LABIS ang pagkagulat ni Rachel sa sinabi ni Cindy.
" Hindi naman sa gano'n. Pero gusto lang natin na maging patas, " paliwanag ni Rachel.
Pagak na tumawa si Cindy. " Iyon ba ang patas?
Papakainin natin ang mga batang may mga magulang na siyang may responsibilidad sa kanila at hahayaan ang matatandang wala ng lakas para magtrabaho na magutom? "Napakagat ng ibabang labi si Rachel. " Cindy, program sa mga bata ito. Hindi para sa matatanda. "
" Hindi kasi kayo ang nasa sitwasyon ko kanina, " sabi niya at tinalikuran ito.
Umalis na siya at pumunta sa dyip.
" Kabago-bago pa lang niya, maipilit na ang gusto! " naiinis na sabi ni Dona. " Ate Rachel, 'wag na natin siyang isama sa susunod, " sabi nito.
Tiningnan ni Rachel si Lester. " Wala sa akin ang desisyon na 'yan. "UMIWAS naman ng tingin si Lester at pinuntahan si Cindy. Kung tutuusin may punto si Cindy. Hindi lang nito kasi maunawaan na ang programang iyon ay para sa kabataan lamang. Nang makarating siya sa dyip ay nakita na niya ang dalaga na wala ibang kasama. Nakahilig ang ulo nito sa likod ng driver's seat.
" Cindy, " tawag ni Lester.
Dali-daling unayos ng upo si Cindy at pinunasan ang mukha. Napansin ni Lester na umiiyak pala ito. Pumasok na siya ng dyip at umupo sa tabi nito." Pasensya na kanina kay Rachel, " hinging sorry niya.
" Wala siyang ginawang masama. Huwag mo akong i-reverse psychology para ipamukha sa akin na ako ang mali. Oo na. I broke the rules. Okay na? "
" Cindy, " tawag niya.
" I know, I know. This is a program for kids, not for the elderly na wala ng silbi sa madlang lipunan dahil mahihina sila, pabigat, at alagain. "
" Cindy, don't say that. "" Lester, just leave me alone. This will be my last time to be here. Hindi na ako sasama ulit sa inyo. I can't stand this. I can't stand na hindi ko mabibigyan ng tinapay isang mag-asawang matanda na hindi pa nananghalian simula kahapon. "
Napangiti si Lester. Hindi niya sukat akalain ang mataray at may pagka suplada na si Cindy ay malambot na puso. Her fierce image hid the golden heart within her.
" Saan sila nakatira? " tanong niya.
Suminghot ang dalaga bago ito sumagot. " Bakit? para bawiin 'yong tinapay na binigay ko? Papalitan ko na lang iyon kahit isang dosena pang sandwich. "
Natawa si Lester. " Ganyan ba kasama ang tingin mo sa akin? "" Hindi mo naman kasi alam ang feeling ko no'ng oras na iyon. Kinalabit ako ng matandang babae para manghingi ng isang tinapay para sa kanilang mag-asawa. Isa lang pero napagdamutan ko siya, " pinahid muli nito ang mga luha, " Buti nga kayo. Parang mga artista lang dito sa progran na ito kaya hindi ninyo talaga alam kung ano ang sitwasyon. "
" Anong artista? " nagtatakang tanong niya.
" Para kayong celebrity ng slum area na ito.
Pinagkakaguluhan ng mga bata, " paliwanag nito.
" Display, in other words. "
" Hoy, hindi kami display. Habang namimigay kayo ng pagkain, nagtuturo kami ni Rachel sa mga bata, "depensa niya.Umikot ang mga mata ni Cindy.
" Whatever. "
" Sorry talaga, Cindy. I really get your point. Kaso sarado talaga ang utak ni Rachel sa mga ganyang usapin, kasi ang nasa focus niya ay mga bata talaga. "
Unti-unti nang sumasakay ang mga volunteer aa dyip. Binati ni Lester ang bawat isa aa mga ito.
Tinapik ni Lester si Cindy." Mag-usap tayo mamaya, " bulong nito at bumaba na ng dyip.
Nang pumunta si Lester sa kotse, nakasakay na si Rachel. Nakasimangot ito."Ano'ng napag-usapan ninyo? " pagkakatanong nito kay Lester.
" Bakit kailangan mo pang malaman? " balik-tanong ni Lester at ini-start ang kotse.
" Bakit hindi ko pwedeng malaman?"
" Rachel sa min na lang 'yon. Okay? "
" Naglilihim ka na sa akin ngayon, "
pagmamaktol nito.
" Hindi naman sa gano'n. Pero may mga bagay kasi na hindi mo na dapat malaman pa. "
" Saan mo ba nakilala ang babaeng 'yon? "
" Mahabang kwento. "
Bakit ba panay ang pagtatago mo sa babaeng 'yon? nakakahalata na ako. "
" Hindi naman kasi mahalaga na malaman mo pa. "
BINABASA MO ANG
You Changed Me
RomanceDapat bang ibigin ni Cindy si Lester Cervantes? dahil ang isang tulad niya ay walang direksiyon sa buhay at hindi nababagay sa tulad ng binata na gwapo at higit sa lahat galing sa mayamang angkan.Ngunit sadyang makapangyarihan ang pag-ibig kahit mah...