Fate 5

22 0 0
                                    

CLYDE'S POINT OF VIEW

Ang tagal naman ng mga 'yon. Sabi kasi ni Cleo, magbabanyo daw muna siya. Si Elsie naman, tatawagin niya daw si Xia at isasama niya na din si Vernice. Kaso hanggang ngayon wala pa rin sila.

Tatayo na sana ako nang makita ko si Cleo na nakangiting lumapit at umupo sa tabi ni Wesley. Sumunod naman sila Elsie.

"Akala ko, susunduin ko pa kayo eh," pagpaparinig ko habang nasa palabas ang aking atensyon.

Narinig ko namang tumawa si Cleo.

"Pasensya na, Clyde. May pinag-usapan lang."

Humarap naman ako sa kaniya. Kunot-noo.

"Ano 'yan? Madaya. Hindi kayo nangsasali," pangongonsensya ko. Nginitian lang niya ako.

"Girls talk. Hindi allowed ang boys kaya sorry. Next time, kasama na kayo," ngiting turan niya.

Bigla ay pinanindigan ako ng balahibo. Napakurap ako nang lingunin ako ni Cleo. Pinilig ko ang aking ulo. Malamig lang siguro kaya gano'n. Binuksan kasi ni Elliot 'yung air-con. Tsk.

Binalik ko ulit sa palabas ang aking tingin at pinagpatuloy ang panonood. Naramdaman ko namang sumandal sa may sofa si Jude.

"Ano'ng pinag-usapan niyo?" pangungusisa ni Jude. Napailing ako. Hindi talaga marunong umintindi ang isang 'to. Sinabi na nga kaninang 'girls talk' nga daw eh. Ang kulit ng lahi. Tss.

Nilingon ko sila nang wala akong narinig na sagot mula sa girls. Umiiling si Xia habang nanonood. Si Vernice naman, parang balisa na hindi ko maintindihan. Si Elsie... ayun. Nanonood din.

"Tss. Kakasabi nga lang eh," untag ni Xia. Nakuha naman no'n ang atensyon ni Jude.

"Nagtatanong ako, Valentina. Sagutin mo na lang, please," may halong sarkastiko at kuryoso sa tinig ni Jude.

"Curious ako," dagdag pa niya.

Mas lalong umiling si Xia. Kinuha niya 'yung chichirya na nasa mini table at tsaka 'yon binuksan. Kumuha siya ng isa do'n at kinain.

"Kung ako sa'yo, ituon mo na lang sa palabas 'yang atensyon mo. 'Wag ka'ng chismoso," sagot niya kay Jude.

Pinatong ni Jude ang kaniyang ulo sa kaniyang kamay na nakasandal sa sofa. At tsaka bagot na nanood.

"Kaya nga inayos ko ang pagtatanong dahil baka barahin mo na naman ako."

"Tsk. Ang kulit talaga," iritang saad ni Xia.

Nilibot niya ang kaniyang tingin sa'min. Tsaka binalik ang atensyon sa palabas at buntong-hininga.

"May narinig kasi kaming girls," panimula niya. "At dahil kilala namin kayo, hindi na lang namin sasabihin. Alam naman naming hindi kayo interesadong pakinggan ang kung ano ma'ng ikukwento namin."

Dun palang nilingon ni Jude si Xia. Mababakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala dahil sa narinig.

"Pasensya na, Xia. Gusto ko lang kasi talaga malaman. Kaya sana..."

"Oo na. Tss," irap ni Xia sa kaniya. "Chismoso."

"Curious nga lang ako. Ang kulit," sagot naman ni Jude.

"Narinig kasi naming may aamin daw sa isa sa'tin," kibit-balikat ni Xia. "Inisip namin kung sino 'yon kaya kami natagalan."

Tumingin naman siya kay Jude.

"Ayan. Okay na ba, Jude?" blankong sarkastikong sagot ni Xia at nag-okay sign. Napailing naman si Jude.

"Tss. Kahit kailan talaga... wala ka'ng kuwentang kausap," dismayadong saad niya.

Nakuha naman no'n ang aking interes. Ako naman ang nagtanong kay Xia.

"Sino 'yung nasa isip niyo ngayon? 'Yung tingin niyong aamin..."

Ngumuso siya at napaisip. Nagiging malikot 'yung labi ni Xia kapag nag-iisip. Ewan ko, nakakapag-isip daw siya ng matino kapag gano'n. Ang weird.

Binalik naman niya ang atensyon sa pinanonood at kumuha ng chips nang hindi tumitingin.

"Balita namin... ikaw daw, Clyde. Totoo ba 'yon?"

Tss. Trip na naman ako nito. Napailing ako. Sana pala hindi na lang ako nakuryoso. Mukhang maha-hot seat pa ko, tsk.

"Tumigil ka, Valentina. Nagtatanong ako ng maayos. Kaya sana sagutin mo din ng maayos."

"Bakit? Tingin mo ba nakikipagbiruan ako? Seryoso ako sa sagot ko, Clyde."

Gano'n na ba ko kahalata para mapansin nila? Pero hindi pa ko handang umamin. Sino 'tong siraulo 'to at dinadamay pa ko? Lintek naman.

"Tsk tsk. Isa lang sasabihin ko. Hindi ako 'yon." Humarap ako sa kaniya na kanina pang nakatingin sa'kin.

Seryoso ko siyang tinignan.

"Hindi ako 'yon," pag-uulit ko.

Bigla ay tumawa siya. Baliw na talaga 'to. Tsk.

"Gago! Ha-ha-ha-ha! Sineryoso ni Clyde, ang pota," tawang saad niya. Sunod-sunod naman silang tumawa. Naiiling naman sina Elliot at Wesley habang tumatawa. Tawang-tawa pa ang isang loko na si Jude habang hawak ang kaniyang tiyan. 'Yung girls naman, humahalakhak habang umiinom ng tubig. Kaya ang ending, ayun. Nabulunan.

"Assumero kasi 'yang si Clyde. Hindi pa kayo nasanay," kantyaw ni Vernice. Tss. Kanina, hindi siya nagsasalita tapos ngayon? Kung makatawa parang wala nang bukas.

"Tawang-tawa, Chloe Vernice?" tanong ko. Sinamaan naman niya ko ng tingin sabay tawa ulit. Siraulo.

"Inis si gago, ha-ha-ha-ha! 'Wag ka nang magalit, ssob. Ang tahimik kasi eh," saad ni Xia.

"Sino ba'ng nagsabing manood, ha? 'Di ba, ikaw? Tapos ngayon, nagrereklamo ka na tahimik? Kung lalaki ka lang, tss."

Tinapik naman ako ni Jude.

"Tanga, babae 'yan. 'Wag mo'ng patulan."

Umiling-iling naman ako. Tss.

Gan'tong-gan'to sila kapag magkakasama kami. Maingay. Kaya nga dito kami tumambay ngayon. Nagagalit kasi mga magulang ni Daphne dahil sa ingay na naririnig nila sa condo. Malalakas mga boses nito kaya maraming nagagalit. Dito kasi, soundproof. Kahit sumigaw ka, ayos lang. Hindi kasi naririnig sa labas. Gusto ko nga magkaroon ng ganitong bahay eh. Ang angas lang. Sa bahay kasi, hindi ako pwedeng magpatugtog ng malakas. May magagalit.

"Tapos na ba?" rinig kong tanong ni Vernice. Sinagot naman siya ni Cleo.

"Ah, oo, Nis. Bakit?"

"Patugtog na lang tayo. Or karaoke. Ano ba'ng trip niyo ngayon?"

Ako lang 'ata ang seryosong nanood nung palabas kanina. Puro daldalan eh. Napanood na ni Cleo 'yon kaya oks lang kahit hindi niya panoorin kasi kabisado naman na niya ang mangyayari.

Hindi kasi trip nila Jude at Elliot ang manood ng horror ngayon. Ang gusto nga nila, 'yung boss baby daw. O kung hindi naman daw, 'yung Up. Papayag na sana lahat kaso lang, napanood na nila 'yon last time kaya nag-decide si Vernice na horror naman. Siya masusunod, bahay niya 'to eh. Palamunin lang naman kami, wala pang ambag.

"Patugtog na lang tayo! Nauurat na ko dito eh!" excited na saad ni Xia.

Tinanguan naman siya ni Vernice.

"Araaat! Fancy, you~"

Les Sort De NousWhere stories live. Discover now