10

121 13 0
                                    



Pabiling-biling sa higaan si Mina, maaga naman siyang nagising ngunit Wala pa siyang ganang bumangon, hindi mawala-wala sa kaniyang isipan ang pangyayaring iyon na kaniyang nasaksihan nang malapitan.

Nang araw na iyon ay muntik na siyang madala ng sariling damdamin, kokomprontahin sana niya ang isa sa mga gwardiya sibil na siyang bumaril sa batang babae ngunit bago 'yon mangyari ay agad na hinala na siya ni Manang Helena palayo sa lugar na iyon.

Pinagalitan siya nito dahil sa padalos-dalos na pagkilos niya, muntik na daw niyang ipahamak ang kaniyang sarili at ang kanilang pamilya.

Noong mga oras na iyon ay halos mapuno nang galit ang kaniyang puso, sa hindi malamang dahilan ay hindi niya inaasahan na magiging gan'on ang magiging reaksyon ng kaniyang buong katawan at damdamin. Bukod pa roon ay bumalik sa alaala niya ang lahat nang nangyari bago siya mapunta sa lugar at panahon na ito.

Sa panahon niya,  kahit na ano pang drama, trahedya, patayan na masaksihan niya ay wala lang ito sa kaniya. Bukod sa bansag na 'berdugo ng Law Firm' nila ay kilala din siya sa pagkakaroon nang pusong bato at matigas na damdamin, hindi uubra sa kaniya ang mga pa-guilty effect ng mga biktima ng kaniyang mga naging kliyente. 

Kaya ang malabis na ipinagtataka niya ngayon sa kaniyang sarili ay mabilis nang lumambot ang kaniyang puso tulad sa senaryo na nasaksihan niya noong nakaraang araw.

Habang nakatingin sa kisame ng kaniyang kwarto ay hindi nito naiwasan na kausapin ang sarili.

"Don't tell me, tinutubuan ka na ng konsensya, Attorney Minari De Llano?" Tanong nito sa sarili.

Agad na sinuri ni Mina ang sarili para masagot ang sarili niyang katanungan.

Inis na napapikit ito dahil tama nga ang kaniyang hinala sa sarili. Ilang beses na niyang napapansin nitong mga nakaraang araw parang may nagbago sa kaniya, ang isa napansin niyang pagbabago ay ang pagiging madaldal niya hindi siya ganito dati. Pangalawa, pagiging pala-ngiti, magalang, masayahin, at higit sa lahat nagiging maawain na siya.

"Damn it, Minari! May character development ba na nangyayari sa 'yo?" Inis na tanong nito sa sarili.

"Never mind, tsch!" Agad na kinapa ni Mina ang cellphone sa ilalim ng unan.

Nang makuha ito ay agad na in-on niya ito at pansamantalang tiningnan ang mga litrato na pasimpleng kinunan niya nitong nakaraang araw. Napatigil siya sa pag-scroll nang makita ang sariling larawan na nakasuot nang maganda at magarang baro at saya. Natutuwang pinagmasdan niya ang sarili, kinunan niya ang larawan na iyon noong nakaharap siya sa kaniyang malaking salamin. Pansin din niya na maging ang mga suot niyang alahas noong nakaraang araw ay masasabi niyang maganda ang kalidad dahil ibang-iba ang disenyo nito sa mga alahas na nakikita niya sa mga sikat na brand ng mga alahas sa panahon niya.

Naantala ang pagcecellphone ni Mina nang biglang pumasok si Manang Helena sa kaniyang kwarto, hindi ito magkandatuto sa pag-off at pagtago ng cellphone na nasa kamay.

"Magandang umaga po, Señorita." Bati nito kay Mina.

Nabalikwas siya sa pagkakahiga at isang napipilitang ngiti ang sumungaw sa labi ni Mina nang makita nito ang pagkunot ng noo ni Manang Helena.

"M-Magandang umaga din po," ganting bati din dito ni Mina ngunit hindi nito naitago ang kaba sa kaniyang tinig.

Naitago agad nito sa ilalim ng kumot ang cellphone, at in-off na ito bago pa mag-alarm.

"May problema po ba, Señorita?" Nag-aalalang tanong ni Manang Helena sa kaniya.

Mabilis na umiling si Mina at tumayo na ito mula sa kinahihigaan, nag-inat-inat ito ng mga braso para i-handa ang sarili sa maghapong pag-aaral. 

DelinquenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon