Chapter 26

5 0 0
                                    

Merybelle POV

Nandito kami lahat sa sala ngayon hinihintay namin si Ems isang oras na siyang wala. Mula nung nag paalam siya nag magkikita sila ni Zack. Hindi namin mapigilan mag-alala para sa kanya. Ano kaya ang nangyari sa paguusap nila ni Zack. Kahit galit ako sa ginawa ni Zack gusto ko parin mag kaayos sila ni Ems. Napalingon kami sa labas ng marinig namin ang tunog ng motor ni Ems. At nakita namin siya na papasok ng mansion. Pero parang may mali sa kanya kasi wala kang mabasa kahit isang emosyon sa mukha niya. At nakakaba pag ganito si Ems. Hindi mo alam kung ano ang iniisip niya ngayon. Si Damon ang unang lumapit sa kanya.

"Emethys." pag tawag ni Damon sa kanya. "Anong nangyari sa paguusap niyo ni Zack?" tanong niya pero tinignan lang siya ni Ems na malamig at hindi nag salita.

"None." malamig at tipid na sagot ni Ems.

Hindi kami sanay na ganito si Ems at kahit kailan hindi kami masasanay. Parang bumalik ang dating Emethys na nakilala namin at mas nakakatakot siya pag ganito.

"Ems are you okay?" lakas loob na tanong ni lyn. Pero gaya ni Damon tinignan din siya ni Ems ng malamig.

"What do you think Damon?"malamig na sabi niya. Nagulat naman kami dun.

Hindi na kailangan tanungin pa si Ems dahil kitang kita naman na walang maganda nangyari sa paguusap nila. At natatakot ako na baka tuluyan mag bago o bumalik si Emethys dati. At kung mangyari yun malaking gulo ito o mas higit padun.

"What do you mean?"tanong ni Damon. May hinala na siguro siya pero gusto niya parin kumpirmahin sa kambal niya.

"She's chose that bitch over me." sagot ni Emethys gamit pa rin ang malamig niyang boses.

"So anong gagawin mo ngayon?" this time si Ivan naman ang nag tanong. Naghintay naman kami sa sasabihin niya. At nagulat ako,kami sa sagot niya.

"Zackary is our enemy now and he won't hesitate to kill us and me." sagot niya ang tinignan niya kami ng malamig. "So don't hesitate to kill them or him, naiintidihan niyo naman siguro diba?." tanong niya samin.

"So you want us to kill Zack?" tanong ni Sky?. Tumango naman si Ems bilang sagot dun.

"And how do we do that?" Cloud asked.

"Simple just shoot or stab him." she blankly stated. Parang wala lang kay Emethys ang sinasabi niya ngayon.

"Do you think it's that easy to do that?" Cloud said. Hindi naman sumagot si Emethys at walang emosyon lang tinignan si Cloud. Nung hindi sumagot si Ems nag salita ulit si Cloud. "Ems hindi ganun kadali yun, mahirap patayin si Zack hindi dahil malakas siya kundi dahil kaibigan rin namin siya kahit sabihin natin nag traydor siya satin si Zack parin yun at maraming taon din namin siya nakasama, at alam mo yun." mahabang litanya ni Cloud. Habang kami tahimik lang at nakikinig sa sinasabi ni cloud.

Hindi ko rin masisi si Cloud dahil may tama rin siya. Masakit na nga na trinaydor sila ng Hari nila patayin pa kaya ito. At alam ko rin na kahit galit sila Ivan kay Zack mahirap din sila na patayin at kalabanin ito. Bakit ba kasi umabot ang lahat sa ganito eh. Hindi ba pwede hayaan nalang sumaya sila Emethys at Zack?. Bakit kailangan umabot sa ganito, bakit kailangan pahirapan kami ng ganito?.

"Sa tingin mo ganun lang kadali rin sabihin yun cloud?" tanong ni emethys at natahimik naman si cloud dahil dun. "Sa tingin mo madali lang sabihin yun?, hindi dahil kung nahihirapan ka,kayo na gawin yun mas mahirap sakin yun, sa tingin mo madali sakin na patayin ang lalaking mahal ko? masakit rin sakin na ako,kayo ang papatay sa kanya dahil kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na patayin ang taong mahal ko, pero wala na tayong magagawa kasi hindi siya natin papatayin tayo ang papatayin niya." natahimik naman kami dahil dun. May pont rin naman kasi si Emethys kung hindi si Zack kami ang mamatay.

The Long Lost Mafia HeiressWhere stories live. Discover now