Add my official facebook account (char!) Xian Randal
Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal
Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)
(I love you! Nagbabasa ka na naman!)
63
(I love you! Nagbabasa ka na naman!)
*********************************************************************************************************
“Okay, now matatahimik na ang Lola mo, natupad na ang gusto niya. Masaya ako sa nangyari, Elvin.”
“Thank you, attorney. Pasensiya na po kayo at pinapunta ko pa kayo sa opisina.”
“Walang problema. Kumusta naman si Kathryn at ang mga anak ninyo?” Iniligpit na ng matanda ang mga papeles para ibigay ang kopya niya.
“Okay naman po, ang dami na nilang alam.” Napapangiti siya habang ikinukwento iyon.
“Mabuti naman, hindi ko akalaing makikita kitang ganyan kasaya.”
“Hindi ko rin po akalaing magiging masaya ako, Attorney. Salamat kay Lola.” An image of Kathryn and the twins popped on his mind.
“Sometimes, Lola knows what’s best for us. Paano, mauuna na ako. Kapag may problema, alam mo saan ako pupuntahan, parang apo na rin kita, Elvin.”
“Salamat po ulit, Attorney.”
Pagkalabas ni Attorney ay si Scanver ang pumasok.
“Hi, I will be giving you this papers, pag-aralan mo muna ng maige.” Hindi naman ito nagtagal, pagkatapos maibigay ay agad na umalis. Mabuti naman, hindi na niya kailangang makipag plastikan pa.
Mas dumarami yata ang responsibilities niya sa trabaho, mas nagiging konti ang oras niya sa kanyang mag-iina. Pagod na siya pagkauwi ng bahay. Pinasadahan niya lang ng mga mata ang ibinigay ni Scanver.
Nakakaumay ang mga papeles, ang trabaho. Nakaka stress ang mga dapat pag-aralan. Minabuti niyang gawin ang mga kailangang unahin para makauwi na siya. Namimiss na niya ang mga dating ginagawa nila ng Sintas niya.
Bago umuwi ay dumaan muna siya sa isang flower shop at bumili ng bouquet para kay Kathryn. Dumaan na rin siya ng grocery para sa gatas ng kambal. Pauwi na siya nung mag ring ang kanyang cellphone. Si Victoria na naman! Minabuti niyang hindi ito sagutin. Ayaw niyang uminit ang ulo niya. Kanina pa ito tawag ng tawag sa kanya pero hindi niya sinasagot. Bukas pa naman ang usapan nila ng buong team na magkita para sa mga designs na ipapasa sa kanya.
Malapit na siya sa bahay nila. He could just imagine Kathryn smiling while waiting for him. Napakunot noo siya nung may makitang pulang kotse sa harap ng bahay nila. May bisita?
Bitbit ang mga rosas at pinamili, napapaisip siya na pumasok sa loob ng bahay nila. Pamilyar kasi sa kanya ang sasakyan pero hindi niya matandaan saan niya nakita.
Si Inday rin ang sumalubong sa kanya.
“Hi Ser! Akin na po ang mga silupin Ser.”
“Ha? Anong silupin?”
“Si Ser naman, jokes ulet? Silupin po, supot, plastic, yan pong mga bitbit nyo.” Kinuha ni Inday ang isa sa mga dala-dala niya.
“Ang ganda po ng mga bulaklak, Ser. Para kay Ma’am Kathryn po ba yan?”
Heto na naman si Inday sa tanong niya. “Hindi Inday, para sa iyo ito. Sa palagay mo, kanino ko pa ba i-givenchy ang shala pinkaloo (sosyal pink) roses na itey? Eh di sa mudra ng mga kyotatalet ko!”
“Pine (fine)..pine..akala ko kasi Ser sa bisita ninyo. Narinig ko kasi kay Ma’am na kaibigan nyo raw siya. Kasama ninyo sa tem (team).”
“Tem?” Nakatalikod ang sinasabi ni Inday na bisita nila. Kausap nito si Kathryn at buhat-buhat si Kael. Kailangan muna niyang tulungan si Inday dahil medyo mabigat ang isang plastic bag.
