3

191 30 15
                                    

iii

"Lutyano (Luciano)! Ako sabi sa'yo, pakakising (pagkagising) ng dalagang 'yan, ikaw bayad sa doktol! Matyado ka abala sa negosyo ko, ikaw wak takbo ha! Ikaw matyado balasubas!" Anang intsik na si Mao.

Isa itong purong intsik na mula sa bansang Tsina na napapad sa lugar ng Santa Elena para magtayo ng negosyo nitong kainan. Magda-dalawapung taon na itong nakikihalubilo sa mga tao ng Santa Elena pero hindi pa rin maituwid-tuwid nito ang pagsasalita ng Tagalog. Nasanay na lang ang mga tao sa kung paano ito magsalita dahil kahit papaano ay naiintindihan naman nila ang sinasabi nito.

Kahit may katandaan na si Mao sa edad nitong quarenta y cinco ay mabilis pa rin ito kumilos at matikas pa rin ang pangangatawan nito, mabait naman ito 'yun nga lang pagdating sa pera ay 'di mo ito maiisahan, malakas ang pandinig nito lalo na sa taginting ng salapi. Sa sobrang kakuriputan nito ay puro lugaw na lang kinakain nito umaga, tanghali, at gabi. Hindi na ito nagkaroon ng asawa dahil sa ginugol na nito ang buong buhay sa pagpapayaman. Mayroon na ito ngayon sariling lupain sa Santa Elena, at ilan mga negosyo katulad ng babuyan, manukan, at mga pampalasa sa pagkain na binibili dito ng mga kilalang pamilya.

"Mao naman ikaw na muna magbayad, wala pa akong kinikita ngayong araw eh, at saka mukhang mayaman naman itong Binibini. S'ya na lang ang magbabayad sa'yo kapag nagising 'yan." Pakiusap ni Luciano sa intsik.

Namilog ang mga singkit nitong mga mata at nagsimula na naman itong magpaulan ng mga putol-putol na mga salita.
"Hoy! Ako hindi yaman, ilang alaw (araw) na 'yan tulok-tulok dito. Dapat d'yan kising (gising) na, para 'di na balik-balik doktol dito. Ako na bayad n'ung una, tapos ngayon ako bayad pa din? Ano kayo swelte? Eh kung punta ako gwardya sibil? Ipadampot ko 'yan? Ikaw Lutyano, matyado ka abusado, ako hindi na bayad doktol!" galit na saad ng matapobreng intsik.

"Sige na Mao, babayaran kita, may interes pa," isang alanganin na ngiti ang sumungaw sa mga labi ng binata.

Bahagyang natigilan ang intsik at tinitigan nito si Luciano. Kapag pera at lalo na interes ang usapan ay nagbabago ang ihip ng hangin dito. Ngunit kung si Luciano ang magsasabi nito ay...

"Ako di na tiwala sa'yo, haba na listahan iyo utang, di ka bayad, inteles pa kaya? Iyo lipat na ibang bahay babae mo," pinal na saad ng intsik.

Palabas na ito ng kwarto ng bigla itong hinarangan ni Luciano.

"Makinig ka muna sa akin Mao, hindi basta-basta ang Binibining 'yan, tingnan mo hindi ordinaryo ang kanyang pananamit, at ito-" agad na kinuha ni Luciano ang sandalyas na suot ng dalaga at ipinakita ito sa intsik.

"-hindi ba kakaiba ang kanyang kasuotang pangyapak? Nasisiguro ko na ngayon ka pa lang din nakakita ng ganitong klase ng sandalyas?" Dagdag pa ni Luciano.

Hawak nito ang highheels na suot ng binibini na tulog na tulog pa din hanggang ngayon.

Kinuha ng intsik ang hawak na sandalyas ni Luciano at pinasadahan ito ng tingin, kinikilatis ang bawat disenyo nito.

"Hindi ba't isa kang mangangalakal? Malamang sa malamang eh ngayon ka pa lang nakakita ng ganyang klase ng kasuotang pangyapak ng mga babae," pagmamalaki ni Luciano.

Pagkatapos kilatisin ay agad na iniabot nito ang sandalyas kay Luciano.

"Sampu polsyentong inteles, ikaw wag na apela," galit na saad ng intsik.

Gusto sanang umangal ni Luciano, pero dahil pumayag na ang intsik na magbayad sa doktor ay pumayag na din sya.

Agad na tumabi si Luciano sa daraanan nito. Nang makalabas na ang mukhang pera na intsik ay agad na isinara ni Luciano ang pinto. Ibinalik nito ang kapares na pangyapak at inayos ito sa ibaba ng higaan.

DelinquenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon