LES SORT DE NOUS
by sydenseisDisclaimer: All names, characters, places and events in this story are fictitious. Any similarity to actual events or personas living, dead, (or undead) are purely coincidental.
©2021.
------------------------------------------------------------
Maagang umalis sa kanilang tahanan ang magkakaibigan dahil unang araw nila sa kanilang klase. Usapan nilang magkikita-kita sa tapat ng science department."Oh, Elsie. Hindi mo 'ata kasabay si Eli? That's new," bungad ni Wesley. Suot niya ang uniporme para sa lalaki. Bagong gupit at bago din ang lahat ng kan'yang gamit.
Si Elsie naman ang may suot ng uniporme para sa babae. Hanggang balikat ang buhok niyang naka-braid. Sukbit ang malamlam na kulay pink na bag sa likuran. Halos magkasing-tangkad ang dalawa.
Lumingon pa si Elsie sa kan'yang likuran. "Makulit, eh. Kairita siyang kasabay ngayon." Pilit naman siyang ngumiti sa kausap. Nilingon naman niya ang nasa likuran ni Wesley.
"Sila Clyde pala, Wes?" Tinignan niya ang kan'yang relos. "Anong oras na."
Inayos naman ni Wesley ang pagkakasukbit ng kan'yang bag. "Wala, eh. Nasa Pilipinas tayo kaya imposibleng maging maaga ang mga 'yon." Natawa silang pareho.
"Nga pala... alam ko si Cleo nandito na, eh." Nilinga ni Elsie ang paligid. At hindi naman siya nagkamali dahil nasa gilid lang ang tahimik na si Cleo.
Tinawag niya pa si Cleo. Humarap ito sa kaniya at nakangiting kinawayan ang direksyon nila Elsie at Wesley. Naglakad naman ito palapit sa kanila.
"Anong oras kayo dumating?" tanong ni Cleo nang makalapit.
"Kani-kanina lang," sagot ni Wesley. "Ikaw ba, Clay?"
"Kanina pa ko nandito. Inaantay ko lang kayo," sagot ni Cleo at ngumiti.
"Nauna sa'kin si Wesley. Minuto lang 'yung pagitan." Ginawaran naman ni Elsie ng isang masayang ngiti si Cleo.
Habang nag-uusap ang dalawa, sinipat naman ni Wesley ang kabuuan ni Cleo. Namangha sa kan'yang nakita.
Suot ni Cleo ang kanilang itim na uniporme. Palda na jumper sa taas. May kurbatang kulay itim. Suot niya ang 3-inch black shoes at navy blue na bag sa likod.
"Mukha tayong prinsesa, Clay, ah?" puna ni Wesley nang matapos sipatin ang kabuuan ni Cleo. Ngumiti ito sa kaniya.
"'Wag kang bolero, Wesley."
Matunog ang naging pag-ngisi ni Wesley.
"Hindi naman kita binobola. Sadyang naging eleganteng tignan ng ating uniporme nang ikaw ang mag-suot. Muntikan ko na tuloy malimutang nasa eskwelahan tayo."
Natatawang umiling-iling si Cleo sa gilid.
"Tss. Bolero."
Saktong pagdating naman ng iba nilang kasama ang paglingon ni Elsie.
"Oh, nandito na pala sila," puna ni Levi.
"Ang tagal niyo kasing magsikilos. Muntikan pa tayong ma-late," masungit na tugon naman ni Daphne.
"Itong si Jude ang may kasalanan. 'Wag ka sanang mangdamay, Daph," sagot naman ni Clyde. Gulat namang napalingon sa kaniya si Jude na kasalukuyang naghahanap ng babaeng matitipuhan.
"Anong kasalanan ko? Nananahimik ako dito, Clyde. 'Wag mo kong simulan," inis na sagot ni Jude at saka binalik ang atensyon sa mga estudyanteng naglalakad.
"Kung hindi pa ko kumilos, hindi rin kayo kikilos. Mga pagong." Iritang lumayo si Daphne sa mga kasama at nilapitan ang tatlo.
"Ang aga-aga, ang sungit mo," nakangiting puna ni Elsie. Tinignan lang siya ni Daphne. Palinga-linga lang ang kan'yang ginagawa.
"'Hayaan mo na muna. Baka sa'tin naman magalit 'yan," ani Wesley. Napanguso lang si Elsie. Napabuntunghininga naman si Cleo.
"Kung pumasok na lang kaya tayo? Ako 'tong nauna pero mahuhuli pala ng pasok. Sana nagpa-late na lang ako," pangongonsensya ni Cleo at tumingin sa kawalan.
Bumaba ang tingin ni Cleo nang tumabi sa kaniya si Xia. Gaya ni Wesley, hindi rin nagawang magsalita ni Xia dahil sa pagkamangha.
"Cleo..." Napatakip pa si Xia ng kan'yang bibig. "Bakit ang ganda mo? Bakit... Bakit ang ganda mo?"
Napangiwi naman si Cleo.
"Pangalawa ka na, Xia."
"Ha?" Kumunot ang noo ni Xia.
"'Wag mo nang uulitin." Tinalikuran ni Cleo si Xia. Nagkibit-balikat naman si Xia at saka hinabol si Cleo at inakbayan. Sumunod naman sila Elsie sa kanila papasok sa kanilang klase.
Pipihitin na sana ni Clyde ang pinto nang biglang may humawak sa kan'yang balikat. Gulat naman siyang napalingon sa likuran. Nakahinga siya nang makitang si Elliot, na kaibigan nila.
"Late ka na naman, Fernsby!"
Napakamot naman si Elliot sa kan'yang batok at napapahiyang ngumiti.
"Makasabi naman ng late 'to... Ngayon lang ako na-late, Horan! Tsk!"
Nilingon pa ni Clyde ang nasa likuran ni Elliot.
"At talagang pati ikaw, Payno? Late din? Anak ng... Tsk tsk," iling ni Clyde.
Nag-angat ng tingin si Vernice at saka palihim na inirapan si Clyde. "'Wag mo kong simulan, Horan. Excuse me."
"Bakit dadaan ka ba?"
Inirapan ni Vernice si Clyde at saka napabuga ng hangin.
"Ikaw, Clyde... Sumusobra ka na, ah? Ngayon mo pa talaga ako iinisin?" Matalim na tinignan ni Vernice si Clyde. Hindi naman nagbago ang blangkong eskpresyon nito.
Palihim namang naglakad papasok si Elliot sa kanilang klasrum. Nginitian niya lahat ng bumabati sa kaniya.
"Os'ya, tama na 'yan. Pumasok na lang tayo," walang ganang saad ni Daphne. Nilagpasan niya ang kan'yang mga kasama nang makitang pumasok na ang isa sa kanila sa loob.
"Hays," buntong-hininga ni Wesley. Narinig naman 'yon ni Cleo kaya nahinto siya sa paglalakad at nilingon ito.
"Ang lalim nun, ah? May problema ba, Wes?"
Nakangiti namang umiling si Wesley.
"Wala naman. Kinakabahan lang ako..."
Natawa si Cleo.
"Sus. Kinakabahan ka na sa lagay na 'yan? Hindi halata."
Ngumiti si Wesley.
"Tara na nga lang. Pumasok na lang tayo," pang-aaya niya kay Cleo.
Napailing naman si Cleo sa kanya.
Kahit kailan talaga, Wesley. Tsk. Kahit hindi mo sabihin, alam ko kung anong tinutukoy mo. Maski ako'y kinakabahan din. Tila mauulit na naman ang nangyari sa nakaraan.
"Nga pala, Wes..." Lumingon si Wesley sa kaniya. "May usapan kasi kami ni Xia..."
Nakangiti namang tumango si Wesley.
"Sige lang. Magkatabi pa rin naman tayo, 'di ba?"
Ngumiti naman sa kaniya si Cleo at tumango.
"Oo naman! Ikaw pa ba? 'Lams mo naman na malakas ka sa'kin, eh."
Mapait na ngumiti si Wesley.
Masaya sana kung ako lang 'yung malakas sa'yo kaso kasi hindi. Lahat kami malakas sa'yo. Sino nga naman ba ko para maging espesyal sa'yo, 'di ba? Isa lang naman akong hamak na kaibigan mo. Na walang karapatang magalit sa ginagawa mo.
"Uy!" pagtawag sa kaniya ni Cleo. Natauhan naman si Wesley.
Napakurap naman si Wesley. "O-oh! Bakit, Clay?"
"Kanina ka pa pinapapasok ni Ms. Watson! Pasok na! Dali!"
Napabuntong hininga naman si Wesley at saka pumasok sa loob.
YOU ARE READING
Les Sort De Nous
RandomAking pinakikilala, Hetero. Ang grupo ng mga pinagsama-samang nilalang sa Feistier High. Napagkasunduan nilang magkakaibigan na gumawa ng patakarang imposibleng hindi nila malabag. Gaano nga ba iyon sa ka-imposible para hindi nila magawa? Huwag paka...