Fate 4

27 0 0
                                    

VERNICE'S POINT OF VIEW

Hi there. For today, it's my turn to take over the point of views. I don't know if ilang POV ang meron sa'kin. But I hope, dumami pa dahil maraming-marami akong isisiwalat na sikretong ni mga kasama ko sa grupo ay hindi alam.

It took me 7 hours bago mag-sink in sa'kin 'yung sinabi mismo ni Cleo kanina. I mean, first time kong marinig 'yon sa kaniya. Kaya nakakagulat and at the same time, nakakapangilabot din.

Kahit sila, nag-aalala na sa'kin. Oo, natuloy pa rin 'yung balak naming tumambay— pero hindi na nga lang sa place ni Daphne kun'di dito sa bahay ko. Usually kasi, doon kami sa condominium unit niya— malawak at kasyang-kasya kaming magkakaibigan. At kung nagtataka kayo kung bakit sila nandito? Ayon ang hindi ko masasagot.

"Huy! Ayos ka lang ba?" pagtapik ni Xia sa'king balikat. Natauhan naman ako doon.

Tinanguan ko lamang ito habang siya ay ngiting-ngiti na lumapit sa'kin. Magkahalong inis at saya ang mga 'yon. Base sa pagkakangiti niya, mukhang b-in-adtrip na naman siya and I guess, nakaganti siya? I don't know.

Sinenyas ko ang salas kung saan nanonood ng kung ano 'yung iba.

"Pangit?" tukoy ko sa palabas. Umiling naman siya.

"Hindi naman. Nabobored lang ako," kibit-balikat niya. "Dagdag mo pa'ng bukas 'yung AC. Kaysa manatili ako roon, dito na lang muna ako. Ayos lang naman siguro 'yon sa'yo?" maingat na kaniyang tanong. Tumango ako.

"Sige lang. Nakaupo lang naman ako dito, eh," sagot ko. "Binuksan niyo pala 'yung aircon?" pagbabalik ko sa topic.

Oops, nagalit ko yata. Bigla na naman kasing bumalik sa dati ang kaniyang ekspresyon. I wonder kung sino na naman ang malas na kumag ang nangbwisit sa kaniya ngayon.

"Si Eli kasi bida-bida," umirap siya sa kawalan. "Sinabi ko nang 'wag na kasi malamig na nga dahil umuulan. Kaso, ayun! Hindi nakinig, tss. Kaya ayon, nilagnat ang gago."

Napailing ako. "Bakit? Nagpaulan na naman ba 'yon?"

Ngumisi naman siya, "Kilala mo naman ang isang 'yon, hindi 'yon basta-bastang napipigilan. Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong pumayag sa gusto niya. Tss. Parang bata." Matalim niya namang tinignan ang singsing sa kaniyang daliri.

May palagay akong natalo siya sa pustahan kanina kaya siya nagkakaganiyan. Siya kasi 'yung tipo ng tao na hindi basta-basta natatanggap ang pagkatalo. Though, she's knowledgeable enough naman na to understand the situation pero 'yung ego niya ang nakakapagpahatak sa kaniya pababa. Dagdag mo pa'ng isa siyang Leo. Hays.

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa stool at pumunta sa wine section. Meron kasi akong mini bar dito kaya anytime, kapag gusto kong uminom, uupo lang ako dito at magmo-moment.

Nakita ko siyang pumunta sa mga hard kaso bigla niya sigurong naisip na may klase pa bukas kaya bumalik ulit siya sa wine section at kinuha ang isang bote ng Martini. Bumalik siya sa kaniyang upuan kanina at nagsalin sa kaniyang baso. Kung hindi ko lang siya kilala, baka isipin kong brokenhearted siya. Tsh.

Napansin niya 'atang nakatingin ako kaya lumingon siya at nginuso ang wine. Nilagok niya 'yon. Nang may matira, inikot-ikot naman niya 'yon at sandaling tumingin saykin.

"Gusto mo? Lagyan ba kita?" pang-aalok niya. Umiling lang ako sa kaniya.

"Bakit? Pinagbawalan ka na naman ba?" natatawa niyang tanong. "Ay teka, ano'ng date ba ngayon?" pagtatanong niya sa kaniyang sarili.

Kinuha niya ang kan'yang cellphone at tinignan ang petsa doon. Nilapag naman niya 'yon saka binalik ang tingin sa baso.

"23 pala ngayon. Kaya naman pala. Hahaha," kantyaw niya.

Les Sort De NousWhere stories live. Discover now