NAKARATING sina Stephen at Cindy sa condo unit ni Peter. Hindi ito kalayuan sa subdivision na tinitirhan ni Cindy. Maraming tao.Maingay.Mausok.Magulo. Kabi-kabila ang mga couple na halos hubaran na ang isa't isa.
" Mag-motel na kayo! " kantiyaw ni Stephen nang mapadaan kay Dave at sa kasama nitong babae.
Itinaas ni Dave ang gitnang daliri habang patuloy sa pakikipaghalikan sa babaeng kasama nito." Bago na naman ba 'yon? " tanong ni Cindy.
Nagsawalang-kibo lang si Stephen na binati ng ilan pang bisita na hindi niya kilala.
Pinuntahan nila si Peter sa kwarto nito. Nakita nila ang lalaki na may ka-jamming na dalawang American na lalaki." Stephen, my friend, " bati ni Peter at niyakap si Stephen.
Inabutan agad sila nito ni Stephen ng foil at nagsimula na sila ng kanilang session.Animo lumulutang si Cindy. Hindi niya alintana ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Siya lang at ang mundo. Ngunit bahagyang nagising ang kanyang diwa nang may maramdaman siya sa kanyang batok. Nang sulyapan niya ito ay nakitang niyang hinahalikan siya ng American na sobrang gigil na gigil sa kanya.
" No, " tanggi niya.
Pero hindi siya tinigilan nito at patuloy parin siyang hinahalikan sa tainga papunta sa kanyang leeg.Itinulak uli niya ang American. " I said no, " matigas na saad niya at hinanap si Stephen sa kwarto. Wala ito at hindi nya makita khit anong hanap niya.
" Come on, baby. Just one, " sabi ng American. Pinipilit parin siya nito na kahit ayaw n'ya.
" I said no. I'm with someone, " aniya.
" No, you're not. "
" Yes I am. "
Tumayo si Cindy at lumabas ng kwarto.
Hinanap niya si Stepthen. Nagulat siya nang makita ito na nakikipaghalikan sa isang babaeng blonde ang buhok." Stephen, " tawag niya.
Tumigil si Stephen at tiningnan siya na bahagyang nagulat. " Ano? " tanong nito.
" Anong ano? Ano 'yan? " sita niya.
Napabuntong-hininga si Stephen at kinamot ang ulo.
So what, Cindy? May kasama ka ngang Kano do'n, eh. "
" Anong Kano? Iniwan mo nga 'ko do'n. Paano kung may biglang may mangyari sa akin aber tapos wala ka? Sige nga ano gagawin mo di nga kita makita tapos ganito pa makikita ko sa'yo." Malaki kana. Ano'ng palagay mo sa akin, babysitter mo? "
" Ano ba yan?! May girlfriend ka na pala, " sabi ng babae at itinulak palayo si Stephen. Ibinutones nito ang blouse at umalis.
" Kita mo ang ginawa mo, " paninisi ni Stephen.
" Hindi ka nahihiya sa akin? " tanong ni Cindy.
Napataas ang isang kilay ng binata.
" Bakit ako mahihiya? " Tumayo ito sa sofa at pumunta sa kusina.
Sinundan niya ito. " Ano ba ako sa'yo? tanong niya.Kumuha si Stephen ng isang lata ng beer mula sa refrigerator at muli siyang hinarap. " Hindi kita girlfriend Cindy, kaya 'wag kang umasta na ako eh! pag-aari mo. Best buddy, pwede pa siguro, " sabi nito.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Cindy. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya kay Stephen.
Tama naman si Stephen, wala silang mutual agreement na exclusive sila. Ni hindi nga sila lovers.Isang lalaki ang dumaan na may dala-dalang mataas na baso ng beer. Kinuha iyon ni Cindy mula sa lalaki at ibinuhos niya sa ulo ni Stephen.
Nagmura si Stephen. " Ano ba'ng problema mo Cindy? Huwag kang mag-inarte diyan na para kitang girlfriend. Just because we're having sex doesn't mean girlfriend na kita! " assuming ka pala eh! sigaw nito.
Napatingin bigla sa kanila ang mga tao sa paligid.
Sinampal ni Cindy si Stephen at tumakbo palabas sa condo unit. She never felt that embarrassed in her whole life. Sobrang sakit at gusto na niyang lamunin na lang siya ng lupa.Habang naglalakad, napaisip siya bigla. Ano ba ang ginawa niya sa buhay niya? Bakit ba niya ibinigay ang kanyang sarili sa isang lalaking hindi naman niya lubusang kilala at higit sa lahat hindi naman niya mahal?
Naiinis siya sa sarili. Ang tanga tanga niya. Bakit isang walang kwentang lalaki ang nakakuha sa kanya? Inakala niya noon na kaya hindi siya basta mapakawalan ni Stephen dahil alam nito na ito lang ang lalaking nakasama niya. Pero ngayon ano na ang nangyari?Hindi na alam ni Cindy ang gagawin. Wala na siyang hope. Walang nagmamahal sa kanya. Para saan pa at nabubuhay siya? Bakit ba ganito ang buhay niya? Sana hindi na lang siya nabuhay para hindi nararanasan ang hirap at sakit ng kanyang nararamdaman.
Hindi namalayan ni Cindy na nasa tapat na pala siya ng subdivision nila. Pumasok siya ngunit nilagpasan niya ang bahay nila.
Tiningnan niya ang oras sa kanyang relo.
Pasado alas-nueve pa lang ng gabi. Dumeretso siya sa pinakadulo ng subdivision na nasa tabing-ilog. Umupo siya doon sa bangketa, saka humagulgol ng iyak.Hindi niya alam kung bakit ba siya umiiyak. Naghalo-halo na ang lahat ng emosyon sa kanya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Lahat ng kamalasan ay napunta sa kanya. Nagkapatong-patong ang galit at lungkot. Galit siya sa mundo. Galit siya sa kanyang ina na pinabayaan siya; sa ama na hindi siya kinilala; sa mga kaanak na hindi siya minahal; at higit sa lahat, sa paggamit at pananamantala ni Stephen sa kahinaan niya. Napaniwala siya nito na mahalaga siya sa binata. Bakit kailangang maging ganito kamiserable ang buhay niya? Gulong-gulo na ang isipan niya. Sana kung maibabalik niya lang ang dati 'di sana naging maayos ang lahat sa kanya.May mangyayari pa 'bang maganda sa kanya gusto na niyang tapusin ang lahat....
BINABASA MO ANG
You Changed Me
RomanceDapat bang ibigin ni Cindy si Lester Cervantes? dahil ang isang tulad niya ay walang direksiyon sa buhay at hindi nababagay sa tulad ng binata na gwapo at higit sa lahat galing sa mayamang angkan.Ngunit sadyang makapangyarihan ang pag-ibig kahit mah...