ALAS-KWATRO EMEDYA pa lang ng umaga ay nasa labas na si Lester upang ito ay mag-jogging kasama ang kanyang golden retriever na si Ronnie. Nag-stretching muna siya dahil mapapalaban na naman sa pagsabay ng pagtakbo sa aso. Nang lumabas sila ng gate, nagsimula ng magtatalon si Ronnie na wari'y sabik na sabik ng tumakbo.
" Easy lang, buddy, " sabi niya. Tinanggal niya ang hook ng leash ng aso. Pero tumakbo ito sa direksiyon papuntang ilog. " Naku! naman! Bakit diyan ka na naman pupunta?! " sigaw niya. " Ronnie, bumalik ka rito! " Ngunit tuloy-tuloy lang ang aso animo'y 'di siya naririnig nito.
Sinundan ni Lester si Ronnie papuntang ilog. Umakyat ito sa bangketa. Nakita niya mula sa malayo na umupo ang aso. Wala siyang salamin kaya hindi makita nang husto ang ginagawa nito. Mayamaya, tumahol si Ronnie. Napatakbo siya ng di oras. Nang makarating sa pwesto ng aso, nakita niya ang isang babae na nakahiga. At sa tsokolateng buhok ng babae, nakilala ito ni Lester na si Cindy kaya dali-dali niyang binuhat ito. Tumakbo siya kasabay ni Ronnie.
" Ronnie 'yong gate, " utos niya.
Itinulak ng aso ang pinto ng gate gamit ang kanyang nguso.
Nang makarating sila ng front door, inabot ni Lester ang handle ng screen door at hinila iyon. Hinarangan ni Ronnie iyon para hindi sumara.Inihiga ni Lester si Cindy sa sofa. Umakyat siya sa kwarto ng magulang niya at kinatok ang mga ito.
" Ano ba 'yon? " tanong ng kanyang ina na si Guada.
" Ma, kailangan ko si Papa, " humahangos na sabi ni niya.
" Bakit nga? " pagtataka ng ina.
" May babae akong nakita sa riverside, walang malay. Nandiyan siya sa 'baba, " sagot niya.Dali-daling ginising ni Guada ang asawang si Kanor.
Bumaba agad ang ama ni Lester na dala-dala ang first-aid kit at iba pang mga gamit. Nang macheck ni Kanor si Cindy ay sinabing ok naman ang dalaga." Amoy alak ang hininga niya at usok ng mga illegal drugs. Marahil sa sobrang lasing o kaya gumamit ng drugs, " suspetsa ng kanyang ama.
" Wala bang dapat gawin, 'Pa? " tanong niya.
Umiling ito. " Don't worry. Ok naman ang kanyang heartbeat at kanyang breathing pace. Wala na dapat ipag-alala. Hindi rin naman siya namumutla. Dalhin mo na lang siya sa guest room para makapagpahinga nang mabuti, " utos nito." Ma, pakitawagan naman ang tita niya. Nandiyan ang calling card sa tray, " pakiusap ni Lester.
" Isa na naman ba iyan sa mga project mo? " natatawang tanong ng kanyang mama.
" Tawagan mo na lang. Claire Santos ang pangalan, " sabi niya.Dinala ni Lester si Cindy sa guest room. Inihiga ang dalaga sa kama at kinumutan. Umupo siya sa gilid nito at tinitigan. Kahit ito ay natutulog, maganda pa rin si Cindy. Nakakatuwa rin ang matingkad nitong tsokolateng buhok. Marahil galing na naman ang dalaga sa isang wild party. Kailangan talagang matulungan niya ito kaysa kung ano pa mangyaring masama sa dalaga.
Hinawi niya ang buhok nito at hinaplos ang mukha.
" Mabuti pa na kapag tulog ka, hindi ka mataray, " aniya.
Mayamaya ay dahan-dahang nagmulat ang kulay kapeng mga mata ni Cindy. Kumunot ang noo nito at tinitigan siya. Biglang tinanggal ni Lester ang kamay sa mukha ng dalaga." Sino ka? " tanong nito, saka tumingin sa paligid.
