Fate 3

32 1 0
                                    

CLEO'S POINT OF VIEW

Katatapos lang ng Physical Education class namin. Nandito kaming lahat sa cafeteria to buy some food.

"Nakakapagod talaga 'yang P.E. Kaya ayaw na ayaw ko 'yan eh," rant ni Eli. "Ang hirap-hirap."

Naging matunog ang pag-ngisi ni Vernice.

"'Wag kang mag-alala, Elliot. Ayaw din sa'yo nung P.E."

Natawa naman sina Clyde at Jude sa narinig.

"Sang-ayon ako sa sinabi ni Eli, Nis," wika ni Clyde. "Nakakaubos ng lakas."

Tumango naman si Jude.

"Totoo. Kaya, ikaw, Cleo..." Humarap siya sa'kin. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay. "Maghanap ka na ng ibang favorite subject. 'Wag ka na mag-P.E. Sige ka, ikaw din. Papagurin ka lang niyan."

Ngumisi ako.

"Hindi ko naman hinihingi opinyon niyo— lalo na ng opinyon mo. Ang paborito ko, ay mananatiling paborito ko hanggang dulo." Tumingin ako kay Jude. "Kaya manahimik ka na, Cassidy."

Itinaas naman ni Jude sa ere ang kan'yang parehong kamay na animo'y sumusuko.

"Sorry na agad, Master Cleo. Hindi na po papalag. Pero sa'yo pa rin kakalampag. Boom!" wika niya sabay kindat sa'kin. Umasim naman ang mukha ko dahil sa'king narinig. Kahit kailan talaga, napakababaero nito. Kung sino sino kasi nilalandi. (ب_ب)

"Kadiri ka talaga, Jude," komento ni Vernice.

"Ano namang kadiri do'n? Kung 'yung ibang babae pa 'yon? Kikiligin na, eh. Palibhasa, wala kang feelings."

"Ano bang nakakakilig sa sinabi mo? At saka, hello? Hindi mo ba nakita itsura ni Cleo nang sabihin mo 'yon? Nandiri siya sa'yo! Nandidiri kami sa mga sinabi mo. Hashtag, Eww," wika ni Vernice sabay irap.

"Hashtag, kaartehan na naman ni Chloe Vernice 101."

"'Wag mo kong simulan, Cassidy."

"Oh, bakit? Sinakyan ko lang naman trip mo. Nakiki-hashtag nga ako, o. Ayaw mo ba ng suporta?"

"Tsh. Kung manggagaling sa'yo, 'wag na lang."

Napa-angat ako ng tingin ng biglang lumubog ang kaliwang bahagi ng sofa'ng kinauupuan ko. Si Wesley 'yon na kasalukuyang kumukuha ng fries.

"Kailan kayo matatapos sa bangayan niyo, Vernice at Jude?" tanong ni Wesley. "Masyado pang maaga para d'yan." Kumuha naman siya ng dalawang sundae at inalok dun sa dalawa.

"Oh, sundae. Baka sakaling lumamig mga ulo niyo." Kinuha naman 'yon nila Vernice at ininom.

"Aling ulo ba, Wes?" sabat ni Elliot. Kumuha siya ng donut at float.

"'Wag kang magsimula, Elliot. Puro kabastusan na naman nasa isip mo. Ang aga pa para d'yan."

Nakakalokong ngumiti si Elliot sabay kamot sa kan'yang ulo.

"Sabi ko nga, mananahimik na," saad niya. "Nagtatanong lang naman, tsk," bulong pang dagdag niya.

Sinuyod ko ng tingin ang buong paligid at napansing may kulang.

"Sina Daphne at Levi pala, nasa'n?" Tinignan ko pa sandali ang paligid tsaka binaba ang tingin sa kanila. "Aware ba silang nandito tayo?"

Tumango si Vernice.

"Oo. Nasa lib lang sila. Hinahanap nila 'yung librong kailangan sa klase ni Ms. Watson. Alam mo na, mga GC," sagot niya't binalik ang atensyon sa magazine.

"Eh, si Xia. Asan? Kanina pa 'yon nagrereklamo na nagugutom." Sa row ko kasi, kaming dalawa ni Xia ang magkatabi. Buong period, puro lang siya reklamo tungkol sa tyan niyang kumakalam. Pero heto, wala siya. Hays.

Les Sort De NousWhere stories live. Discover now