Belle POV
"Belle wait." bwesit bakit kasi ako hinahabol ng lalaking to.
Kung tinatanong niyo sakin kung sino yung tinutukoy ko. Yun ay walang iba kundi si Ivan Roswell. Ilang araw ko na kasi siyang iniiwasan. Pagkatapos nun nangyari sa mansion nila Ems. At sa tuwing naaalala ko yun. Hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot.
Flashback
Nandito kami ngayon sa mansion nila ems. Nag e-ensayo. At ang naka Asta sakin ay si Ivan. Kaya tuwang-tuwa ako dahil siya mismo nag t-traning sakin. Inaamin ko may nararamdaman na ako para kay Ivan. At ngayon araw din ako aamin sa kanya. Feeling ko kasi may nararamdaman rin siya para sakin. Assuming man pakinggan pero yung talaga ang nararamdaman ko.
Kaya aamin na talaga ako sa kanya. Baka kasi pag hindi pa ako umamin huli na ang lahat. Nilapitan ko naman siya pero nakatalikod siya sakin. May ginagawa kasi siya.
"Ivan." tawag pansin ko sa kanya.
"Hmm?" ungot niya. Hindi ko naman mapigilang mapairap dahil dun. Nakatalikod parin kasi siya sakin.
"May sasabihin ako." saad ko sa kanya.
"Go on I'm listening." sabi niya pero nakatalikod parin sakin.
Huminga muna ako ng malalim at nag ipon ng lakas ng loob bago mag salita. "Ivan I-I like you." lakas loob na saad ko sa kanya. Napahinto naman siya dahil dun. At dun niya pa ko nilingon.
Tahimik lang siya at hindi nag salita. Pero parang gumuho ang mundo ko ng magsalita siya.
"Sorry I don't like you." sabi niya sakin. Napatulala naman ako dahil dun.
At feeling ko hindi ko na kaya pigilan ang luha ko tumalikod na ako sa kanya at tumakbo. Tinawag niya ko pero hindi ko na siya nilingon pa.
End of flashback
Mapait nalang ako napangiti dahil dun. Nabalik naman ako sa ulirat ng may mabangga ako. Pero nagulat ako ng makilala ko ang nabangga ko. Aalis na sana ako na bigla niya hinawakan ang pulsuhan ko at pina harap sa kanya ulit.
"Ano ba bitiwan mo ko." sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang pagka hawak niya sakin.
"Why are you avoiding me this past few days?" tanong niya.
"Tinatanong pa ba yan alam mo naman kung bakit diba." sabi ko. Natigilan naman siya dahil dun.
"Dahil pa dun sa sinabi ko na hindi kita gusto?" sabi niya. Napa iwas naman ako ng tingin dahil dun. "Look hindi mo kasi naiintindihan ang ibig kong sabihin." dagdag niya pa. Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya.
"Anong hindi ko naiintindihan? Naiintindihan ko hindi mo ko gusto at t-tanggap ko yun." sabi ko habang nakatungo. Ayaw ko tumingin sa kanya baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko at umiyak sa harap niya.
"No Belle listen to me firs-" pinutol ko ang sasabihin niya.
"Okay lang talaga Ivan"
"No let me explain"
"Ano kaba okay lang ako siguro mawawala rin itong nararamdaman ko para sayo"
"Fuck just let me talk first." frustrated na sigaw niya. Nagulat naman ako dahil dun. Huminga muna siya ng malalim at kinalma ang sarili niya. "Yes I said that I don't like yo-" pinutol ko na naman ang sasabihin niya
"Kaya nga sabi ko okay lang dib-"
"I said I don't like you it's because I love you ok?" sigaw niya. Natahimik naman ako dahil dun. "I don't like you because I love you belle, Do you hear me I said I love you." natulala ako sa sinabi niya parang may nakabara sa lalamunan ko.
YOU ARE READING
The Long Lost Mafia Heiress
RandomShe's Emethys She got the brain,the body and the beauty. She has that Angelic smile. A smile that makes d every man would fall over her, but all I can say look can be deceiving. There's a real hell behind those angelic face she had. Cold, Heartless...