" At nasaan ako? "
" I'm Lester, " pakilala niya. " Nandito ka sa bahay namin. Kanina kasi nakita ka ni Ronnie na walang malay sa bangketa ng ilog. Dinala ka agad namin sa bahay para macheck ka ng Papa ko, " paliwanag niya." Nasaan si Ronnie? " tanong nito.
Ngumiti si Lester. " Wait, tatawagin ko lang, " sabi niya saka lumabas na ng kwarto.
Sumipol siya.Agad naman na umakyat ang aso.
Hinaplos ni Lester ang ulo ni Ronnie.
" Magpakitang-gilas ka kay Miss Taray, " sabi niya.Pumasok sila ng kanyang aso sa kwarto. Nakita ni Lester na nagulat si Cindy.
" Iyan ba si Ronnie? " tanong nito na tumayo mula sa pagkakahiga at umupo sa gilid ng kama.
Lumapit si Ronnie sa dalaga at hinawakan ni Cindy ang ilalim ng baba ng aso. " Ikaw pala ang hero ko, " sabi nito. " Thank you at ito'y kanyang niyakap.Sumampa ang aso sa kandungan ng dalaga at naitulak pa ang huli pahiga sa kama.
Hinablot ni Lester si Ronnie at ibinaba. " Masyado ka nang friendly, buddy, " sabi niya.
Tumawa si Cindy. " Friendly nga siya. "
Biglang may kumatok sa pinto. Binuksan iyon ni Lester at nakita si Tita Claire. " Goodmorning, Tita, " bati niya.
" Lester, pasensya ka na sa abala, " hinging paumanhin ng babae.
" Okay lang po ' yon. Maiwan ko muna kayo. "
Sumipol siya at agad naman lumapit si Ronnie. " Labas na tayo, " utos nito sa aso.NANG makalabas sina Lester, umupo si Claire sa kama katabi si Cindy.
" Kumusta ka na? " tanong ni Claire.
Nagkibit-balikat lang ang pamangkin .
" Cindy, ano ba'ng nangyayari sa'yo?"
Hindi ko alam at wala ka ng pakialam, sagot nito.
" Is this what you want to do with your life? " tanong niya.
" I don't have a life anymore, " sagot nito.
" It's not too late, anak. "
" I don't know. Can you just please leave? Ayoko munang makita ka at umuwi sa bahay, pabayaan nyo muna ako. I want to be free for a while. "" Ano ba'ng pwede kong gawin para matulungan ka Cindy? "
Wala kang magagawa. Just leave me alone. And please ask that guy kung pwede ba akong mag-stay dito for just few more hours. Kung hindi, I'll just go somewhere else. "
Hindi na nagsalita pa si Claire at lumabas ng kwarto. Bumaba siya at nakita si Lester sa sofa na nanonood ng TV. Nang makita siya Lester ay pinatay agad nito ang TV." Hi, Tita, " bati ni Lester.
Lumapit si Claire kay Lester and he mentioned for her to sit down.
" Kumusta naman po si Cindy? " tanong nito.
" Pwede ba raw muna siyang mag- stay dito just for a few more hours? Ayaw niya pa raw umuwi, " paalam niya.
" Sure, Tita. She can stay here as long as she wants, " sagot ng binata.
" Thank you, " pasasalamat ni Claire. " Sige, uuwi muna ako ikaw na bahala sa kanya, paalam niya.Inihatid siya ng binata sa gate. Bago tuluyang lumabas, nilingon niya ito. " I don't know how to thank you, Lester.
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Lester. " Don't worry about it. Masaya po akong makatulong sa inyo, " sagot nito.GRABE GUYYSS NAPAHABA UPDATE KO PERO SANA SULIT SA INYO SA MATAGAL KONG DI PAG UPDATE...SUPPORT ME AND THANK U
BINABASA MO ANG
You Changed Me
RomanceDapat bang ibigin ni Cindy si Lester Cervantes? dahil ang isang tulad niya ay walang direksiyon sa buhay at hindi nababagay sa tulad ng binata na gwapo at higit sa lahat galing sa mayamang angkan.Ngunit sadyang makapangyarihan ang pag-ibig kahit mah...