Chapter IV: Rosalie

222 35 11
                                    

Romeo Meets Cinderella
RxC Chapter IVRosalieHiImFebby

Issah POV

Nakaalis na si Franz at ito namang si Ella eh hinihikit ako kasama nila papuntang canteen.

"Tara na nga kasi." Sabi niya habang pinipilit akong hilahin.

"Ayaw ko nga kasi Ella. Huwag na kasi, hindi naman ako invited eh." Tapos nag-pout ako. Gumana ka, gumana ka, gumana ka please! >______<

"Eh, sinabi ko naman sa kanya na isasama kita eh? Sige na please? At saka gusto mo rin naman di ba?" Wahhh, ang kulit ng lahi ni Ella! Ang sarap itali, hindi ko siya makumbinsi na lubayan ako.

Inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin at saka humarap sa kanya.

"I'm definitely fine Ella, okay lang ako. Don't worry, sige puntahan mo na siya. Sayang ang libre 'teh kaya gora na! Enjoy!"

Itinutulak ko siya tapos bigla na lang akong tumakbo at dahil runner ako, hindi na niya ako nasundan ng tingin at naglaho na kung saan.Hindi ko namalayan kung saan ako dinala ng paa ko pero pagtingin ko na lang eh nasa gymnasium ako ng Montague University. Tumambay muna ako roon tutal break naman namin at saka walang tao ngayon dito. Good thing makakapag emote-emote ang ateng niyo.

Nagtataka siguro kayo sa katauhan ko ano?

Ako si Issah Rosalie Andersen, same age as Franz kaya nga mag-kaklase kami di ba?

Ano ako sa story na ito? Isang Hopeless Romantic...

Bestfriend ako ni Franz simula pagkasilang namin... at syempre joke lang 'yon hahaha. Simula maging magkaka-kilala ang parents namin sa isang gathering about business noong mga bata pa kami at doon nabuo ang pagkakaibigan namin ni Franz Benedict pero nasira ko iyon noong magtapat ako ng feelings sa kanya at simula noon eh lumayo na  ng lubusan ang loob niya sa akin.

Sa tuwing magtatangka akong kausapin siya eh bigla na lang niya akong lalayuan and he always find a way para hindi magkatagpo ang mga landas namin.

*FLASHBACK*

"Uhm... Franz... ano, may sasabihin sana ako sa iyo eh." Narito kami ni Franz sa swing ng Stelleville Integrated School which is yung dati naming school noong elementary days namin.

Nakakapagod kasi kanina pagkatapos ng klase eh. Napakaraming pinagawa ng mga teachers sa akin as the School's Student Government Head para sa School Fest. Hindi ko naman mahagilap sa kung saan-saang mga lupalop ang mga officers kaya ayan tuloy, napapunta lahat sa akin maski ang mga gawain na dapat ay naka-assign sa kanila.-____-

Kaya heto kami ni Franz, patambay-tambay habang nagkakain ng Magnum at nagrerelax na rin. Hayyy, pagabi na rin pala.

"Oh, anu naman yun Issah? Hey by the way, thank you sa Magnum ha? Nom nom." Sabi ni Franz habang kinakain niya yung ice cream na libre ko.

"Sus, yaman-yaman eh hindi ka bumili. Kuripot much Franz? But sure, you're welcome." Sabi ko tapos kung ano-ano pa ang napag-kwentuhan naming dalawa. Simula mga epic moments noong umaga hanggang noong hapon. Ang hyper niyang tao, grabe at hindi ko ma-reach.

Itinulak ko yung swing at saka nagsimulang mag-duyan. Na-miss ko ang magpahinga ngayon habang nasa school, masyado kasing marami ang kailangang tapusin  buti nakahanap ako ng time ngayon kasama si Franz. Ti-timingan ko na rin siguro para sabihin 'yon.

"Ano nga pala yung sasabihin mo?" Tanong niya tapos tumingin siya sa direksyon ko. Napatigil naman ako sa pag-swing kaya magkapantay na kami ng upo. Tumungo ako at nag-ipon muna ng lakas ng loob at nang maramdaman kong sapat na, sumagot ako.

Romeo Meets CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon