Add my official facebook account (char!) Xian Randal
Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal
Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)
67
Ang sabi ko nga, hindi ko bibigyan ng separate story si Inday. This is a chapter for her, pwede siyang idelete sa story. Hindi naman siya ganun ka relevant. Tuwang-tuwa lang talaga ako sa kanya at sa OP niya.
********************
“Ser…Ser.” Tawag ni Inday sa amo niyang si Elvin na mukhang malayo ang iniisip, nasa harap na siya nito pero parang hindi pa rin siya nakikita.
Seeeerrrrr!” Sigaw niya.“Heh! Ane be! Bakit ka ba naka lapel (malakas ang boses). Imbey ka. Ang Ma’am mo? Ang kambal?”
“Suri na Ser, kasi naman, 10,000 years na akembang nakatayo ditey.”
“Ano ba kasi?”
“Sabe ni Mam Kathryn, pomonta raw kayo sa kwartu ng kambal. Tolongan nyo kame Ser. Sasali ako sa pagint.”
“Ha? Anong pagint?”
“Beauty kuntest Ser, sa asosasyon naming ng mga julalay (alalay).”
“May beauty ka ba?” Asar niya rito sabay tayo. Hindi pa niya nasasabi kay Kathryn ang lahat, nagdadalawang isip kasi siya. “Sige na nga.”
“Tinks Ser!”
“Sintas ko, ano at busy ka? Akin na si Erynn.” Kinuha nito ang isang kambal sabay bigay ng mabilis na halik sa asawa.
“Isinali ko si Inday sa pageant, Sinta. Sayang naman ang ganda niya, di ba?”
“Yeah, gandang di ko inakala.”
“Si Ser, Mam oh, nambobole.”
“Hindi ako nambubully, nagsasabi ako ng totoo.”
“Tama na nga kayong dalawa. SInta, gusto ko kasing makita naman nila na magaling si Inday. Ako ang magme-make up sa kanya, marami akong gowns and casual dresses sa closet, may talent naman si Inday. Isa pa, maganda ang hangarin ng pageant, makakatulong sila sa pagpapaaral ng mga kasambahay na interesadong mag-aral.”
“Kaya mahal keta Mam kasi supurtado mo ako.” Kinuha nito si Kael.
“Suportado ka rin ng Ser mo, nang-aasar lang yan, di ba Sinta?”
“Basta gusto mo Sintas, gusto ko na rin. Ano ba ang gagawin natin? Money contest rin ba ito?”
“Nope, pure beauty and brains, Sinta. Sa crib muna kayo babies ha, tutulungan namin si Tita Inday ninyo.”
“Una, yung pagpapakilala ni Inday, Sinta. Sige nga Inday, ipakita mo sa Ser mo.”
“Weyt Mam at Ser. Rarampa ako di ba Mam, bago magsalita?”
“Oo.”
Niyakap ni Elvin ang asawa mula sa likod habang nakatingin sa kasambahay, hindi niya alam kung matatawa siya o hindi.
“Maayong gabi-I sa tanan sa mga tao na nakakita sa akong byuti karon. Ako si Chantal Diwata McKinli, o sekat sa tawag na Inday, twenty years old, yaya ng kyut na kyut na dalawang kambal. Nanenewala sa kasabihang, ang ganda, hende lang yan nakeketa ng mga mata, nararamdaman den ng poso. Tink yu!” Sabay kaway sa kanyang imaginary audience.
BINABASA MO ANG
WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)
HumorNananahimik siyang nagtatrabaho sa Canada as an architect when he received a letter from the Philippines, a copy of his Lola's Last Will and Testament. Ubod naman kasi ito ng yaman at ang Mama niya ang nag-iisang anak, so obviously, sa Mama niya lah...