Add my official facebook account (char!) Xian Randal
Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal
Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)
65
“Hi there Elvin! I mean Sir Elvin.” Si Victoria, pinapasok na niya ito dahil kailangan niya ang designs na pinapagawa niya. May pinababago kasi siya sa huli nitong ibinigay.
“I hope you’re done with the designs, Miss Andrews. May I see them?”
“Sobrang excited ka naman, Elvin. I didn’t actually bring them. Naiwan ko sa bahay. Yun nga ang ipinunta ko sana rito, coz you know, I have no car today, can you go with me ba later to get the needed designs?”
Gusto niya sana itong pagtaasan ng hindi niya naka pluck na kilay pero pinagilan niya ang kanyang sarili. “I’ll just let my secretary get it, Miss Andrews.” He patiently answered.
“I want it to be you kasi. Iniiwasan mo ba ako?”
Obvious ba?
“Why should I?” Mahinahon pa rin siyang sagot.
“Well, I just feel it, I know you can feel it Elvin, you can feel that I like you. I really do.” Walang hiyang sabi nito.
Napapikit siya saglit. Ang kapal lang talaga ng fezlak ng mujer na itey! “Miss Andrews, may asawa akong tao. May pamilya, may mga anak.”
“Yeah, I know that. That does not matter to me, Baby. It’s you that matters.” Sabay lapit kay Elvin, inilapit nito ang mukha niya sa mukha nito. She’s trying to kiss him. Siya ang umiwas. Gusto niyang masuka.
“I’m sorry, Miss Andrews, but I don’t think you are in your right mind today. I don’t want to be rude, but can you please leave now?”
“You’re challenging me, Baby. I love challenges. Bring it on.” She smiled seductively.
Yuck! Yuck! Yuck! Mane-nail cutter niya itey!
“Can you please leave the office now, Miss Andrews?” Sabi na lamang niya habang may konti pa siyang pasensiya sa babaeng ito.
“Elvin, hindi ako basta-basta sumusuko, that’s how I like you.” Sabi pa nito bago umalis. Pagkasara ng pinto ay inis na ibinagsak ni Elvin ang hawak na sign pen. Mabilis na ini-lock ang pinto, baka kasi bigla itong bumalik. Naiinis na hinanap ang kontratang pinirmahan ni Victoria sa kompanya.
“Juice ko! Chipanggarutay (cheap) na mujer! Hindi ko na keri ang revelation niya. Halata ko na nung una pa lang pero wiz ko talaga knows na ikokokak niya sa akin! Nakakalurkey!”
Biglang naisip niya si Kathryn. Ano kaya ang gagawin ng asawa niya kapag ikinuwento niya ang nangyari ngayon? Dapat ba niyang ikuwento? Ayaw niyang ma stress ang asawa.
“Kailangan na kitang tanggalin, Victoria! Kumukulot lalo ang balahibo ko sa iyo!” Alam niyang marami pang magagaling na architects, hindi lang siya. Pero, ano naman ang irarason niya sa Papa ni Kathryn o kay Mr. Andrews? May gusto ito sa kanya? Baka naman isipin ng mga ito na masyado siyang assuming. Magaling kasi ito kung trabaho ang pag-uusapan. Nakakabad vibes na nilalang.
Minabuti na lamang niyang tignan ang mga kakailanganing papeles. Nakalimutan na niya si Victoria nung biglang tumunog ang intercom niya.
“Hello.”
BINABASA MO ANG
WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)
HumorNananahimik siyang nagtatrabaho sa Canada as an architect when he received a letter from the Philippines, a copy of his Lola's Last Will and Testament. Ubod naman kasi ito ng yaman at ang Mama niya ang nag-iisang anak, so obviously, sa Mama niya lah...