Chapter 1

1.1K 407 27
                                    

SUMASAKIT ang ulo ni Cindy nang makarating siya sa harap ng bahay ng kanyang tinitirhan. Kinuha niya ang kanyang susi ng pinto sa kanyang bulsa 
ng makuha niya, bigla niya itong nabitawan kung kaya't naglikha ng ingay ito.

     Napamura siya. Sana lang hindi nagising ang tiyahin niya. Nang mabuksan ang pinto mabilis siyang pumasok. Nakita niyang nakabukas ang  ilaw sa sala kung saan nakaupo ang Tita Claire niya.

     "Ano ba'ng plano mo sa buhay?" tanong nito.
     Hindi niya pinansin ang tiyahin at tuluy-tuloy na pumasok sa bahay. Umakyat siya sa hagdan at pumasok aa kanyang kwarto. Pero sinundan siya ng kanyang tiyahin.

     "Cindy, huwag mo akong tatalikuran", sambit nito.
     Hinarap ni Cindy ang kanyang tiyahin na may bahagyang distansya lamang ang nasa pagitan ng mga mukha nila.
Maya-maya ay bahagya siyang itinulak nito.

     "Ano ka bang bata ka? Anong amoy 'yan? "bulalas ni Tita Claire niya. Napansin nito namumula ang mga mata niya. "Humithit ka na naman?"
    "Ano bang pakialam mo? Umalis ka na!" sigaw niya.
     Hindi umalis si Tita Claire niya. "Bakit mo ba ginagawa ito?" tanong nito.

     Hindi niya pinansin ang tiyahin. Naghubad siya ng damit at short. Napansin ni Tita Claire ang isang malaking tattoo na bungo sa likod niya. Nagmumula iyon sa batok hanggang sa balakang.

     "Cindy bakit may tattoo ka?nagugulat na tanong uli nito.
     Nainis si Cindy at inihagis ang kanyang mga damit sa sahig. "Bakit ba ang dami mong mga tanong? Nakakairita na sabi niya sa kanyang Tita Claire.
' Sabi ko, umalis ka na!"

LUMABAS na ng kwarto ni Cindy si Claire. Nang bumalik siya sa sariling kwarto, hindi niya napigilan umiyak. Hindi iyon mangyayari sa pamangkin kung nasubaybayan at naalagaan n'ya ito ng maayos kaso that time hindi pa siya handa dahil bigla itong iniwan ng kanyang ate.

     Kung maibabalik lang niya noong bata pa si Cindy ay maaasikaso n'ya na ito at magagabayan.
     Kaso, sampung taon lang ang pagitan nila ni Cindy. Ngayon lang talaga siya nagkaroon ng oras at kakayahan na maasikaso at maalagaan ang kanyang pamangkin.

     Sana lang hindi pa huli ang lahat at makabawi siya kay Cindy sa mga nagawa niyang pagkukulang dito. 

You Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon