Chapter I: Her Romeo

367 57 19
                                    

Romeo meets Cinderella
Chapter I: His RomeoHiImFebby

"Romeo! My god son, wake up!"

Naalimpungatan ako sa napakasarap kong pangtulog ng biglang pumasok si Mama sa kwarto ko. Pa-gabi na pala, tss naman, ang ganda na sana ng panaginip ko... mahahalikan ko na sana kaso--- wala na eh, basag na.

"Hmm?" Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko, wahhh! Ang sama ng tingin sa akin ng mama ko!

"Wake up son! Nakahanda na ang lahat para sa date mo with one of our business partner. Maganda siya so I hope mapili mo na siya as your future wife. Get up now, get up!" Itinutulak na ako ni mama sa kama ko at muntik na akong mahulog.

"Ma naman, stop it okay? Eto na oh? Eto na babangon na?" At unti-unti kong iminulat ang mata ko sabay upo sa kama then stretching.

Kahit kailan talaga hindi na nakumpleto ang mga panaginip ko. Andun na eh, andun na kaso laging----ugh. Nevermind.

Bumangon na ako at naghilamos saka kung ano-ano pa. May dinala yung maid namin na suit ko, masyado naman atang formal ngayon at naka-suit pa?

Pagkatapos ko sa mga ginagawa ko eh isinuot ko na yung suit. Nagpagwapo muna syempre saka lumabas ng kwarto. Sinalubong naman ako ni mama sa staircase.

"Gwapo talaga ng anak ko, so let'go meet your future fiancee?" Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi ni mama. Its almost the 10th time.

Ako nga pala si Yohann Romeo Ramos. 18 years old, nag-iisang anak ako. Isa akong gwapo, mayaman, gentleman, pilyo at okay... mayabang na din hahaha.

At sa kasalukuyan nga, pupunta kami ng parents ko sa isang Marriage Interview na naman.

Masyado atang desperado at desperada sina Mama at Papa na ihanap ako ng mapapangasawa ah? Gusto na ba nila ng apo?? Joke, ayoko pang maging tatay oy! Gusto ko pa ma-feel ang kabataan ko.

"Here we are, son." Kalmadong sabi ni Papa ng makarating kami sa tapat ng isang Restaurant. Mukhang elegant at mamahalin, iba talaga ang parents kong humanap ng mga business partners. Ayos 'to! Makakalibre na naman ako dito.

"Ah okay?" Sagot ko sa kanya habang nakatingin ako sa malayo. Nagsimula ng pumasok ang parents ko sa loob ng resto.

Ayos  'to, takas mode ulit! Yipieeee!

Kaso tatakbo na sana ako ng bigla akong nauntog. Hindi kung saan, KANINO!

"Don't even try to run away again,Romeo. I know your tricks kaya nag-hire na ako ng body guard ng hindi ka na makatakas dito sa Marriage Interview na 'to." Sabi ni Papa. Oh jeez, ano ba yan ang malas ko. Nakapangako na  ako kina Ben eh.

Naku baka antayin ako nung mga yun sa bar mamaya. Kainis sobra.

"Okay fine. Talo na ako, sama na ako sa inyo." Sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay ko na para bang susuko na sa nga Hapon. De joke hahaha.

"Masunurin ka naman palang anak eh. Sige pasok na tayo." At ngumiti pa ang matanda. Hay nako, sige! Panalo kayo ngayon pero ako na ulit sa susunod! *tawa ng gwapo hahahaha!*

Umupo na kami sa isang table ng parents ko at ilang sandali eh may dumating na para samahan pa kami sa table. Tumayo naman kami.

"Anak, I would like you to meet Mr. Henzon Ramirez and his wife Mrs. Olivia Ramirez and of course their only daughter Nicole Juliet Ramirez."

Shakehands sa Daddy, shakehands sa Mommy at syempre kuha sa kamay ni Babae at hahalikan. Sabi ko naman din sa inyo eh, gentleman 'to! *tawa ng pogi hahahaha*

Romeo Meets CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon