Add my official facebook account (char!) Xian Randal
Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal
Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)
10
“Ulitin mo nga ang sinabi mo, binata.” Utos ng ama ni Kathryn sa kanya. Lumunok muna ng laway si Elvin bago nagsalita.
“I would like to ask permission, Tito, if kailan po kami puwedeng pumunta ng mga magulang ko para mamanhikan.”
“Anong mamanhikan! Ngayon ka pa lamang namin nakilala, pamamanhikan na ang sasabihin mo!” Galit na sabi ng Papa nito.
“Honey, calm down. Pakinggan muna natin ang mga bata.” Sabi ng Mama ni Kathryn. Tumatakbo naman ang isip ni Elvin, ano ang irarason niya kung bakit ganun kabilis, hindi naman pupuwedeng buntis si Kathryn dahil hindi pa sila nag…nag aano. Saka, kakauwi pa lamang niya.
“Ma..Pa..kayo rin naman ang may sabi dati na gusto nyo na akong mag-asawa, hindi ba? Gusto nyong makita ang inyong mga apo.” To the rescue na sabi ni Kathryn.
“But not this fast! Ano, buntis ka na ba?!”
“No! Not at this time.”
“Not at this time? Huwag mong sabihin na.” Ang laki na nang mga mata ng Papa ni Kathryn.
“Tito, aaminin ko na po, may nangyari po sa amin ng anak ninyo, kaya po gusto ko siyang pakasalan, oo, at hindi siya buntis sa ngayon. Pero ayoko na pong hintayin na mabuntis pa siya. Kaya kung papayag po sana kayo, magpapakasal po muna sana kami sa huwes sa lalong madaling panahon.”
Gustong tumalon ni Kathryn sa tuwa, imagine, Elvin Yue Fernandez, her dream bi, boy pala, said those words without stammering! Parang sincere, sobrang seryoso! Kinikilig siya ng sobra!
Nakabibinging katahimikan ang sumunod. Mabuti na lamang at talagang mabait ang Mama niya, ito ang unang nagsalita.
“Great! Congratulations to both of you. Welcome to the family, Elvin.” Niyakap ito ng ina. Halos maiyak naman ito nung yakapin si Kathryn. “You will remain our baby, Kathryn.”
“Ma, magpapakasal lang po ako, wala pa rin namang pagbabago.”
“Bakit sa huwes pa, hindi na lamang idirecho ng simbahan, kung gastos ang iniisip mo, binata, kami ang bahala.”
Pak! Madatung talaga ang mga magulang ng Sintas niya!
“Hindi naman po sa nagmamalaki ako, Tito, pero kaya ko naman pong ibigay ang pangarap niyang kasal, yun nga lang po, matatagalan pa po kung sa simbahan, huwag po kayong mag-alala, isusunod po naming iyon. Sa ngayon po, ang gusto ko ay pakasalan siya para matatawag kong akin talaga si Kathryn, yung hindi ako mag-aalala kahit pa ang daming nakatitig sa kanya tuwing mag mamalling kami. Yung maipagsisigawan ko sa buong mundo na asawa ko na siya.”
Wagi! Siya na ang best actor sa Indi Film!
Gusto nang himatayin ni Kathryn sa kilig! Bakit ganito si Elvin kapag lalaki? Talagang nagtatransform! No wonder na napeke silang lahat nung kunwari ay sila pa ni Candice noon.
“Hayaan na muna natin ang mga bata sa desisyon nila, Hon.” Ngumiti ang Mama ni Kathryn kay Elvin na seryoso pa rin ang pagmumukha. “Sige, Iho, tell your parents to come to our house tomorrow. Let’s talk about it over dinner.”
Tomorrow! Mayghad! Tomorrow agad! Hindi pa nga alam ng Mamang at Papang niya na may papakasalan na siya.
“S-sige po, Tita, Tito. Salamat po talaga.”
BINABASA MO ANG
WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)
HumorNananahimik siyang nagtatrabaho sa Canada as an architect when he received a letter from the Philippines, a copy of his Lola's Last Will and Testament. Ubod naman kasi ito ng yaman at ang Mama niya ang nag-iisang anak, so obviously, sa Mama niya lah...