Chapter VII: Memories Of A Father

258 16 4
                                    

Romeo meets CinderellaHiImFebby
RxC Chapter VII: Memories of a Father

Ella POV

"Now tell me Ella, bakit kasama mo ang Prince charming naming si Romeo? Are you flirting with him?!" She raised her eyebrow at tiningnan ako mula ulo hanggang paa sabay irap "Huh! Well, hindi ka naman niya magugustuhan. Isang tingin pa lang sayo, ka-turn off na." Nag-flip pa siya ng buhok saka ako tinawanan. Lakas din naman ng confidence nitong si Cassy, hiyang-hiya talaga yung itsura ko sa ganda niya. ( ̄ˍ ̄)


Nandito kami sa living room at kasalukuyan akong hino-hotseat nitong si Cassy. Ewan ko ba kung bakit bigla na lang niya akong kinidnap kanina sa parttime ko, nabawasan tuloy ang sweldo ko dahil sa kanya tapos ito lang ang gagawin niya?! Kahit kailan talaga ang babaw ng isang 'to.

"Im sure kung ako ang kasama niya, malamang nainlove na agad siya sa'kin dahil sa ganda ko." Humabol pa ng joke. Di ba joke 'yun? Hahaha.(≧▽≦)

Biglang sumulpot na parang kabute si Dara sa tabi ni Cassy na may hawak na pamaypay sa kamay niya. "Ha! Mas maganda ako sa'yo kapatid. Since birth pa kaya sa'kin maiinlove si Prince Romeo!" She smirked at Cassy kasabay ang pag-pagpay niya. Bumusangot naman ang mukha ni Cassy sa sinabi ni Dara kaya kinurot niya ito sa braso.

Napatalon ng bahagya si Dara sa pwesto niya dahil sa pagkurot ni Cassy sa kanya. "Ouch! I'm gonna tell mom you're harrassing me!"

"No I'm not. Gusto lang kitang gisingin sa panaginip mo sistah, I'm a hundred times gorgeous than you." Nag-beelat si Cassy sa kapatid  niya habang ako naman, nagpipigil ng tawa. Lakas kasi ng tama nitong magkapatid na 'to. Ewan ko ba, ang taas ng pag-aambisyon sa buhay!

Dahan-dahan akong nagtiptoe paalis sa harap nitong dalawang magkapatid na nagbabangayan, mahirap na baka madamay pa. Hindi talaga ako makaget-over sa topic nina Cassy at Dara, jusmiyo! Nananalamin po ba kaya silang dalawa? Oops! No offense meant. (*^O^*)

"Hahaha, epic! Ang epic ng magkapatid na 'yun. Ang sakit na ng tyan ko katatawa HAHAHAH--- Maam Cassandra!" Halos pumiyok ako ng lumitaw sa harap ko si Maam Cassandra na may hawak na namang tasa ng kape. Bumungad sa'kin ang pamatay niyang pagtaas ng kilay at malalaking mata na nagbabadya na naman ng isang bonggang sermon para sa'kin.

"At anong tinatawa-tawa mo naman diyan Ella? Para kang tanga dyan, tumigil ka nga. You're creeping me out for Pete's sake!" I covered my mouth with my free hand at nagsimula ng lumakad ngunit biglang hinila ni Maam Cassandra ang manggas ng tshirt ko kaya napatigil ako.

"Ella bago ka matulog, siguraduhin mong komportable sa higaan niya si Lucy. Lagyan mo siya ng gatas sa inuman niya para hindi na niya ako abalahin sa beauty sleep ko. Be sure na ililista  mo ang mga kulang sa ref natin ng makapag-grocery ka na. Be sure to check both Cassy and Dara's room at siguraduhin mong walang kahit anong insekto doon. Kapag nagawa mo na ang lahat ng inuutos ko, you can go to sleep." Ngumisi siya habang naglalakad papunta sa kusina. Medyo nainis ako 'dun ah. Sino ba naman ang hindi maiinis eh ang dami pang pinagawa kung kailan ako malapit ng matulog. Ang mean talaga nila! Kung andito lang sana si Papa, hindi nila ako itatrato ng ganito na parang isang alila.

Biglang napawi ang saya sa mukha ko ng dumako sa isipan ko ang alaala ni Papa. I suddenly remembered the times when we're together, yung kami pa lang dalawa ni Papa at hindi pa dumadating sa buhay namin sina Ma'am Cassandra. Yung mga panahon na namumuhay kami ng simple sa bahay na ito at masaya kami kahit hindi man namin kasama si Mama. Everything became hell for me when he died and left me in the custody of his second wife.

Noong una, ang bait sa akin ni Ma'am Cassandra. Halos maisip ko na nga na talagang tinuturing na niya akong sarili niyang anak pero ng mabaril si Dad habang nasa isang business trip and after his burial, lumabas na ang totoo nilang kulay at lahat ng minana kong kayamanan, talagang sinigurado din nila  na sa kanila din mapapapunta.

Romeo Meets CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon