JUDE'S POINT OF VIEW
Usapan namin ngayon nila Wesley na magkita sa coffee shop malapit sa eskwelahan namin. Madalas naman kaming mag-bonding magkakaibigan kaso kulang ang mga iyon kung bibilangin. Hindi naman kami nagsasawa sa pagmumukha ng bawat isa kaya ayos lang.
Sa aking pagliko, agad kong nakita ang masigla at kumakaway na si Wesley. Sumisigaw siya, base sa nakikita ko. Hindi ko naririnig 'yon dahil nagsalpak ako ng earphones kanina sa tenga ko bago umalis. Naiintindihan ko naman sinisigaw niya. Napangisi ako habang naiiling na naglakad papunta sa kaniyang direksyon.
"Early bird for the first time, Cassidy. Sana araw-arawin mo na 'yan nang hindi ka na napapagalitan," komento niya nang makalapit ako. Ngumisi lang ako.
"Nga pala, anong gagawin?" tanong ko.
"Ha? Ah, wala lang. Pinaaga ka lang talaga naming pumasok for your own benefit," ngiting sagot niya.
Nailing naman ako. "Tara, pumasok na lang tayo."
Hindi ako nakinig buong klase. Wala naman nang bago ro'n dahil lagi ko naman ng ginagawa 'yon. Tanging pagpigil lang sa pagpikit ang ginagawa ko hanggang sa matapos ang diskusyon.
"Jude," rinig kong tawag sa'kin ni Elsie. Tumingin ako sa kaniya habang nakalumbaba sa mesa.
"Recess na," ngiti niya.
Nanatili naman akong nakatingin sa kaniya. "Alam ko," sagot ko.
Natawa naman siya sa sinagot ko. "Ikaw talaga, hahaha... Sabay-sabay daw tayong kakain sa canteen, sabi nila Xia..."
"Sige, sunod ako." Napakibit-balikat siya sa kaniyang narinig.
Naglakad na siya. At nang makalapit na siya sa may pinto, humarap ito sa'kin.
"Sumunod ka agad, ah? Inaantay ka nila ro'n," pahabol niya t'saka pinihit ang doorknob at lumabas ng klasrum.
Inayos ko ang aking pagkakaupo at humalukipkip.
Naghihinala ako sa kanila. Gaya na lang ng biglang pagkawala ng dating lider ng Hetero. Ni walang bakas, basta na lang siyang nawala ng parang bula.
Si Daphne. Siya suspetsa ko... Hindi naman mawawala 'yon kung walang ginawa si Daphne sa kaniya. Pwera na lang...
Hanggang ngayon, kahit dalawang taon na ang nakalipas simula nung mangyari 'yon, wala pa rin akong makuhang solidong dahilan. Kayang-kaya kong maging S Class kung gugustuhin ko. Kaso ayoko.
Ang hirap nga lang dahil habang kasama nila ako, ako naman pinaghihinalaan sila. Kahapon nga lang first time matagalan nung girls. Wala naman si Daphne kahapon pero ano ba'ng malay ko kung nag-uusap sila ng palihim, 'di ba?
Kinulit ko si Xia. Mapagkakatiwalaan naman iyon. Isa siya sa mga pwede kong pagkatiwalaan... sa ngayon. Parang may kakaiba kasi kanila Vernice, Cleo at Elsie. Hindi naman ako naghihinala sa mga lalaki dahil madalas ko silang kasama pero hindi pa rin ako pwedeng magtiwala.
Ano kayang pwede kong gawin?
"Hoy, Cassidy!" Napapitlag ako nang may sumigaw. Napabuntong hininga naman ako nang makilala kung sino 'yon.
"Kanina ka pa namin inaantay sa baba, kingina ka! Anong oras na!? Wala ka sa bakasyon, hoy!" Humugot ako ng isang mahaba at malalim na hininga at tumingin sa direksyon ni Vernice na umuusok na ang ilong sa inis.
"Sinabi ko naman kay Elsie na susunod ako—"
"Pero hindi ka sumunod! Puro ka na lang palusot palagi! Hala bilis! Tayo!" inis na utos ni Vernice. Napailing naman ako. Heto na naman tayo. Hays.
YOU ARE READING
Les Sort De Nous
RandomAking pinakikilala, Hetero. Ang grupo ng mga pinagsama-samang nilalang sa Feistier High. Napagkasunduan nilang magkakaibigan na gumawa ng patakarang imposibleng hindi nila malabag. Gaano nga ba iyon sa ka-imposible para hindi nila magawa? Huwag paka...