NAALIMPUNGATAN si Cindy. Nang imulat niya ang mata, ang maamong mukha ni Lester ang sumalubong sa kanya. Hindi nya namalayan na nakatulog pala siya sa kandungan nito.
Bigla siyang tumayo. " I'm sorry, tinulugan kita. Ano ba'ng nangyari? " tanong niya, hindi niya maalala ang mga nangyari." You had a meltdown, " sagot ni Lester. Tumayo ito at inabot ang kamay sa kanya.
Inabot niya iyon at hinila siya ng binata upang tumayo. Biglang nag flashback ang mga nangyari sa kanya. She buried her face in her palms." Nakakahiya ang ginawa ko, " bulong niya. Naramdaman niya ang pagtapik ni Lester sa kanyang likod.
" Okay lang 'yon. I can be a friend, " sabi nito.Tumingala si Cindy. His black eyes showed full sympathy. Pinagmasdan niya ang binata. " You look familiar, " sabi niya mayamaya.
Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. " We've met. Ako 'yong lalaking nagpunta sa inyo noong nakaraang araw para mag-solicit, " pahayag nito.
Naalala na niya. Si Lester ang lalaking nakasalamin.
" I see. You're Lester, right? " Tumango ang binata. I'm Cindy, " pakilala niya sa kanyang sarili.Ngumiti ito. " Kilala kita as Charmaine, " sabi nito.
" Whatever, " aniya. "Anyway, thank you for letting me stay. I'm going home, " sabi nya.
" Ihahatid na kita. "
" I'm fine. Sobra - sobra na ang ginawa mong tulong sa akin, " tanggi niya." I insist. Sorry, matigas ang ulo ko, " pagbibiro nito.
Matipid na ngumiti lang si Cindy.
Lumabas sila sa kwarto at sumalubong si Ronnie na sinampahan siya. Tumawa siya at hinimas ang ulo ng aso.
" Mukhang magpapaampon na sa'yo iyan, " biro ni Lester.Umupo siya upang magka- level na sila ni Ronnie at niyakap ito. " Thank you, Ronnie, " asad niya.
Napangiti si Lester. Salamat na lang kay Ronnie dahil nakakangiti si Cindy.
" Tama na 'yang pakitang-gilas. Uuwi na si Cindy, " sabi ni Lester kay Ronnie. Tumahol ang aso at bumaba ng hagdan." Turuan ba siya? " tanong ni Cindy nang lumabas na sila ng bahay.
" Yup, " sagot ng binata. " Mahilig ka ba sa aso? " tanong nito.
Nagkibit-balikat lamang siya. " Hindi ko alam. "Tumawa si Lester. " Baka mahiligan mo si Ronnie, " saad nito.
" Lester, about kanina, I'm sorry, " hinging-paumanhin niya." Tungkol saan? "
Nagbuntong-hininga siya. " Sa lahat ng nangyari.
Kalimutan mo na kung ano ang narinig o nakita mo. "" Okay, " tugon nito. Mayamaya ay nakita ni Lester malapit na sila sa bahay ng Tita ng dalaga. " Free ka ba bukas? "
" Oo, bakit? "
" Isasama lang kita sa program namin bukas sa slum area, " sagot nito." Ano 'yon? " tanong niya.
" Feeding program sa mga bata. Saka kaunting lesson tutoring, explain nito.
" Ano naman ang gagawin ko do'n? "
" Marami kang pwedeng maitulong do'n. "
" Pag-iisipan ko, " sagot niya. Nakarating na sila sa labas ng gate ng bahay nila." Kung gusto mong sumama, pumunta ka sa basketball court ng bandang alas-syete ng umaga, " sabi ni Lester. " Take care, " paalam nito, saka tumalikod na.
" Thank you, " saad niya.
Hindi humarap ang binata at itinaas lang ang kamay bilang acknowledgment.KINABUKASAN gumising nang maaga si Cindy.
Pinag-iisipan nya kung sasama ba siya o hindi. Wala namang masama kung sasama siya, dahil kailangan may gawin siyang makabuluhan at para narin malibang.Dali-daling siyang nag-ayos at nagbihis. Nang bumaba, naabutan niya ang tiyahin na nagluluto sa kusina.
Pinuntahan niya ito.
" Tita aalis lang ako," paalam niya.
" Saan ka pupunta? " tanong ni Tita Claire.
" Sasama kay Lester. May feeding program kasi sila, isinasama niya ako, " paliwanag niya.
Nagliwanag ang mukha ng kanyang tiyahin at biglang ngiti nito. "Sige lang."Nang makarating si Cindy sa basketball court, nakita niya ang ilang teenager doon na nag-aayos ng mga kahon at iba pang gamit. Luminga-linga siya sa paligid upang hanapin si Lester. Hindi niya nakita ang binata.
Bigla, nagdalawang-isip na naman siya. Hindi para sa akin ang pagsama sa activity na ito, naisip niya.
Bumalik siya sa pinto upang lumabas na sana, nang isang mas bata ang edad na lalaki ang nakasalubong niya.
Itinaas nito ang magkabilang braso para harangan siya." Oops...Saan ka pupunta? " nakangising tanong nito.
Kumunot ang kanyang noo. Hinawi niya ang binatilyo ngunit hindi ito natinag sa pagkakatayo." Hindi ka pwedeng umalis, " ng basta-basta saad nito.
Nagtaas ng isang kilay si Cindy. "At bakit naman? "
" Sabi ni Sir Lester, asikasuhin ka raw kapag dumating ka, " sagot nito.
Napailing siya at napangiti. So isang VIP pala ang trato sa kanya dito ngayon." Nasaan na nga ba siya? " tanong niya. Napansin niya na nakataas pa rin ang mga braso ng binatilyo.
Hinawakan niya ang mga iyon at dahan- dahan niya itong ibinaba.
" Hindi na ako aalis. "
Ngumiti ito nang husto. " Kasama niya si Ate Rachel.
Inaasikaso nila ang service natin. Wala pa kasi, " sagot nito.
Tumango lang siya. " By the way, I'm Cindy, " inilahad niya ang kamay.
Inabot naman iyon ng binatilyo at kinamayan siya.
" Alam ko. Ako naman si Simon. "Hindi siya hiniwalayan ni Simon. Binigyan siya nito ng almusal, ayon narin sa bilin ni Lester. Nagkaroon din din sila ng kaunting briefing tungkol sa gagawin mamaya. Napag-alaman ni Cindy na pupunta pala sila sa squatters' area na malapit sa barangay nila. Magkatulong sina Peter at Cindy sa pagsusupot ng mga sandwich nang pumasok si Lester at ang isang babae sa basketball court na maaari ang sinasabing si Rachel.
Matangkad ang babae, bahagya lamang ang taas kay Lester. Maganda at animo isang model ang pangangatawan nito. Kahit sa simpleng short at blouse, hindi maikakaila na kapansin-pansin si Rachel.
Mukhang seryoso ang usapan ng dalawa dahil nakakunot ang noo ni Lester at mariin ang pagpapaliwanag ni Rachel. Mayamaya ay nakita ni Cindy na may kinawayan si Lester. Isang teenager na babae ang agad naman lumapit sa binata. Pagkatapos ay lumabas na si Lester ng court at sumunod si Rachel." Guys, in five minute, aalis na tayo, " anunsyo ng teenager na babae na kinausap ni Lester kanina lang.
" Buti na lang at matatapos na tayo, " sabi ni Peter.
" Kung hindi, kagagalitan na naman ako ni Sir Lester. "
" Bakit Sir Lester ang tawag mo sa kanya? " tanong ni Cindy.
" Sir namin siya. High school teacher siya sa public school na pinapasukan namin, " paliwanag nito sa kanya.
" Namin? You mean, lahat kayo dito?"
" Halos lahat ng volunteers dito estudyante ni Sir Nate. "
" Eh, 'yong Rachel? "
" Ah, si Ate Rachel, kaibigan ni Sir Lester 'yon. Alam mo ba isa siyang model? "
Tumaas lang ang isang sulok ng kanyang mga labi.
" Kaya pala... "" Anong kaya pala? " nagtatakang tanong nito.
" Wala lang. Nang nakita ko siyang pumasok, ang lakas ng dating niya. Kaya naman pala. "
" Ang ganda niya sobra. Crush kaya siya ng mga lalaki dito. "
" Kasama ka na do'n? " pagbibiro niya kay Simon.
Umiling si Peter. " Hindi siya ang crush ko, " bulong nito sa kanya.
Napailing na lang siya. Ang mga bata nga naman.
" Ilang taon ka na ba? " mayamaya ay tanong uli niya.
" Sixteen, " sagot nito.
Nagulat si Cindy. " Medyo maliit ka para sa sixteen, " komento niya.
Hindi na umimik si Simon at nagpatuloy lang sa pagsusupot ng mga tinapay.
BINABASA MO ANG
You Changed Me
RomanceDapat bang ibigin ni Cindy si Lester Cervantes? dahil ang isang tulad niya ay walang direksiyon sa buhay at hindi nababagay sa tulad ng binata na gwapo at higit sa lahat galing sa mayamang angkan.Ngunit sadyang makapangyarihan ang pag-ibig kahit mah...