Fate 7

18 0 0
                                    

WESLEY'S POINT OF VIEW

*kkringggg
*kkringggg

"Ano ba 'yan?" rinig kong usal ni Vernice. Ramdam ko ang mga mata niya sa'kin. Kulang na lang, malusaw ako kakatitig niya. Nag-ayos naman ako ng upo at pinagpatuloy ang pagbabasa ng dyaryo.

"Staring is rude, Vernice," saad ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at ngumisi. Awtomatiko namang umangat ang kilay niya dahil sa'king inaasta.

"'Wag ka'ng feeling, Tomlinson."

Tumawa ako nang bahagya. "At sa tingin mo, maniniwala ako? Come on, Vernice." Tinuro ko 'yung frame kung saan may picture kaming magbabarkada. "May picture naman ako d'yan. Ayan na lang titigan mo."

"Tanga ka ba? Bakit ko naman titignan picture mo? Sino ka ba?" inis niyang tanong. Mas lalo namang lumaki ang ngisi sa'king mga labi.

"Ang taong natitipuhan mo," may pangangasar na tono na aking sagot. Nakita ko naman ang pagtangis ng kaniyang panga dahil sa inis.

"Gago." Agad niya kong tinalikuran at naglakad. Natatawang binalik ko ang atensyon sa'king binabasa kanina. Hay buhay. Hirap talaga kapag pinanganak kang pogi, ano? Hindi napipigilan ng iba na tumingin. Ha-ha-ha-ha-ha!

Hinanap ko 'yung huling salita sa binasa ko kanina. Nasa'n nga ulit 'yon? Mukhang nawawala na 'ko. Nilipat ko na lang sa sumunod na pahina at doon itinuon ang buong atensyon.

*kkringggg
*kkringggg

Nagulat ako nang biglang may lumitaw na cellphone sa harap ko. Tinignan ko naman ang itsura ng may hawak and guess what? Si Vernice. Na naman.

Pinagkunutan ko siyang noo at nginuso 'yung hawak niya.

"Kanina pa nagriring 'tong hayop na 'to. Baka naman may balak kang sagutin? Baka lang naman," pigil na inis na kaniyang saad.

"Hindi mo naman agad sinabi," pagdadahilan ko. Kinuha ko sa kaniya ang cellphone at sinagot ang tawag nang hindi tumitingin sa screen.

"Hello?"

[Wesley, tol! Tangina. Kanina pa kita tinatawagan! Ba't ngayon mo lang sinagot?]


"Pasensiya na, Eli! Nagbabasa kasi ako kanina nang tumawag ka."

[Grabe namang pagbabasa 'yan, tol. Tutok na tutok? Tss.]


"Pasensiya na talaga. Bakit ka pala napatawag?" Sinilip ko naman si Vernice na dati nang nakatingin.

"Sino 'yan?" tanong niya.

"Si Elliot—" Bigla niya naman 'tong inagaw sa'kin at binulyawan ang walang kamalay-malay na si Elliot. Hays.

"Hoy, Fernsby! Nasa'n na kayo? Kailan niyo balak gawin? At talagang sumasagot ka pa, ah? Dalian niyo na! Jusko naman! Oo! Tatlo kaming nandito... Ako, si Wesley tapos si Cleo... Basta bilisan niyo! Tsk!"

Binalik naman niya sa'kin 'yung cellphone ko. At nang i-check ko, putol na 'yung tawag. Ni hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita kanina.

Naiiling naman akong bumalik sa pagbabasa.

"Sana sinagot mo na lang kung gayong aagawin mo lang din naman 'yung cellphone sa'kin." Bumuntong-hininga naman ako.

"Ano ba'ng malay ko kung si Elliot pala 'yung tumatawag, 'di ba?" Hindi man ako nakatingin pero alam kong iniirapan na niya ko kanina pa. Sa lahat, siya ang pinakamahirap na intindihin. Kung sa ibang babae, buwan-buwan ang dalaw. Sa kaniya, hindi. Araw-araw siyang may dalaw.

Les Sort De NousWhere stories live. Discover now