Chapter 11

204 143 7
                                    

NAGTAWAG uli ang teenager na babae upang mag-ayos na sila. Nalaman ni Cindy na ito si Dona, isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Lester.

     " Buddy system tayo, " anunsyo ni Dona.
     Dali-dali naman na  nag-partner ang mga kabataan.
     " Tayo ang buddy, Cindy,  " sabi ni Simon sa kanya.
     Ngumiti siya at sumang-ayon.

     Lumabas na sila ng basketball court at isang dyip ang nakaabang sa kanila. Umakyat sina Simon at Cindy sa dyip at umupo sa likuran ng driver. Mabilis na napuno ang dyip.
    " Ilan ba kayo lahat dito? " tanong ni Cindy.
    " Halos kwarenta kmi dito, alam ko, " sagot ni Simon.

    Makalipas ang sandali, umakyat na si Lester sa estribo ng jip. " Guys, let's pray  bago tayo umalis, " sabi nito. Sabay-sabay nagyukuan ang mga ito at nakigaya na lang si Cindy.
    Umusal ng maikling panalangin si Lester. " Always be with your buddy, " paalala nito matapos iyon at bumaba na ng jip.

     " Saan siya sasakay? " tanong ni Cindy.
     " Bukod sila ni ate Rachel. Sumasakay sila sa kotse ni Sir Lester, " paliwanag ni Simon.
     " Girlfriend ba niya si Rachel? " out of the blue na tanong niya.
     Nagkibit-balikat ang binatilyo. " Ang alam namin, hindi. Pero halos lahat dito, gustong sila ang magkatuluyan, " paliwanag nito.

     Dumating  na sila sa area. Hindi pa sila nakakababa ay nakaabang na ang mga bata. May mga batang yumakap sa iba pa nilang mga kasama.
    Ngunit biglang nagtakbuhan palayo sa kanila ang mga bata. Nang sundan ng tingin ni Cindy ang kanilang direksyon, nakita niya ang pagparada ng isang kotse. Bumaba mula doon sina Lester at Rachel. Animo mga artista ang mga ito.

     " Ate Rachel! Kuya Lester! " sigaw ng mga bata.
     " Oh! Dahan-dahan lang, " sabi ni Lester.
     " Aba, parang na-miss niyo kami, ha," sabi naman ni Rachel.

     Nang pagmasdan ni Cindy ang dalawa, parang loveteam sina Rachel at Lester.
    " Parang mga artista ' no? " ani Simon.

     Nilingon ni Cindy si Simon at nagkibit-balikat lang.

Sinabihan sila ni Dona na pumunta na sa site. Hindi niya alam kung ang sinasabi ng mga ito kaya nakikisunod na lang siya. Mabuti na lang kasama niya si Simon. Inatasan sila ni Dona na pumunta sa pasilyo B. Doon daw sila magbibigay ng pagkain.

     Nang makarating sila ni Simon sa pasilyo B, agad silang pinagkumpulan mg mga bata. Mga ilang matatanda rin ang lumapit sa kanila. Ngunit sabi ni Simon ay mga bata lang.

     Isang matandang babae ang kumalabit kay Cindy. Maputing- maputi na ang buhok nito at ika-ika nang lumakad. " Ineng, baka pwede makahingi lang kahit isa para sa aming mag-asawa? Isa lang, ineng, maghahati  na lang kmi do'n, " pakiusap nito.

     " Lola, para sa mga bata lang po, eh, " sagot niya. Ngunit sa loob-loob ay gusto na niya talagang bigyan ang matanda.
     " Gano'n ba? Hay, hindi pa kasi kami nananghalian kahapon pa. Sige. "
Tumalikod na ito.
     Sinundan niya ng tingin ang direksyong tinungo ng matandang babae. Nakita niya itong pumasok sa isang barungbarong. Halos babagsak na rin ang bubong niyon. Parang isang kahon lang din ang bahay. Nasilip niya ang isang matandang lalaki na nakahiga sa sahig. Umupo ang matandang babae sa tabi ng asawa at hinawakan ang kamay nito.

     Natigilan si Cindy. Nadurog ang kanyang puso at nararamadaman na nangingilid ang kanyang mga luha.
Pinanood niya ang matandang babae na hinihimas-himas ang ulo ng asawa. Lumakad siya papunta sa bahay ng matanda.
    " Lola, ito po. Huwag na lang po kayong maingay sa iba, " sabi niya at inabutan ng dalawang tinapay ang matandang babae.

     Tumingala ang matanda sa kanya at ngumiti. Nang lumabas siya ng bahay, may ilang mga ale ang nakakita sa kanya at lumapit na nakalahad ang mga kamay.
    " Kami rin, bigyan mo, " sabi ng mga ito.
    " Pasensya na po, hindi pwede. Sa mga bata lang ito, " aniya.
    " Eh bakit yong mga matanda diyan, binigyan mo? Kami rin, may matanda sa bahay, " giit ng isang ale.
    " Hindi po talaga pwede. "
    " Ay naku, anpeyr kayo! Namimili kayo ng bibigyan, " sabi ng isa pa.

    Nilampasan na ni Cindy ang mga ale at lumapit sa kanya si Simon.

    " Ano'ng nangyari? " tanong nito.
    " Humihingi sila ng tinapay, " paliwanag niya.
    " Alam nilang para sa mga bata lang 'yon, " sabi naman nito.
    " Nakita nila kasi ako na binigyan ng tinapay ang mag-asawang matanda. "
    Nanlaki ang mga mata ni Simon.
" Naku, Cindy, patay tayo diyan. Bilin na bilin ni Sir Lester na mga bata lang ang bibigyan, " sabi nito.
    " Anong gagawin ko? nakakaawa sila."
    " Lahat sila dito nakakaawa. Kung lahat ng nakakaawa ay bibigyan natin, tayo naman ang kawawa, " paliwanag nito.

    Pagkatapos niyon ay pumunta na sina Cindy at Simon sa barangay outpost kung saan sinabi na magkikita-kita uli sila. Nasa labas ng outpost ang ilan pang mga volunteer na pawis na pawis. Nakita ni Cindy si Lester na nasa ng pinto ng outpost kausap ang isang may-edad na lalaki. Panay lang ang tango ni Lester sa lalaki  na panay din nman ang salita.

    Mayamaya ay lumapit si Rachel sa kanila Napansin ni Cindy na magkasalubong ang mga kilay ng babae. Nang umalis ang lalaki, kinausap ni Rachel si Lester na parang naiinis na nagpapaliwanag. Hindi umiimik si Lester at nakikinig lang sa animo sermon ni Rachel. Nag-angat ng mukha ang binata at eksaktong dumako ang mga mata nito sa direksyon niya. Nagkatitigan lang sila. Marahil ay napansin iyon ni Rachel kaya tumingin din ito sa kanyang direksyon. Nakita ni Cindy na may sinabi ang babae at tumango lang si Lester.

    Lumakad si Rachel patungo sa direksyon niya. Nakasunod si Lester.

    " Hi, " bati ni Rachel. Ngumiti lang siya. " May nakarating kasi sa amin na sumbong mula sa mga residente dito, " panimula ng dalaga. " Nagbigay ka raw ng tinapay sa hindi bata. Totoo ba 'yon?" mahinahon na tanong nito.
    Pero sa kabila ng hinahon na iyon, dama ni Cindy ang pagkainis ng babae sa kanya. Tumango siya bilang pagsang-ayon.

    " Okay. Next time, huwag mo nang gagawin iyon. Kasi para sa mga bata lang talaga ang pagkain. Magtatampo kasi ang iba. Follow our rules. "

    " Kahit titirik na ang mga mata nila sa gutom, hindi parin ba sila bibigyan?"  tanong niya.

   

    
    

  


    

You Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon