CHAPTER 48

105 2 0
                                    

Lester POV

kanina ko pa pinagmamasdan ang gwapo kong mukha sa harap ng salamin, bat kaya ang gwapo ko nu?

ayos ayos ng buhok,

tingin tingin ng mukha sa kaliwa at kanan,

walang kupas talaga.

ang gwapo ko

naistorbo ang pakikipagpuri ko sa sarili kong kagwapuhan ng tumunog ang cellphone ko

*Master Calling...*

sinagot ko ito agad,

mahirap na baka malintikan pa ulit.

kakagaling palang tong mga pasa ko sa mukha ehh

hanip talagang krist yon,

girl version siya ni dhon

"(overnight sa bahay ni krist, may mga bisita)"

*toot...*

*toot....*

langya talaga nito si master di pa pinagsalita

humarap ako dun sa mga mukong na mga kasama ko ngayon dito sa hide out kasam na din pala namin ang forterra total iisa lang ang prinoprotektahan namin.

at ngayon ko lang din nalaman na ang amazona kong kapated ay kasali sa organisasyong ito.

hanip din eh nu?


"overnight daw tayo sa bahay ni krist, may ieliminate tayo" nakangiting balita ko sakanila

parang wala silang narinig ahh,

"hoy! narinig nyo ba ako" sigaw ko sakanila


tumingin lang sila saglit saka pinagpatuloy ang ginagawa nila

mga tarantadong mga to!


"tanga ka ba o nagtatanga tangahan lang? o sadyang tanga kana talaga!? malamang kahit hindi mo na sabihin alam na namin, iloudspeaker mo ba naman" tong shai na to, napakakuntrabida!

teka nailoudspeaker ko nga ba?

ano ba yan! napakamot nalang ako ng ulo

hanip din sa pagsabi niya ng tanga nu,

bunganga talaga nito.

buti nalang gwapo ako.


KRIST POV


pagapak na pagapak ko palang sa pamamahay ko tumaas na agad ang kilay ko sa naabotan ko.

walang hiya ang mga ito! anong akala nila sa pamamahay ko playground! at ang ikinakulo ng dugo ko ay ang napakadaming kalat ng junkfoods sa sahig ginawang basurahan ang pamamahay ko.

nakita kong naghahabulan sina bryan, braine at lester nahagilap ng mga mata ko ang vase na nasagilid ko at dali dali ko itong ibinato sakanila


*bbbooooggggsssshhh*

"whaa--" bryan

"whoa--" braine

"shit!" lester

sabay sabay silang lahat tumingin saakin

"mga walang hiya kayo!!" sigaw ko sakanila at parang natuod na sila sa kinatatayuan nila

"anong tinutunga-tunganga niyo jan? linisan niyo yang kalat niyo!" agad naman silang kumilos

"mga litching mga to! ginawa nyo na ngang playground ang pamamahay ko nagkalat pa kayo! ano tingin nyo sa pamamahay ko basurahan!! bakit ba andito kayo!?"


"overnight daw sabi dhon" simpling sagot ni kurt na nagaayos din ng pinagkainan nila

aba't iyong idiot na iyon.

bahay niya to, bahay niya!

bwisit!

kaimbyerna!

kesa uminit pa ang ulo ko tinahak ko nalang ang daan papuntang kwarto ko,

pagdating ko sa room ko agad akong pumunta ng banyo at nagshower., nagbihis saka bumaba na..

dinaanan ko lang sila sa sala na naglalaru ng Scrabble at braha.

iyong iba naghaharutan lang sila.


"ya anong ulam?" tanong ko sa yaya ko

walang sumagot?

"ya..!?" pero wala pa ding sumasagot, nakakapagtaka naman yata,

next day pa ang day off nila ahh

"ya?" wala talagang sumasagot, pansin ko ding walang mga katulong ahh

nagpunta nalang ako sa kusina at maghahanap ng makakain..

kumakalam na sikmura ko ehh...

bat andito ang lalaking to!

"hoy! anong karapatan mo magpatawag ng overnight sa pamamahay ko! at asan ang mga katulong ko!!?" galit na sabi ko

pansin ko namang nagluluto siya

"simple lang, dahil may darating kang mga bisita mamaya at yong mga katulong mo? pinagday off ko"


"wow ha! ikaw pa ang may guts na pagday off-pin mo sila? ikaw ang amo? ikaw? kaimbyerna to," ngumiti lang siya at nagkibit balikat...umupo nalang ako sa stool

"ano bang niluluto mo?"

"garlicky chicken and broiled spicy chicken " sagot nito.


tumango tango nalang ako

"bilisan mo, nagugutom na ako. bagal bagal!"

suminghap nalang siya.

The HierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon