Prologue

328 38 20
                                    

Hello po, gusto ko pong malaman nyo na first time ko magsulat ng historical type ng story. And first time ko din magsulat ng mga arguments ng mga abogado at hukom. Kung may mga mali man ako pasensya na po, you guys can correct me, open naman po ako sa mga auto corrections nyo. Salamat po sa pang-unawa. Lab you all!

~~~~~~

Korte

Tumayo ang lahat ng dumating ang hukom, at sabay-sabay na umupo ang lahat ng ihampas na nito ang martilyong kahoy sa kwadradong solidong kahoy.

Unang interogasyon sa nasasakdal.

Nanumpa ito ng katapatan na sasabihin ang katotohanan at pawang katotohanan lamang sa loob ng korte.

Naupo ang nasasakdal at una ito na tinanong ng sariling abogado.

"Ginoong Quentino Obrigar, kilala n'yo po ba si Binibining Sonya Dimasupil?"

"Opo, s'ya po ay aking asawa," sagot ng nasasakdal.

"Saan mo s'ya nakilala at paano kayo naging mag-asawa?"

"S'ya po ay ipinakilala sa akin ng aking Lolo noong mga bata kami, ako noon ay dalawapung taong gulang pa lamang at s'ya naman ay sampung taong gulang noong mga panahon na yun. Kami ay pinagkasundo ng aming mga Lolo kaya kami naging mag-asawa," mahinahon na saad nito.

Napatango-tango ang abogado nito.

Samantalang ang abogado ng biktima ay si Binibining Ilya/ Felomina o mas kilala na Cassandra Emilla Felomina Estevez. May kung anong hinahanap ito sa kanyang mga papel na nasa ibabaw ng kanyang lamesa ngunit nakikinig s'ya sa interogasyon.

"Kung gano'n noong Agosto disenueve, isang libo syam na daan pitompu't anim, araw ng Linggo, anong okasyon meron sa inyo, Ginoong Obrigar-?" kusang ibinitin ng abogado ang kanyang tanong dahil nais nitong ang nasasakdal ang sumagot.

"Araw po iyon ng aming kasal," maikling tugon ng nasasakdal.

Muling napatango-tango ang abogado.

"Bakit nasaktan mo iyong asawa?" direktang tanong nito.

Napaangat ng tingin ng nasasakdal sa abogadong kaharap. Nagbago ang eskpresyon nito na tila may naalalang tao na labis na kinamumuhian.

"Sapagkat iniiputan n'ya ako sa tuktok ang aking ulo, s'ya'y nakikipagkita pa rin sa kanyang kalaguyo! Pini-pendejo n'ya ako!" galit na saad nito.

"Sino ang kalaguyo ng iyong asawa? Kilala mo ba s'ya?"

"Si Diego Asuncion po!" anang nasasakdal.

Si Diego Asuncion ay isang magsasaka sa lupain ng mga Estevez.

"Paano mo nasabing si Diego Asuncion nga ang kalaguyo ng iyong asawa?"

"Nahuli ko minsan silang dalawa sa plaza, nagtatawanan at malagkit ang kanilang mga tingin nila sa isa't isa, may mga lihim na liham din akong natagpuan na nakatago sa likod ng aming bahay," pagsisiwalat ng nasasakdal.

"Dala-dala mo ba ang mga liham na sinasabi mo?"

Kinuha ni Ginoong Quentino ang mga liham mula sa bulsa ng kanyang suot na pantalon at ibinigay ito sa abogado.

Binuksan ng abogado ang mga liham at binasa nito ang mga ito.

Napakalakas na nitong ebidensya sapagkat naroroon ang mga pangalan nina Diego at Sonya.

DelinquenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon