Chapter 7

25 2 0
                                    

Emethys POV

Napatakip ako sa tenga ko ng sumisigaw sila. Bwesit wagas naman maka sigaw ang mga to. Well hindi ko rin sila masisi sa mga nalaman nila.

"Pano? Bakit? Kailan?" Sunod na sunod na tanong ni Ly

"Teka ems pano mo naman naging kambal si hell,at isa pa mag pinsan tayo walang sinabi si Tata samin,sakin na may kakambal ka,kaya nga only child ka diba." Saad naman ni bell

Tama sila ang alam ng lahat only child ako. Pero may mga kakambal pa pala ako. 10 years ago ko nalaman na may kakambal ako.

"Yun rin ang inaakala ko,pero hindi pala may mga kapatid pala ako." Sabi ko sa kanila

"Alam ba to ni tita na alam mo na na may mga kapatid ka pala." tanong ni Lyn

"Hindi ko alam."

Totoo yun hindi ko alam kung alam ba ni mom na alam ko na nama'y kakambal ako. Pero ang hindi ko maintindihan bakit niya tinago sakin.

"So ano ng gagawin mo ngayon na hindi pala yun si hell." Tanong ni Ly

"Wala,sa ngayon hahayaan ko muna siya pero babantayan ko mga kilos." Sagot ko sa kanya.

Mananahimik muna ako sa ngayon. Pero kung may balak siya sisiguraduhin ko hindi siya mag tagumpay.

"So ems nakita mo na ba tatay mo?" Belle asked. Natahimik naman ako

"Hindi pa." Tipid na sagot ko

"Mabuti pa matulog muna tayo bukas na natin yan pag usapan ulit." Sabi ni Joyce. Tumango nalang kami sa kanya

Humiga na kami sa kama. Bukas ko nalang haharapin ang hell na yun. Ipinikit ko na ang mata ko at natulog na.

3RD PERSON POV

Nag uusap ngayon ang limang kalalakihan at nag-iinuman sa kanilang headquarters. Iniisip parin nila ang nangyari kanina don sa cafeteria. Hindi parin nila alam kung bakit ganun umasta si emethys kanina at ganun din si hell. Parang May tensyon kasi sa kanila.

"Damon nasaan pala si hell." biglang tanong ni cloud

"Nasa dorm niya nag papahinga." sagot naman ni Damon

"Guys ako lang ba or may nag bago talaga si hell." Sabi ni sky

"Your right sky even me nahahalata ko rin na may nag bago sa kanya,yes mabuti na ngumingiti na siya ngayon I mean hindi na siya nakakatakot at cold pero sa nakikita ko parang hindi siya yun." saad naman ni Ivan

"So ano ang ibig sabihin mo Ivan na hindi siya si hell at nag pagpanggap lang siya." tanong ni Damon

"Oo."

"Gago ka pala eh! kitang kita mo naman na mukha ni hell yun tapos sasabihin mong hindi siya yung kakambal ko." Inis na singhal ni Damon

"Eh bakit si ems kamukha niya si hell so ang ibig mo rin sabihin siya rin si hell." napatango naman si sky at cloud. Habang si Zack tahimik lang nakikinig sa kanila. "Don't get me wrong Damon,pero yung hell na nakikita natin ngayon hindi ko maramdaman na siya yung pinsan ko." Sigaw naman Ivan

Tumayo na si Damon at sinuntok si Ivan. Hindi naman pumalag si Ivan inawat na rin sila ni sky at cloud dahil nag simula na silang mag away.

"Stop it both of you." sita sa kanila ni Zack gamit sa pinakamalamig na boses. Napahinto naman sila pag aaway.

The Long Lost Mafia HeiressWhere stories live. Discover now