SOMEONE'S POINT OF VIEW
May usapan kami ni Daphne na magkikita ngayon sa laboratoryo ng aming eskwelahan. Gusto daw niyang humingi ng tulong sa'kin patungkol sa isang bagay. Kaya naman nandito ako't hinihintay siya.
Wala pang ilang minuto ay nakita ko na si Daphne, papalapit sa'king pwesto. Ngumiti naman ako nang magtama ang aming paningin.
"Kanina ka pa?" tanong ni Daphne. Ngumisi naman ako.
"Hindi naman." Umupo ako at lumingon sa kaniya.
"Ano palang sadya mo?" seryosong tanong ko. Nag-angat naman siya ng tingin sa'kin at panandaliang umawang ang kaniyang labi dahilan ng muli kong pagngisi.
"Kailangan ko ang tulong mo."
"Ano naman ang maitutulong ko sa'yo?"
"Alam kong binabayaran ka para pumatay..." Napakurap naman ako sa kaniyang sinabi at dinaan na lang iyon sa pagngisi.
"Paano mo nalaman ang bagay na 'yan?"
"Hindi na importante 'yon. Ang gusto ko lang... turuan mo ko pa'no pumatay," walang emosyon na saad ni Daphne. Kusa namang nanlaki ang mga mata ko dahil duon. G-gusto niyang pumatay?
Tumayo ako sa'king kinauupuan at kunot-noo naman ako lumingon sa kaniya. "B-bakit? Para saan? Nangangailangan ka ba ng pera ngayon, Daphne?"
"Hindi."
"Oh, eh para saan 'tong usapan na 'to? Ang akala ko naman..." Iniwas ko ang aking paningin sa kaniya. Naramdaman ko naman siyang lumapit sa'kin.
"Ang tanging gagawin mo lang ay turuan ako. Ayun lang.." Nang tignan ko siyang muli, mababakas sa kaniya lalo na sa mga mata niya ang pagiging desperado. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito.
"Daph, listen." Huminga akong malalim bago nagsalita. "Alam mo namang tutulungan kita sa kahit na ano, hindi ba? Pero pagdating sa bagay na 'to, Daphne, h-hindi 'ata kita kayang tulungan."
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Seryoso pero matalim naman niya kong tinignan.
"Sabihin mo na lahat pero 'wag lang 'to. 'Wag lang 'to, Daphne," pagmamakaawa ko.
Nakita ko namang kumurba ang mga labi niya habang ang kamay naman ay aligaga sa pagkuha ng kung ano sa likuran. Agad namang nanlaki ang mata ko sa hawak-hawak niya ngayon.
"Heto," saad niya't inabot ang cheke sa'kin. "Alam ko namang hindi ka basta-bastang tumatanggap dahil gaya ng sabi mo, wala ng libre sa panahon ngayon. Kaya ayan, tanggapin mo."
Sinenyasan niya kong kunin iyon mula sa kamay niya. Nate-tempt akong kunin pero hindi puwede. Hindi talaga. Napalunok naman ako nang makita ang halaga nito.
Nahagip ng mata ko ang pagngisi niya dahil sa itsura ko ngayon. Sino ba namang aayaw sa pera, 'di ba? Pera na 'yan eh, walang tumatanggi sa ganiyan. Kaso kasi...
"Kapag kinuha mo ito, ibig sabihin tinatanggap mo ang gusto ko. At sa oras na mahawakan mo 'to, wala nang atrasan. Kaya pag-isipan mong mabuti."
Nagpakawala naman ako ng hangin at seryoso siyang tinignan.
"Tangina naman, Daphne. 'Wag mo naman akong pahirapan ng ganito. Parang awa mo na."
"Ginhawa o parusa? Mamili ka."
Napahilamos naman ako. Ba't naman sa dami ng araw na pwede akong bigyan ng pagpipilian, bakit ngayon pa kung kailan iba na ang ihip ng hangin?
Sana hindi na lang ako pumayag na makipagkita sa kaniya.
YOU ARE READING
Les Sort De Nous
RandomAking pinakikilala, Hetero. Ang grupo ng mga pinagsama-samang nilalang sa Feistier High. Napagkasunduan nilang magkakaibigan na gumawa ng patakarang imposibleng hindi nila malabag. Gaano nga ba iyon sa ka-imposible para hindi nila magawa? Huwag paka...