4

151 27 7
                                    

iv

Gulat ang unang rumehistro sa mukha ng binata nang malaman na s'ya mismo ang ipapakulong ng dilag na sasamahan n'ya papunta sa tanggapan ng gwardya sibil.

"Teka sandali, binibini, hayaan mo muna akong magpaliwanag, hindi ko sinasadya ang nangyari kanina," paliwanag ng binata.

"Hindi mo sinasadya na mapatitig nang malapitan sa mukha ko, Ginoo?" sarkastikong saad ng dilag.

Ni hindi nito nilingon ang binatang katabi, nakatuon ang buong atensyon ng dilag sa mga nakikita nitong mga kabahayan sa bawat nadaraanan ng karawahe. Mga sinaunang bahay na katulad ng bahay ni Rizal sa Calamba, Laguna ang nakikita ng dilag.

Parang may hinahanap itong kung ano sa mga nadadaanan. Bumabagal ang takbo ng karawahe kapag nadadaan sa mga lubak-lubak na daan, masyadong maalog din sa loob ng karawahe. Ngunit hindi iyon alintana ng dalawa.

Dinadala ng hangin ang nakalugay na buhok ng dilag, dahilan para kahit ang mahalimuyak na pabango nito na natuyo sa damit at balat nito ay tinatangay din ng hangin papasok sa loob ng karawahe. 

Halos punuin ng mahalimuyak na pabango na yun ang loob ng karawahe, hindi na nakapag-isip pa ng matino ang binata. Wala na din itong mairarason pa dahil kahit hindi man sinasadya na mahalikan nito ang dilag ay kasalanan naman nito kung bakit nangyari 'yun.

"Oo na sige na, panalo ka na Binibini. Yaman din lamang na ako'y iyong ipapakulong. Siguro ito na ang tamang oras para ikaw ay aking singilin," mahinang saad ng binata.

"Magkano?" maikling tugon ng dilag, nakatingin pa rin ito sa labas.

"Hindi salapi ang aking nais na kabayaran, Binibini," mabilis na tugon ng binata.

Kahit sa labas ng karawahe nakatuon ang atensyon ng dilag ay napakunot ang noo nito dahil sa tinuran ng kasamang binata.

"Kung hindi salapi ang iyong nais na kabayaran? Eh ano ba ang iyong totoong nais?" nakatuon pa din ang atensyon nito sa labas ng karawahe.

"Nais kong pakasalan mo ako, Binibini," dire-diretsong saad ng binata.

Mabilis pa sa alas-kwatro na napapihit nang tingin ang dilag sa binata.

Isang malawak na ngiti at isang nanghahamon na tingin ng binata ang sumalubong sa dilag.

Naka-dekwatro ang upo ng binata at hindi naman natinag ng malubak na daan ang postura nito sa pagkaka-upo.

Pinasadahan ng tingin ng dilag ang binata mula ulo hanggang paa at pabalik mula paa hanggang sa muling magtama ang kanilang mga mata.

Pasimpleng inayos ng dilag ang buhok na patuloy na tinatangay ng hangin at pilit na tumatakip sa mukha nito.

Isang nakakalokong ngiti ang namutawi sa mga labi ng dilag.

At sa isang iglap may nakatutok na bakal sa noo ng binata dahilan para takasan ng kulay ang mukha nito (namutla). Nawala ang ngiti at mapanghamon na tingin nito sa dilag.

"Kasal? Baka mauna pa kabaong mo na ipasok sa loob ng simbahan, Ginoo," mahinang saad ng dilag, at nanatili ang ngisi na yun sa mga labi nito.

Lihim na napalunok ang binata dahil dama nya ang lamig ng bakal na nakadikit sa kanyang noo.

"Siguro naman may ideya ka na kung ano ang nakatutok sa bungo mo ngayon? Nais kong mamili ka, bala ng baril ko o ang halaga ng salapi na aking dapat na babayaran?" seryosong saad ng dilag.

Napatikim ang binata at–

"Sampung libo syam na daan walumpu't anim," mabilis na tugon ng binata.

DelinquenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon