Chapter VI: Walls and Chases

294 25 4
                                    

Romeo Meets CinderellaHiImFebby
Chapter VI: Walls and Chases

Romeo POV


Kasama ko ngayon itong dalawang mokong kong pinsan papunta sa resto nina Juliet. Grabeng mangulit lang 'tong mga kuripot na ito, yaman nila eh saken nagpapalibre. Oh well, itawa na lang natin 'yan Romeo. *tawa ng super gwapo* NAMISS NIYO 'KO NOH? ヽ(^。^)ノ


"Mukhang nakilala mo na yung bagong chicks pinsan ah?" Wika nitong si Ben with matching tapik-tapik pa sa balikat ko pero hindi na yata tapik ang tawag dun, mukhang dagok na. Masakit na eh! Iuntog ko kaya itong isang 'to ng matigil na?


"Chicks kamo pinsan? Sino? Si Juliet? Ewww, not even my type." Kinilabutan ako dun nung maisip ko ang malanding pagmumukha ni Juliet. Lord, sana po wala siya sa restaurant nila ngayon. Ayokong makapitan na naman ng bacteria niya.


"Tange, hindi 'yun. Si Ella, yung kanina. Magkasama pa nga yata kayo kaninang lunch eh, wala namang ganyanan pinsan, nauna ako!" Aba? Anong pinagsasasabi nitong lokong 'to? Wala naman akong ginagawa eh tapos pagbibintangan niyang inaagaw ko? Sira .( ̄ˍ ̄)


Dumaan naman si Kuya Meeco sa harap namin at pinaglayo kami ni Ben. "Tabi nga, puro na lang babae ang laman ng utak niyo. Psh."


Ngee? Ano problema nun? Nahiya naman kaming dalawa ni Ben sa kanya. Isa pa rin naman siyang mahilig sa babae eh... yun nga lang lagi siyang binabasted. Loko kasi eh, medyo manyakis kaya ayun  nilalayuan na siya ng mga chikababes. Hindi kasi kami tularan ni Ben, mga naturally-born GENTLEMEN! OWOHOHOHOH *tawa ng gentlesome* (Gentlemen+Handsome) Lol, dami kong alam, waley naman. Osha tama na. Alam ko namang kanina pa kayo mamatay-matay sa kilig dahil sa tawa ko. *winks*


"Well, mga pinsan narito na tayo. Tadaaa." Sabi ko sa kanila at lumingon-lingon naman si Ben at humahanap ng vacant table para samin. Umupo na rin kami ilang sandali.


"Oh Kuya Meeco, kamusta yung bago mo?" Tanong ni Ben kay Kuya Meeko na ngayon ay nakabusangot pa rin ang pagmumukha. Bad mood ata si Kuya ngayon ah? Nayare na naman siguro 'to.


"Wala. Tsk, sinampal na naman ako. Lagi na lang, sumpain na sana 'yang mga babaeng 'yan." Umirap naman sa kanya si Kuya Meeco at nagpalinga-linga na kung saan-saan.


"Wag mo namang lahatin Kuya Meeco, try mo kayang bawasan 'yang pagka-manyakis mo ng magkaroon ka naman kahit konting chance sa mga babae. Gwapo ka naman, sayang  nga lang dahil siraulo  ka ." Tumawa na lang kami ni Ben matapos ang pinagsasabi niya. Lalong bumusangot ang itsura ni Kuya Meeco, bakit? Totoo naman 'yun ah! Bakit kasi nagkaroon ng isang manyak at kalahati sa pamilya namin eh, ayan tuloy nabahiran ang record ng pagkagentleman namin. Hahaha! *tawa ng pogeeee*


"Oh sige na mga pinsan, gutom na ako. Ben, order ka na." Lumapad naman ang mga ngiti sa'kin nitong isang 'to. Ay alam ko na 'yan, ngiting abusado. ̄ˍ ̄ Porke libre ko sasagad-sagarin naman nila. Mga abusadong pinsan! Litsi!


"Waiter!" May lumapit namang maton na waiter sa table namin. Nagulat na lang ako ng magsalita siya.


"Here is our menu sirrrrr." Grrr, bekibels pala. Akala ko naman fafa yun pala sireyna! Ay nakakalurkey!--- Romeo, anong nangyayari sa'yo! Wahhh nababakla na yata ako! Shoo! Shooo!

Romeo Meets CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon