22

122 9 4
                                    

Pasensya na kung ngayon lang ako nakapag-update ulit. Marami lang ako inasikaso pero bilang pambawi ay hinabaan ko ang chapter na ito. Kaya enjoy reading 🥰.

Trigger Warning:

Ang ilan sa mga eksena ay naglalaman ng ilang karumaldumal na senaryo. Kaya ngayon pa lang pinapapaalalahanan ko na kayo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

SA loob ng opisina ay tahimik na nakaupo si Padre Mauro sa kaniyang silya, marami siyang binabasang mga liham mula sa mga indio at alipin tungkol sa mga pang-aapi na nararanasan ng mga ito sa mga encomiendero o mga sundalong kastila. Ang mga encomendero ay mga conquistador na tumulong sa pagpapalaganap ng kolonyalismo at katolisismo sa mga lupain na kanilang nasakop at bilang ganti sa kanilang kagitingan ay binigyan ang mga ito ng karapatan na pamahalaan ng Espanya na mamahala sa mga lupain na iniregalo sa mga ito.

Ang mga panginoong may lupa o encomendero ang binigyang karapatan na maningil ng buwis sa kaniyang nasasakupan. Ang tungkulin nila ay protektahan ang mga alipin at indio na nakatira sa kanilang nasasakupan ngunit kabaligtaran ang nangyayari.

Imbes na sila ang magprotekta sa mga katutubo na naging alipin sa ilalim ng kanilang pamamahala ay sila rin mismo ang nangunguna sa pagpapahirap sa mga ito sa pamamagitan ng pagtatakda ng kung anong klaseng kabayaran ang kanilang nais na siyang magiging katumbas ng buwis na kanilang hinihingi. Halimbawa sa mga ito ay kung hindi makakabayad ng falla na katumbas ng walong reales o walong piso para sa isang taon ay pagtatrabahuhin ng walang bayad o sapilitang paggawa (polo y servicio) ang mga kalalakihan na may edad disi-sais hanggang sisenta upang makabayad ang mga ito sa encomendero. At ang mga walang kakayahan naman ay tinatakdaan ng buwis na katulad ng mga inaning prutas, gulay, o kahit anong tanim na nakatanim sa kanilang lupain.

Maraming liham ang nagkakapatong-patong sa mesa ni Padre Mauro, ngunit kahit kailan ay hindi niya kinayamutan ang pagbabasa ng mga hinaing ng mga taong humihingi ng tulong sa katulad niyang alagad ng simbahan. Kaniyang isinululat sa isang cuaderno ang mga pang-aabuso ng mga panginoong may lupa sa mga alipin at indio rito sa Santa Elena.

Ang mga pangalan ng mga taong nababanggit sa sulat ay pamilyar sa kaniya dahil ito'y mga kilalang tao na palagi niyang nakakasalamuha sa mga piging at kasiyahan. Napapailing na lang siya dahil kung anong giliw at galang ng mga ito sa kaniyang harapan ay siya namang bangis ng mga ito sa mga pobre.

Kaya niya isinusulat ang mga pang-aabuso ng mga panginoong may lupa ay dahil nais niyang gumawa ng petisyon na ipatanggal ang sistemang encomienda na nagpapahirap sa mga alipin at indio. Siya at ang iba pa na katulad niya ay lihim na gumagawa nang paraan upang ipaalam sa Espanya ang ginagawang ito ng mga taong itinakda nila sa posisyon.

Kahit sa ganitong paraan ay makatulong siya sa mga taong humihingi sa kaniya nang tulong.

Bukas ang bintana sa kaniyang bandang likuran kaya naman malinaw niyang nababasa ang bawat liham. Sa edad niyang sinkuwenta ay hindi niya maipagkakaila na medyo malabo na ang kaniyang mga mata kaya nagpapasalamat siya sa liwanag na nagmumula bintana dahil tumutulong ito upang siya ay makabasa.

Ang mga liham na kaniyang binabasa ay totoong mula sa indio at alipin pero dahil wala naman kakayahan ang mga ito na magbasa at magsulat ay ipinasulat niya sa taong kaniyang pinagkakatiwalaan ang mga hinaing ng mga ito.

Nasa kalagitnaan siya nang pagbabasa ng biglang umihip ang malakas na hangin papasok sa loob ng kaniyang opisina. Tinangay ng hangin ang mga liham na nakalapag sa kaniyang lamesa at nagkalat ito sa sahig.

Dali-daling tumayo si Padre Mauro at sa pagmamadali ay natabig nito ang mga libro na maayos na nakasalansan sa bandang kanan ng kaniyang lamesa, hindi niya pinansin ang mga librong iyon dahil mas importante ang mga sulat na tinangay ng hangin. Naghalo na ang mga liham na kaniyang nabasa na at hindi pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DelinquenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon