  Naka-irap kong sagot sa kanya.

"I need you to buy me these. Room 110, second floor. Kailangan ko 'yan bago matapos ang lunch break." She handed me a piece of paper. What?! After lunch break?! Nagbibiro ba siya? Pero parang hindi naman eh, ka-bwisit naman oh. 11:30 na ngayon at 2:00 ang tapos ng break eh ang layo pa ng store na bibilihan ko nitong mga 'to!

Mascara, lipgloss, foundation, blush on, bb cream at kung ano-ano pang pam-paarte sa mukha. Sus, para namang mayroong pagbabago ang magagawa ng mga ito sa kanya eh lalo lang silang papangit, magmumukha pa lalo silang clown, pambihira siya!-____-. Isang one-half lengthwise ang haba ng mga pinapabili niya sa akin, imposible 'to oh my goodness.

"Akin na ang pambili." I sigh as I surrender my thought of complaining  more. Sanay na naman ako rito eh, goodluck na lang talaga sa'kin. Baka mamaya magsumbong pa kay Maam Cassandra, yari na naman ako.

Inabot naman niya sa akin ang isang maliit na credit card then she pointed her finger at me. Sana lang kasya ang laman ng credit card niya sa mga pinapabili niya ha! Wala akong pera sa bulsa kung sakali man na kapusin 'yon.-___-

"Take care of that, mas mahalaga pa 'yan sa buhay mo." Sabi niya ng may pagbabanta sa boses niya. Weh? Hindi nga daw? Nagbibiro ba siya? I rolled my eyes at her and started to walk towards the gate of the campus at nagtungo na sa mall para bilihin ang mga bagay sa napakahaba kong listahan.

"Okay, sa National Bookstore muna tayo. Go, go, go!." Pumunta na muna ako sa school supplies at tiningnan ang mga nasa listahan. Isang rim ng colored paper, bond paper, crepe paper at kung anu-ano pa na kamag-anak ng PAPER na 'yan. Jusko, makarating pa kaya akong humihinga ito sa Montague?Next is ball pen, sign pen, marker pen, color pen at kung ano-anong PEN na mahagilap ko. Amfutang Cassy na 'yan ang sarap tadyakan!-____-

Romeo Meets CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon