Chapter II: His Cinderella

264 45 9
                                    

Chapter II: His Cinderella
Romeo X Cinderella HiImFebby





"Out na ako, ingat guys pag-uwi ha?" Sabi ko sa mga katrabaho ko. Hayy mapagod na araw 'to, ang daming customers sa Restaurant.





"Ingat ka rin Ella. Gabi na,gusto mong ihatid na kita?" Aya ni  Zedric,  katrabaho ko at isa sa mga pinakaclose kong tao dito sa work ko.





"No need Zed, maabala lang kita. Kaya ko na ang sarili ko don't worry." Ipinakita ko ang braso ko, pahiya nga lang walang muscles haha.





Lumapit siya sa akin at ipinatong ang kamay niya sa ulo ko at ginulo naman niya ito. Aist naman kakasuklay ko lang eh! Hmp.





"Ano ba Zed! Panira ka ng hairstyle hmp!" Tapos sinuntok ko ng mahina ang braso niya saka siya tumawa.





Nagpaalam na ako sa iba kong katrabaho at umuwi na ng bahay.





"Ella!"





Oh no... Not again, pagpahingahin naman nila ako. Ang sakit na ng buong katawan ko huhu.





"Ella!" Narinig kong sigaw ng bruha kong STEPMOTHER.





"Kakauwi lang!" Sagot ko sa kanila habang dahan dahan akong naglalakad papunta sa kwarto ko kaso wala eh... naabutan ako.





"Hindi mo ba alam kung anong oras na Ella?! Nakalimutan mo na namang kuhain yung gown na pinagawa ko para sa event ng kumare ko! Paano na naman yan ha?!" Bigla siyang lumapit at hinawakan ang buhok ko sabay hila. Ang sakit, well sanay na ang buhok ko diyan. Kahit paano, IMMUNE na. Lagi namang ganito ang trato sa akin dito sa pamamahay na ito eh kahit sa totoo lang, pagmamay-ari  ito ng Papa ko ayun nga lang... sumalangit na si Papa at naiwan ako sa pangangalaga ng Stepmom ko.





Yung totoo kong nanay? Hindi ko alam eh? Paliwanag na lang sa akin ni Daddy eh iniwan niya kami noong two years old pa lang ako kaya ayun, nag-asawa siya ng bago at sa kasawiang palad...





Ubod ng sama ng ugali ang napangasawa niya.





"Madam,sa makalawa pa naman po yung party ah? Saka ko na lang po kunin, kakagaling ko lang po kasi sa trabaho eh." Sagot ko sa kanya pero lalo niyang nilakasan ang hikit niya sa buhok ko.





"Aray po, tama na po." Teka, masakit na yun ah? Baka matanggal na maya-maya ang mga  buhok ko sa anit ko!





"Sumasagot ka pang bata ka ah! Wala akong pakialam! Basta kuhain mo na ngayon yung gown ko at kung hindi... wala kang matutulugan ngayong gabi! Intiendez?"





*Gulps* gusto ko na talagang umalis dito sa bahay na ito kaso bakit ganoon ayaw ng katawan ko? Hay nako.






"Aray, aray po Madam. Sige po sige po, pupuntahan ko na." Nagpupumiglas na ako at ayon, buti binitawan na niya ang pagkakahikit sa buhok ko. Ibinaba ko na muna yung gamit ko at saka naglakad sa pinto.





Hay ano ba namang buhay ito, talagang hindi na nawalan ng iiutos ang demonyita kong Stepmother.





Ako nga pala si  Ella Patricia OngSeventeen years old at as you can see nga, isa na akong ulilang lubos. Si daddy wala na 5 years ago at  iniwan nga niya ako sa pangangalaga ng demonyita kong Stepmom ko at ng dalawang bruhang stepsister. Not to mention... mukha talagang bruha as in. *tawa naman jan* xD.





Romeo Meets CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon