TINAWAG ng pulis si Cindy na pwede na siyang lumabas sa kulungan. Tiningnan niya si Stepthen na nasa kabilang selda.
" May sasabihin lang ako sandali sa kasama ko," sabi niya sa warden.
Pinuntahan niya sa selda si Stephen. Papakiusapan ko si Tita na piyansahan kayo, " sabi niya.
Tumawa ng pagak si Stephen at napailing." Hindi gagawin ng Tita mo 'yon. Okay lang ako, parating na rin naman ang kapatid ni Dave, " sabi nito.
" Magtext ka sa akin, " sabi niya, saka umalis na.Nakita ni Cindy ang kanyang tiyahin na kausap ang isang pulis. Lumapit siya rito. Nang makita siya ni Tita Claire ay agad siya nitong niyakap ng mahigpit na kala mo ay mawawala siya.
"Cindy, ano ba'ng nangyayari sa'yo?" Umiiyak na tanong sa kanya.
" Sorry, " she said flatly.Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit wala siyang nararamdaman na emosyon? Wala na ba siyang puso? Ganito na lang ba ang buhay niya, walang patutunguhan na maganda.
KINABUKASAN ng umaga, hindi pumasok si Claire sa trabaho.
Gusto niyang makausap ng masinsinan ang pamangkin. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin niya kay Cindy upang wala na itong mangyaring masama.
Mayamaya ay nakarinig siya ng doorbell sa kanilang bahay. Lumabas siya at nakita ang isang binata na may suot na black white - framed na salamin ." Goodmorning Ma'am. Kahapon po ay nag-solicit kami rito. ' Yong dalagang nandito ang nag-donate sa'min. Magbibigay lang po sana kami ng flyer.
Baka kasi may kakilala po kayo na pwede naming matulungan, " sabi ng binata. Inilusot niya ang kamay upang iabot kay Claire ang flyer. Binasa niya iyon. " Sige po , Ma'am. Godbless, " saka tumalikod na ito." Hijo, teka lang, " pigil ni Claire at humarap naman ito.
" Bakit po, Ma'am? " tanong nito.Binuksan ni Claire ang gate. " Pwede ba tayong mag - usap? " tanong niya. "Kailangan ko kasi ang tulong niyo. "
Pumasok ang binata sa bahay. Pinaupo ito ni Claire sa sofa.
" Teka lang, magmerienda ka muna," sabi niya.
" Ma'am huwag na po, pigil nito.
Ngumiti lamang ito sa kanya at umiling si Claire at pumunta sa kusina.Habang nasa kusina si Claire, iniligid naman ng binata ang tingin sa bahay. Mukhang mamamahalin ang mga dekorasyon doon. His attention was caught by a shelf. Tumayo siya at pinuntahan niya iyon. Nakita ng binata ang maraming maliliit na frame---mga litrato ng batang babae hanggang sa ito ay lumaki. Naalala niya na iyon ang babaeng mataray kahapon. May kuha rin ang babae na dalaga na; naggigitara ang isa at ang isa naman ay nagda-drums. Talented pala ang babae.
" Ano ba'ng pangalan mo? " tanong ni Claire nang bumalik na may dalang baso ng juice at dalawang sandwich.
" Lester Cervantes po. Lester na lang ang itawag ninyo, " sagot ng nagpakilalang si Lester at umupo sa sofa." Iyong mga picture na iyon ay si Cindy. Pamangkin ko. Tungkol sa music ang kinukuha niya. Graduating na siya ng college sa pagpasok, " sabi niya at umupo na sa kabilang sofa.
" Siya po ang nagbigay ng donation sa amin, " pagbanggit ni Lester." Tungkol saan ba itong organization ninyo? " tanong niya.
" Ang misyon po ng organization every summer is to reach out to out-of- school youth at sa mga kabataang naliligaw ng landas sa buhay, " paliwanag nito. " Kahapon po, 'yong mga kasama kong nag-iikot mga produkto sila ng organization namin, " pagmamalaki pa nito.Natuwa si Claire sa kanyang narinig. "Mabago kaya rito ang pamangkin ko? " tanong niya.
Nagtaka si Lester. " Sino po ang sinasabi ninyo? "
" Ang pamangkin ko. Si Cindy. "
" Ano po bang problema niya? " tanong ng binata." She's a drug user. Nahuli siya sa isang illegal na club at ng kuhanan siya ng drug test, nag positibo siya, " paliwanag niya. Kaya di ko na alam kung paano ko matutulungan ang pamangkin ko upang bumalik siya sa dati na maraming pangarap sa buhay. Sana lang may taong tutulong at makakapagpabago sa kaniya.
BINABASA MO ANG
You Changed Me
RomanceDapat bang ibigin ni Cindy si Lester Cervantes? dahil ang isang tulad niya ay walang direksiyon sa buhay at hindi nababagay sa tulad ng binata na gwapo at higit sa lahat galing sa mayamang angkan.Ngunit sadyang makapangyarihan ang pag-ibig kahit mah...