1

409K 5.1K 414
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

1

Halos himatayin si Elvin habang binabasa ang sulat na iyon ng kanyang lola. Totoo ba talaga ang nakasulat rito? O joke time lang? How come na ganoon ang nakalagay sa kanyang last will and testament? Bakit?

Tinignan at binasa niya ulit iyon, pero ganoon talaga, walang pagbabago! This can’t be!

“Wateeerrrr!” Natarantang binigyan siya ng kasamahan sa trabaho ng tubig.

“What happened?” They were all concerned. He’s the only one left here in Canada. His parents and brothers went back to the Philippines three months ago. Nagkasakit kasi ang kanyang lola sa mother’s side. Ang Mommy niya ang nag-iisang anak ng mga ito.

Nagpaypay siya gamit ang mga daliri. Hindi talaga ito totoo. Bakit naisipan ng lola niya ang ganitong kalokohan? To the highest level naman ang trip nito, at sa lahat, bakit siya pa! Hindi naman niya pupuwedeng i-share sa mga katrabaho ang kanyang problema kaya ang ginawa niya ay nag half day. Isa siyang architect sa isang private architectural firm sa Canada, maganda ang pasahod at mababait ang mga katrabaho niya.

Agad niyang kinuha ang cell phone pagkarating sa kanyang pad. Dati, kashare niya rito si Candice Manlotoc, ang kanyang ultimate bestfriend, ang isa sa mga kakaunting taong nakakaalam kung sino siya talaga. Kahit wala siyang balak tumawag ay napatawag siya, siya na ang nagtitipid sa overseas calls! Wala na siyang panahon para mag online at makipag skype.

“Hello, bestfriend!” Tili niya.

Napangiti si Candice nung marinig ang boses ni Elvin, how she missed her bestfriend. Ang tagal na rin nilang hindi nakapag-usap, naging busy na sila sa mga bago nilang buhay, siya bilang asawa ni Aron Miguel, isa na siyang Mrs. Almensor.

“Kumusta ka na? Ang yaman mo, gurl, patawag-tawag ka na lang ha, ayaw mo ng mag Skype or FB?”

“I got a letter from my Mom. Naimbiyerna (nainis) talaga ako, Candice. Magka crayola (iiyak) na talaga ako!” Talagang mabigat na problema ang dinadala niya ngayon.

“Why?” Sumeryoso si Candice, alam niya ang pakiramdam ng may dinaddala kang problema pagkatapos nasa malayo ka at wala kang makakaramay na pamilya. Aware kasi siya na umuwi na ng Pilipinas ang buong pamilya ni Elvin.

“Nakakalurkey (nakakabaliw) ang natanggap ko, I got a copy of my Lola’s last will and testament.”

“And?”

“Gusto niyang mag-asawa ako.”

“Mag-asawa lang naman pala eh, e di mag-asawa ka.”

“Nagjojoke ka ba ha, Candice Manlotoc-Almensor? IKaw nga hindi ko nasikmurang i-girlfriend, asawa pa kaya? Nakakadiri kaya!”

Natawa siya dun, naalala niya ang nagyari sa Samal Island dati, naalala niya ang set-up nila na hindi man lang nagtagal dahil bumigay na ang kaibigan.

“Okay, friend, alam mo, mag Skype na tayo, i-on mo ng computer mo at nang masabi mo sa akin kung ano ba talaga ng problema mo.” Mukha kasing mahaba pa ang pag-uusapan nilang dalawa. Agad na binuksan ni Candice ang laptop niya, ilang sandali pa ay kausap na niya si Elvin.

“Now tell me everything.” She demanded. Mabuti na lamang at nasa office si Aron Miguel ngayon, walang mag-aasar sa kanilang dalawa.

“Yun nga, ang sabi sa testament, kailangan kong mag-asawa within six months, imagine, six months starting last week ang counting bago igivenchy (ibibigay) kay Mama ang lahat ng kayamanan ni Lola. Imagine that! That’s a very weird last will. Ako, pag-aasawahin ng isang merlat (babae)! Nasaan ang hustisya, Candice!”

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon