Pinapaalalahanan ko lamang kayo, naglalabas lang ako ng stress sa chapter na ito bago matulog kaya ganyan lang siya,pwede ninyong basahin, pwede ring hindi. LOL.
FB GROUP (padd muna ng account ko bago ma approve sa group) - X.i.a.n.a.t.i.c.s.
FB: XianRandal
Twitter: @XianRandal
Dedicated sa iyo dahil birthday mo ngayon. Maligayang Kaarawan! Salamat sa pagbabasa.
*********************************
35
“Sayang ano, kung sana hindi ako umalis, palagay mo, nagkatuluyan tayo, Kathryn?”
Ibinagsak ni Elvin ang hawak na kubyertos! Aba aba aba! Bastusan na itey! Hindi na maganda! Ding, ang bato!
Nagulat si Kathyn sa pagbagsak ng kutsara at tinidor ng kanyang Sinta. Mas nagulat siya sa sinabi nito.
“What the hell do you mean by that, Scanver!” Dumagundong ang boses lalaki nito. Kung pwede lamang sanang tumili ng mga oras na iyon ay ginawa na talaga ni Kathryn, kaso hindi pwede, namumula ang tenga ng kanyang Sinta! Does it mean he’s mad? Jealous? OMG! Mas gusto niya yung galit dahil nagseselos.
“Easy Pare, I was just joking.” Tila hindi naman apektado si Scanver sa naging reaction niya. Si Kathryn tuloy ang nainis, so ano ang gustong palabasin ng kanyang kababata?
“Scanver, alam mo, kahit noon pa man, alam ko naman na hindi na tayo magkakatuluyan. Eh kasi walang spark! Hindi katulad ng Sinta ko, unang kita ko pa lang sa kanya, may girlfriend pa siya nun ha, at bestfriend ko pa ang ex niya, alam na alam ko sa sarili ko na siya ang gusto kong makasama habang buhay, at alam na alam ko rin na kami ang magkakatuluyan.” Suwabeng sagot ng Sintas niya!
Pwedeng magpasabog confetti? Taasan ng kilay ang hombre na iisyuhan na niya talaga ng persona non grata sa balay (bahay) niya. Kating-kati ang kamay niya para mag Debbie Gibson (give) nang wagas na palakpak para sa pang Miss Baranggay Nagkakaisa na sagot ng kanyang josawa! Ayan, komokokak (nagsasalita) lang nang hindi nag-iisip itong homre na itey!
Hindi na niya kailangan ng bato, itago na Ding for future use. Sa nyosawa pa lang niya, wa na ma say si Scanver!
“Nakapagpamanhikan ka naman, Pare ano?” Aba! Umaariba pa sa pagkokokak ang homre na itey! Hindi pa nadala ha.
“Oo naman. Kasal na kami sa Huwes, matagal na akong nakapamanhikan.” Sagot ni Elvin. Wala pa rin siya sa mood makipag ispluka ng matagal sa hombre. Kiber!
“Mabuti naman. Wala ka bang balak na ibili ng sariling bahay si Kath? Iba pa rin siyempre pag talagang nasa isang lote o mas malaki sa unit mo ang bahay ninyong mag-asawa.”
Ay! Kailangan ulit ang bato! Pagkalaki-laking E ang hombreng itech! E for epal!
“Of course I have! Kahit sino, gugustuhin mo ang the best para sa asawa mo, para sa pamilya mo. Lalo na at magkakaroon na kami ng mga anak soon. Huwag kang mag-alala, kapag nasa Pinas ka pa, iinvite kita sa blessing.”
BINABASA MO ANG
WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)
HumorNananahimik siyang nagtatrabaho sa Canada as an architect when he received a letter from the Philippines, a copy of his Lola's Last Will and Testament. Ubod naman kasi ito ng yaman at ang Mama niya ang nag-iisang anak, so obviously, sa Mama niya lah...