Chapter III: Benvolio of Montague

266 40 15
                                    

Romeo X Cinderella HiImFebby
Chapter III: Benvolio of Montague

Lumapit siya sa akin at inilagay niya yung kaliwang kamay niya sa noo ko para i-check kung may galos oh wala.

"Ah-eh, o-kay lang ako."  Mautal-utal ko pang sabi sa kanya. Ang gwapo naman niya! Ang hot naman niyang tingnan habang pawis-pawisan.

Erase Erase!

Ang landi mo Ella, shupee kayo mga malalanding thoughts!

Tinulungan niya naman akong tumayo at pagkatapos noon eh humaripas na ako ng takbo. Walang nilingunan!

Narinig ko naman ang boses noong poging lalaki.

"Miss! Teka lang!" Pero sa galing ko ba namang magtatago eh ayun, hindi niya ako nakita.

Sumilip-silip ako sa paligid, wala na siya kaya ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ko.

Section 1-B
Room 217

Libot ako ng libot at halos buong main building eh naikot ko na at kalalakad ko naman eh may nabunggo ako at naramdaman ko naman na may nahulog na gamit sa nabunggo ko.

"Uhm, miss sorry ha? Hindi ko sinasadya. Hinahanap ko kasi yung room ko pero hindi ko makita eh." Sabi ko roon sa babaeng nabangga ko, ang cute at simple naman niya.

"Ah eh okay lang yun. First year ka rin?" Sabi noong babae na nabangga ko habang nagpupulot kami ng gamit.

"Ah oo eh, ikaw ba?"  Sabi ko sabay tingin ko sa relo ko. Ehmeged! Five minutes na lang at bell na!

"Ako rin eh, anong section mo?" Tiningnan ko naman yung card saka ako ulit humarap sa kanya.

"Section 1-B ako eh Room 217." Tumayo na kami tutal tapos na naming pulutin yung mga gamit niya tapos tiningnan din niya yung card na hawak niya na kaparehas noong sa akin.

"Oh tingnan mo nga naman oh, magkasection pala tayo. Sabay na tayo kung okay lang sayo?" Ngumiti siya at inextend niya yung kamay niya para makipag-shakehands.

"Ako nga pala si Issah, ikaw?" Ngumiti rin naman ako sa kanya at nakipag-shakehands.

"I'm Ella."  Naku, mukhang magkakasundo kami nitong si Issah ah.

"Oh ano? Tara na dali! Malapit ng magtime."  Hinila niya ang kamay ko at sabay na kaming tumatakbo para hanapin yung section namin at sa hinaba-haba ba naman ng prusisyon eh doon pala mismo sa lugar kung saan nalaglag ni Issah yung mga gamit niya yung section namin. Ang bulag namin noh?

"Phew! Buti nakahabol tayo Ella!" Hingal na hingal na umupo si Issah sa tabi ko. Irregular pa naman kaya kahit saan kami magsi-upo. Mukha na parehas kaming parang asong hinihingal sa lagay namin.

"Oo nga eh." Nagkatinginan na lang kami sabay tumawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA."

"Ang epic naman ng first day natin Issah!" Sabi ko habang hinahabol pa rin ang hinga ko.

"Naku Ella, sinabi mo pa." Sabi niya saka ngumiti sa akin. Magkakasundo talaga kami nito, ang bait niya sa akin kahit parang anak mayaman siya. Nagtawanan naman ulit kami at saka bigla siyang nagsalita.

"Mind if we can be friends?"  Sabi niya habang nakangiti, ang cute cute niya hihi.

Niyakap ko na lang siya at mukha namang nabigla siya sa ginawa ko.

"Of course naman noh!" Sabi ko sa kanya, yehey ang swerte ko naman may kaibigan na agad ako dito sa Montague University na ito.

Ilang sandali naman eh may nagsipasukan na mga kalalakihan at mukhang kahit pagkaaga-aga eh pawis-pawisan na agad. Eww, ang lagkit siguro nila.

Romeo Meets CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon