THIRD PERSON POINT OF VIEW
Binasa niya lang ang huling reply ni Wesley sa kaniya at tsaka nilagay ang cellphone sa kaniyang bulsa. Naglakad naman siya at nakitang may nagkakagulo sa dulong bahagi ng daan. Agad naman niya itong pinuntahan para makiusisa.
Tumingkayad siya para makita ang nangyayari. Ngunit dahil sa dami ng tao sa pinangyarihan ng krimen, nanatili na lang siya sa kaniyang puwesto at nagtanong sa isang babae.
"Uh, miss.. ano'ng meron at pinagpipyestahan ng tao?" inosenteng tanong niya sa babae. Humarap naman ito sa kaniya.
"Base sa narinig ko kanina, may pinatay daw." Nilingon naman ng babae ang direksyon kung saan may nakahandusay na bangkay ng isang babae.
"Napapadalas na nga mga patayan dito sa street natin eh. Nakakabahala na tuloy lumabas," dagdag pa ng babae.
"Ah, oo nga eh. Ano daw ba'ng motibo nung pumapatay?"
"Hindi pa rin alam ng mga pulisya," nguso ng babae. "Kung sino man siya, ang galing niya. Hindi talaga siya nag-iwan ng bakas. Patuloy niya pa ring pinasasakit ang ulo ng mga pulis. Hays," naiiling na sagot ng babae. Nakatuon pa rin ang atensyon niya sa harap.
Hindi na niya napigilang ngumiti. Agad namang bumalik sa normal ang kaniyang itsura nang sumenyas ang mga pulis at pinaaalis ang mga taong walang koneksiyon sa krimen.
Tumalikod na siya at naglakad palayo sa engkwentrong nangyari kanina lang.
Lumaki lalo ang kaniyang ngiti nang makalayo duon. Ngiting-ngiti na akala mo'y nanalo sa lotto.
"Keep up the good work, Uzume," masayang saad niya sa sarili. "May humahanga pala sa mga killer, ano?" Humalakhak siya't natatawang umiling-iling habang naglalakad.
"You deserve a reward, self." Luminga-linga naman siya sa paligid. "Let's eat." wala sa sariling wika niya.
Pumasok siya sa isang convenience store. Binati siya ng kahera duon at tinanguan niya lang ito. Nagsimula na siyang maghanap ng mabibili. Inikot niya muna ang buong store bago kumuha ng tatlong chips, yogurt at isang cappuccino. Masaya naman siyang nagtungo sa counter para magbayad.
Binuksan niya 'yung isang balot ng chips at kinain. Dire-diretso naman niyang nilagok ang cappuccino nang hindi man lang napapaso o nakakaramdam ng init. Ininom niya 'yon na parang malamig na tubig upang mapawi ang kauhawan na kaniyang nararamdaman.
Papaalis na sana siya nang may makita siyang isang batang kalye at papalapit ito sa kaniya. Nilapitan niya ito at binigay ang chips na kaniyang hawak. Humarap naman siya sa store at tinignan kung meron bang vendo machine sa labas. Nang makumpirma niyang meron, pinuntahan niya ito at naghulog ng pera. Maya-maya pa'y nahulog ang distilled water at kinuha ito. Pumunta ulit siya sa pwesto ng bata at binigay ito sa kaniya.
"S-sa akin na po ba 'to, ate?" tanong nung bata. Nakangiti naman siyang tinanguan ng kausap.
"T-talaga po?" Kuminang ang mga mata ng bata at ngumiti nang malaki na ikinatuwa naman niya.
"Oo. Buti na lang at hindi masyadong maalat 'tong nabili ko. Pero..." Pinaupo naman niya ang bata sa bakanteng upuan.
Iwinagayway niya ang botelya ng tubig.
"Kakailanganin mo pa rin nito." Binuksan niya iyon at nilapag sa katapat na mesa. "Oh, sa'yo na rin 'to."
Kinuha niya 'yung Monde mamon at binigay sa bata. Nagtira naman siya ng isa para sa sarili.
Pi-nat naman niya ang ulo nito. "'Wag kang magpapagutom, okay? Masama 'yon lalo na sa mga gaya mong bata pa."
"Opo, ate. Salamat po sa pagkain," hindi maalis na tingin sa pagkain na wika ng bata. "Ilang araw na po kong hindi kumakain eh." Nag-angat naman ito ng tingin sa kaniya. "Kaya maraming salamat po, ate. Hulog ka po ng langit," ngiti ng bata.
Maloko naman siyang tumawa sa bata.
"Palabirong bata," iling-iling niya.
Nilingon niya ang paligid at humarap muli sa bata.
"Siya, dito na ko. May importante pa kong aasikasuhin. Mag-iingat ka palagi, ah?"
Tumango naman ang bata. "Opo, ate. Sige po, ingat din po kayo."
"Sila dapat ang mag-iingat sa'kin," biro niya sa bata na dahilan ng pagbungisngis nito.
Nagpaalam na siya't naglakad na muli.
Nahinto siya sa isang parke sa Natsumi at duon nagpahinga. Pinagmasdan niya ang kagandahan ng lugar. Mga ibong nagliliparan sa langit. Mga punong sumasabay sa pag-ihip ng hangin. Mga batang naglalaro sa may damuhan kasama ang pamilya.
"Nasaan na kaya si Tsumi? Huling kita ko sa kaniya, mga bata pa kami. Hindi na yata niya ko naaalala. Kung naalala man niya ko, maaring kinalimutan na niya pagkakaibigan namin," buntong-hininga niya. "Nakakamiss maging bata."
"Kung hahanapin naman kita, baka hindi rin ako magtagumpay. Hindi ko na sigurado kung gano'n pa rin ang itsura mo. Baka nag-glow up ka na, nasobrahan sa glow-up kaya baka hindi na din kita mamukhaan. Pero sana, magkita ulit tayo," saad niya na tila bang sasagutin siya ng hangin.
Tumayo na siya sa kaniyang kinauupuan at binaling ang atensyon sa kaliwa.
"Sisiguraduhin kong magkikita ulit tayo, Hatsumi..."
Naglakad na siya papalayo sa parke at umuwi.
Hinubad naman niya ang botang kaniyang suot pati na din ang coat. Ni-lock naman niya ang pinto at pumasok na sa loob.
Nagpunta siya sa kaniyang sikretong parte ng kaniyang tinutuluyan. Binuksan naman niya ang telebisyon at hinayaan lang ng gano'n. Umupo siya. May kinuha siyang litrato at tumayo muli para idikit iyon sa kaniyang mood board. Napangisi siya nang tignan ang kabuuan nito.
"Mukhang matatagalan akong punuin ito."
Umupo siyang muli at kinuha ang tatlong litrato sa mesa. Tinignan niya iyon ng may kalakip na malaking ngiti sa kaniyang labi. Ngiting may hindi magandang binabalak.
"Mahahanap niyo kaya sila?" Bahagya siyang natawa. "Kahit ako'y hinihiling na makita niyo na din sila. Ano kaya kung tulungan ko ang mga pulisya na hanapin kayo?"
Humalakhak siya na parang demonyo. Tila natutuwa siya sa kaniyang ginawa.
"Tulungan niyo kami! Tulong!"
Nabaling naman ang kaniyang atensyon sa telebisyon.
Ngumisi siya dahil sa kaniyang nakita't naririnig.
"Tulong! Tulong! May tao dito! T-tulong!" pagmamakaawa ng babae sa telebisyon.
"In 5..." pagbibilang niya.
"Tulong! Parang awa niyo na!"
"4..."
"Tulong! Tulong! Parang awa niyo na!"
"3..."
"Please! Na... Nahihirapan na kong... huminga..."
Mas lalong lumaki ang pagkakangisi niya nang makita niya itong naghihingalo pero patuloy pa rin sa pagsigaw, makalabas lang sa kaniyang kinaroroonan.
"2..."
Hindi na nagsasalita ang babae dahil nahihirapan siya sa paghinga. Nasa loob siya ng kulungan pero hindi naman ito kulob at makakahinga naman siya dito ngunit... Ano't nahihirapan siyang huminga ngayon?
"1..." Kasabay no'n ang pagbagsak ng babae. Tumama ang ulo niya sa sahig na naging dahilan ng pag-agos nito at pinaliligiran ng sariling dugo.
Pinatay naman niya ang telebisyon at muling ngumisi.
"Mahinang nilalang," pagtukoy niya sa babae at sa mga pulis. Nagsindi naman siya ng sigarilyo at binuga ang usok.
Kinuha niya 'yung isa sa tatlong litratong hawak niya kanina at dinikit iyon sa board.
"Pang-apat," wika niya sa salitang hapon.
"Sino naman ngayon ang isusunod ko?" ngiting-ngiti na tanong niya sa kaniyang sarili.
YOU ARE READING
Les Sort De Nous
RandomAking pinakikilala, Hetero. Ang grupo ng mga pinagsama-samang nilalang sa Feistier High. Napagkasunduan nilang magkakaibigan na gumawa ng patakarang imposibleng hindi nila malabag. Gaano nga ba iyon sa ka-imposible para hindi nila magawa? Huwag paka...