1

229 38 18
                                    

I

Ilang oras na s'yang nagpapractice sa pagbabaril gamit ang mga bagong gawang baril ng kanilang kumpanya.

Sa kanya dumadaan ang mga ito bago ilabas sa market, kumbaga s'ya na ang naka-assign sa quality control ng mga ito. Minsan naman ay sa kaniya naka-assign paga-assemble ng mga ito.

Nang hawakan n'ya ang isang caliber 45 na baril na nakalapag sa kaniyang harapan ay sakto o akmang-akma ito sa kamay n'ya, mabilis na itinutok n'ya ito sa target. Sunod-sunod na putok ang umalingaw-ngaw sa firing range hanggang ubusin na nito ang bala sa magasin.

Siya si Minari De Llano, kilala na abogado de campanilla at mas kilala s'ya bilang isang husler na marksman ng pamilyang De Llano. Nakapagtapos ng abogasya sa unibersidad ng De Lasalle, top 1 sa bar exam. Walang kaibigan ang dalaga maliban na lamang sa mga matataas na kalibre ng baril na lagi n'yang hawak-hawak at palaging pinupunasan para di kalawangin. Simula ng makapasa ito ay marami agad itong naging kliyente, at sa maikling panahon ay marami na rin itong naipanalo na kaso. Laman na nang balita ang pangalan nito, animo'y asukal si Minari at palagi itong dinudumog ng mga kliyente at kadalasan sa mga ito ay high profile na mga kriminal.

Naipapanalo ni Mina ang mga kasong 'yun, wala s'yang pakialam sa krimen na mga nagawa ng mga ito dahil para sa kanya, ginagawa lang nya ang trabaho n'ya.

S'ya ang nag-iisang anak na babae ng mag-asawang Jordan at Melinda De Llano. Kilala ang pamilyang ito bilang isa sa mga kinatatakutan na pamilya sa lugar ng Santa Elena. Walang sinuman ang kumakalaban sa mga ito kahit na ang mga pulitiko sa bayang iyon ay takot sa mga De Llano.

At ngayon, kakarating pa lamang ni Mina sa kanilang bahay, nasa pintuan pa lamang s'ya ay rinig na n'ya ang mga tawanan ng mga tao sa loob ng kanilang bahay.

Pagpasok n'ya sa loob ay bumungad sa kanya na nagkakasiyahan ang kaniyang mama at papa, kasama ang mga bisita nito.

Tahimik na naglakad si Mina papunta sa kinaroroonan ng magulang at ng mga bisita nito.

Isa sa mga bisita ang nakapansin sa presensya ni Mina.

"Balae, andito na pala ang iyong abogadong anak," anang matandang lalaki, may kalakihan ang tyan nito dahil sa malabis na kakainom ng alak. Kasama nito ang may katandaan na ginang, nakangiti man ito sa kaniya ay alam niyang pagpapakitang tao lang ang pakikiharap nito sa kanilang pamilya.

Kapwa maputi na rin ang buhok ng mga ito at mukhang wala silang balak na magpatina o magpakulay ng itim. Nakasuot man nang mamahaling damit at alahas ang mga ito ay siguro si Mina na galing ang mga iyon sa katiwalian.

Pero wala naman siyang pakialam kung saan galing ang kayamanan ng mga ito, lahat naman ng kilala niyang mayayaman eh may mga katiwalian na ginagawa, at alam niyang gan'un din ang pamilya niya.

Sa totoo lang sa lahat ng kaibigan ng kanilang pamilya ay sa mga bisita ngayon ng kaniyang magulang mabigat ang dugo ni Mina. Kaya naman silent treatment na lang ang ginagawa niya sa tuwing madadatnan niya ang mga ito sa kanilang pamamahay katulad ngayon.

Walang imik na nagmano si Mina sa apat na matanda na nagkakasiyahan.

"Hija, andito ka na pala, dumalaw sila balae para pag-usapan ang nalalapit n'yong kasal ng anak nilang si Joselito," masayang saad ng ama ng dalaga.

Napangiti si Mina at...

"I really want to get married but wag n'yo po sana mamasamain kung hindi si Joselito ang tipo ng lalaki na gusto kong pakasalan, pasensya na po Señor Emilio," nakangiti at kalmadong saad ni Mina sa ama ni Joselito.

At ito ang totoo niyang ugali ang pagiging pranka, wala nang paligoy-ligoy pa, kapag ayaw niya eh ayaw niya.

Katahimikan ang namayani sa apat na matanda, napahiya ang mga ito.

DelinquenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon