Naghahanap ako ng Operator ng mga MALE characters, sobrang limited edition kasi ang TUNAY na lalaki sa Wattpad. Wahahahaha. Pa PM if interesado, 18 and above.
FB: Xianrandal
Twitter: @XianRandal
Group: X.i.a.n.a.t.i.c.s.
Jan nyo nyo na lang din hanapin ang FB nina Elvin at Kath at iba pang characters
57
Lilipat na sila sa kanilang bagong patayong bahay, mas maganda dahil mahirap kung sa condo lamang sila nakatira, dito, may sariling nursery room ang mga bata, at dahil nga excited sila, dun na rin sila sa nursery room matutulog.
“Sintas! Crayola khomeni na naman ang peg ni Kael! Malamang tom jones na naman ang junakis nating itey.”
Although meron silang dalawang kasambahay, mas pinili pa rin ni Kathryn na maging hands-on sa pag-aalaga sa kambal. “Wait Sinta, sandali na lang ito.” May hinuhugasan pa kasi siya sa banyo.
“Ay grabe ang mga anak natin, ang kukulit.” Kinuha niya si Kael kay Elvin. Mabuti na lamang at tahimik pa si Erynn. Pero malamang mamaya lang ay mag-iingay na naman ito.
“Kanino pa ba magmamana ang mga yan, kundi sa iyo.” Tumawa si Elvin.
“Ay Sinta, huwag kang tatawa ng ganyan, kinikilig ako.”
“O, stop me, Sintas. Halikan kita jan. Kailan babalik sa pedia ang kambal?” Gusto niyang baguhin ang topic, juice colored, papasok pa siyang office at ngayon ang meeting nila ng Papa ni Kathryn kasama ang board, at isa pa, kakapanganak pa lang ng nyosawa niya.
“Sa Saturday, Sinta. Sasamahan mo kami ha, wala namang office yan.”
“Of course! Kahit pa may meeting akembang that time, ika-cancel ko for the three of you. Sige na ha, Sintas, mag-ingat kayo ng mga bata. I have to go. May meeting pa kami nina Papa. I will see at lunch time. Dito akesh maglalafang.” Kinuha niya ang laptop at humakbang na papaalis pero bumalik.
“Bakit?”
“Weh? Wiz daw niya inaantay pero pag dumating akesh ng office magtatampu-tampuhan. Kiss?” Ngumuso pa ito.
Ngumiti si Kathryn. Hinalikan ang asawa. “Sarap! Good vibes!” Hinalikan niya rin ang kambal. “Witit magpasaway sa mudrakels ha mga junakis. Huwag magpapagod, Sintas. I love you.”
“Nakakainis ka! Kinikilig ako, ang aga-aga eh! I love you too.”
Kumindat pa si Elvin bago umalis.
“Ang Daddy ninyo, nakakainis, pinapakilig ako.” Sabi niya sa kambal na natutulog na naman.
***********************
“Good that you are here, Elvin. We might start the board meeting earlier; we are just waiting for Scanver.”
Scanver? Tama ba ang narinig niya?
“Si Scanver na kasi ang papalit sa ama niya effective today, and since ikaw naman ang magiging kanang – kamay ko kapalit ni Kathryn, mas mainam na laging nandirito ka sa opisina at magkakasama kayo. Halos sa lahat kasi ng negosyo ay magkasama kami ng ama ni Scanver, kaya talagang magkakasama rin kayo.”
Inaabsorbic acid (absorb) niya lahat ng sinasabi ng pudra ni Kathryn. Sila ni Scanver? Magkakasama ng mas madalas?
“O hayan na pala siya. Gentlemen, can we proceed to the conference room?” Sabi pa ng Papa ni Elvin. Sumunod sila rito, kasama na ang kararating lang na si Scanver.
BINABASA MO ANG
WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)
HumorNananahimik siyang nagtatrabaho sa Canada as an architect when he received a letter from the Philippines, a copy of his Lola's Last Will and Testament. Ubod naman kasi ito ng yaman at ang Mama niya ang nag-iisang anak, so obviously, sa Mama niya lah...