2

214 35 22
                                    

ii

Bihis na bihis si Minari nang harangin s'ya ng kan'yang magulang.

"At saan ka na naman pupunta?" Tanong ng kaniyang ama.

"Not now Papa, my colleagues are waiting for me." Ani Mina habang nagsusuot ng black coat.

Hawak na nito ang susi ng kotse at agad na nilampasan nito ang kanyang ama.

"Minari!" Sigaw nito.

"Papa, pag-uwi ko na lang po ang sermon mo." sabay halik sa pisngi ng mga magulang, pagkatapos ay tumakbo na ito papuntang garage. Mabilis na sumakay ng kotse at pinaandar na ito, ipinagbukas s'ya ng gate ng mga tauhan nila.

Hinatid na lang s'ya nang tingin ng kan'yang mga magulang hanggang sa mawala sa paningin ng mga ito ang kan'yang sasakyan.

Halos kalahating oras lang ang naging byahe n'ya at sa wakas ay narating din n'ya ang isang sikat na restaurant kung saan sila magcecelebrate ng panalo n'ya sa kaso. Ipinarada n'ya lang ang kotse sa parking area.

Pagpasok pa lang ni Mina sa loob ay sinalubong na s'ya ng confetti at nagsisigawan na mga katrabaho.

"Eyyy andito na pala ang berdugo ng Law Firm natin!" Masayang saad ni Atty. Jimenez, ang COO ng Law Firm na pinagtatrabahuhan ni Mina.

Nakangiti lang si Mina habang masaya na binabati ng kan'yang mga kapwa abogado.

Lahat ng abogado ng kumpanya ay naroom para maki-celebrate.

Hindi kasi kung sino lang ang kliyente ni Mina, si Mr. Hernandez ay kanang kamay ng pangulo at senador din. Kaya mas magiging mabango ang Law Firm nila sa mga pulitiko dahil sa kaso nito na kanilang naipanalo.

Naki-umpok si Mina sa isang table kung saan naka-upo ang mga kaibigan n'yang abogado.

"Bes! Congrats!" Masayang salubong sa kaniya ni Kath.

Binati din s'ya nina Bernard, Ella, at Austin.

Hinahayaan lang ni Mina na tawagin s'ya ng mga ito na 'Bes' dahil wala naman sa kan'yang meaning ang gan'ong klase nang tawagan. Close lang s'ya sa mga ito dahil sa trabaho, kilala at alam n'ya kung gaano kalinis ang mga ito magtrabaho plus she need them for her connection.

"Grabe ka Mina, naipanalo mo pa rin 'yung gan'ong klase ng kaso? Jusme, kung ako yun baka--" 'Di na lang itinuloy ni Ella ang sasabihin dahil baka 'di magustuhan ni Mina ang sasabihin n'ya.

"It's ok Ella." Agap ni Mina, alam n'ya na mahina ang katrabaho kapag mga gan'ong klase ng kaso ang usapan.

Natigil ang kanilang pag-uusap dahil sa kanilang Boss.

Isang batingting sa baso ang kumuha ng atensyon sa lahat ng tao na nasa loob ng restaurant.

"Bottoms up, for Atty. De Llano's victory! And for the victory of our Law Firm!" Sabay-sabay na itinaas nila ang wine glass at ininom ang laman ng mga iyon.

Tuwang-tuwa ang mga big boss nila kay Mina kaya . . .

Pumunta ang isang lalaki na posturang-postura sa gitna, nagpakilala ito bilang may-ari ng restaurant at may ipinakita ito na isang bote ng wine na walang label kung anong brand.

Nakipagkamay pa ang CEO nina Mina sa lalaking 'yun, at tinawag pa nito ito na amigo.

"Ehem! Good evening po sa lahat, this is a century old wine. And this luxurious wine cost 1.2 Million Dollars, I know lahat po kayo ay deserving na makatikim nito dahil lahat kayo ay mga hard working people." Nakangiting saad ng owner kaya nagsigawan ang mga katrabaho ni Mina dahil finally makakatikim na din sila ng de-kalidad na wine.

DelinquenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon