Fate 2

30 1 0
                                    

"Oh, bakit niyo kami pinatawag?" inis na tanong ni Wesley nang makita sila Daphne.

Magkasalubong ang parehong kilay ni Wesley. Tila hindi maintindihan kung bakit dis oras ng klase sila tinawag.

"Alam niyo ba kung anong oras palang? May klase ako!" iritadong dagdag pa ni Wesley.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Daphne. Habang sila Levi, Clyde, at Jude ay nakatayo sa tabi ni Daphne na pawang nasa ibang mundo ang isip. Diretso namang tinignan ni Vernice ang kadarating lang na sina Wesley, Cleo, Elsie at Elliot.

Umiling-iling si Daphne. Naging matunog ang kan'yang pag-ngisi.

"May klase din kami, Wesley."

Nagtiim-bagang lang si Wesley at matalim na tinignan si Daphne.

"Nasa iisang seksyon lang tayo. Baka nakakalimutan mo..." dagdag pa niya.

Nalipat naman ang tingin ni Daphne kay Cleo na dati nang nakatingin.

"Cleopatra... Namiss kita..."

Tila hindi pa alam ni Cleo kung ano ang magiging reaksyon. Kaya naman pilit na lang siyang ngumiti dito.

'Yan pa rin ang tawag niya sakin... Nakakapangilabot. Isip ni Cleo.

"Teka. Pinagsasabi mo ba, Daphne? Magkasama lang tayo kanina, 'di ba?" pagsingit ni Elsie sa usapan. Kumunot naman ang noo ni Daphne dahil sa kan'yang narinig.

Pinasadahan pa ni Elsie ng tingin ang iba pang kasama ni Daphne.

"At anong drama 'to?" kunot-noong dagdag pa niya.

Nawiwirduhan na ang tatlo sa ikinikilos ng kanilang mga kasama.

Maya-maya pa'y bigla na lamang humalakhak si Daphne. Walang humpay sa pagtawa. Naging sabay-sabay ang pagkunot ng noo ng lahat.

"Naka-drugs ka ba, Daphne? Ipinagbabawal 'yan dito..." wala sa sariling wika ni Wesley. Nilingon siya ni Daphne na hindi pa rin tapos sa pagtawa habang dinuduro-duro ito.

"Tuluyan ka na yatang nasiraan ng bait, Daphne Elise," naiiling na wika ni Vernice. Sandali namang nahinto sa pagtawa si Daphne.

"Alam niyo? Nakakatawa kayo!"

"You're just wasting our time, Daphne," iling ni Wesley. Akma siyang maglalakad paalis nang hawakan siya ni Cleo dahilan para mapahinto ito.

Ngumisi naman si Daphne dahil sa kan'yang nakita.

"Bakit mo ba kami pinatawag dito, Malik? May ginagawa kami ni Wes kanina. Matatapos na sana kami kung hindi niyo lang kami tinawag," lintanya ni Elliot. Mababakas sa kan'yang mukha ang pagkabagot.

"Oh... pasensiya na. Sa susunod, hindi ko na kayo papapasukin sa klase para hindi kayo maistorbo," sarkastikong sagot ni Daphne sa kaniya.

"Hindi mo ba sasagutin tanong namin, Daphne? Ilang minuto na ang lumilipas," seryosong tanong ni Clyde. "At saka, itigil mo 'yang pag-ngisi mo. Nawiwirduhan na kami sa'yo."

"Edi, mabuti. Akala ko hindi niyo napansin..." ngiting sagot ni Daphne.

Bigla naman itong bumungisngis na para bang may nakakatawa siyang nakita.

Napailing si Wesley. Pinagmasdan niya ito habang bumungisngis. Tila pinag-aaralan kung may tama ba sa ulo ang kanilang kaibigan o sadyang ganoon lang talaga siya.

Naging matalim naman ang tingin ng lahat kay Daphne dahilan para bumalik siya sa katinuan.

"Teka. Easy-an niyo lang, guys. Mga hindi mabiro, tss," ngisi niya sa kanila.

Les Sort De NousWhere stories live. Discover now