“Tem gud, Ser. Parang tem out (time out) lang.”
Tumingin lang si Elvin sa kanya, ni hindi nangiti. Inilagay niya ang pinamili sa itaas ng lamesa at hindi binibitawan ang mga rosas.
“Jokes yun, Ser, tumawa ka. Tem , Ser, yung tem Sara, tem Bambu at tem Lia.”
“Tigilan mo na nga ako. Maghanda ka na ng hapunan at nagugutom na ako. Sino raw ba siya?”
“Si Mam Victoria, Ser, kapangalan ng mall natin dito sa Davao.”
Napatigil siya sa paghakbang. Lumingon kay Inday.
“Sino kamo?”
“Si Victoria daw Ser, narinig ko, sabi niya, Vickie por short, parang Vickie Bilo.”
Anong ginagawa ng babaeng yan dito sa pamamahay niya!
*********************
“Hi Sinta.” Nakangiting bati ni Kathryn sa asawa niya. Mas lalong lumapad ang ngiti niya pagkakita sa mga bulaklak.
“Hi Sintas.” He gave Kathryn a smack. “How are you, Sintas ko?” kinuha niya si Erynn rito para maiabot ang mga bulaklak. “I missed giving you pink flowers.”
“Thank you, Sinta.” Saka lang naalala ni Kathryn si Victoria. “Siyangapala, si Victoria, Sinta, kasama mo raw sa trabaho, isa sa mga architects mo, kasama sa team.”
Kung pwede niya lang taasan ng kilay ang babaitang ito ay ginawa na niya. Sinong tao ang walang paalam na nagbigay ng address nila?
“What are you doing here, Ms. Andrews?” He coldly asked.
“Sorry ha, I just happened to called you couple of times but there was no answer. I am really worried about the designs I made kaya I made ways to see you. Well, I hope you don’t mind.” Paawang sabi nito.
“Well I do mind.”
“Ha?”
“You know what, Ms. Andrews, if possible, I don’t want to bring work here in my house. Gusto ko kasing naka focus sa pamilya ko.”
“Oh, so nice of you. Ang sweet mo naman talagang ama at asawa. Napaka swerte naman ni Kathryn.”
“You’re right, kaya nga mahal na mahal ko ‘tong asawa ko. Sinta, kunin mo na lang yung trabahong gustong ibigay ni Vickie,sayang naman ang effort niya. Mabuti nga at nahanap niya agad ang bahay natin. Ang liit talaga ng mundo, Sinta, kinakapatid niya pala si Scanver.” Pagbibigay alam ni Kathryn.
“Oh really? Kaya pala.”
“Kaya pala ano?” Nakangiting tanong ni Victoria.
“Kaya pala nakita ko kayong nag-uusap sa office na parang matagal ng magkakilala.
“Sa kanya ko nga hiningi ang address nyo, Elvin. Nakakatuwang nakilala ko ang asawa at mga anak mo.”
Tumaas ang kilay ni Kathryn pagkarinig sa pangalang Elvin, tumaas ang kilay niya dahil kanina lang, Sir Elvin pa ang gamit nito, at tumaas ang kilay niya dahil sa pagkakasabi nito.
****************************
A/N: Binuang lang jud ni nga istorya, ayaw i-seryoso kay wala gani nagseryoso ang writer. Kung naa may Bisaya diri, ayaw ka offend ha nga guihimo nakog Bisaya gamay si Inday kay nakatawa jud ko sa OP sa iyahang character sa akong FB Group page, nalingaw juid ko sa iyaha. Sa tinood lang, na short na kog idea sa akong stories kay nalingaw guihapon ko sa COC karon, join mo sa among clan nga XianaticsClan…. Garaa oi! Wahahahahahhahahahahahah!
BINABASA MO ANG
WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)
HumorNananahimik siyang nagtatrabaho sa Canada as an architect when he received a letter from the Philippines, a copy of his Lola's Last Will and Testament. Ubod naman kasi ito ng yaman at ang Mama niya ang nag-iisang anak, so obviously, sa Mama niya lah...