Prologue

4 1 0
                                    

Habang pinapanood ko ang dating videos ko, napapangiti ako. Mag-isa lang ako nun pero sinama ko na din pinsan ko. Ginawa namin ang lahat para maparami ang subscribers namin.

Grade 9 ako nang nagsimula, at college na ako ngayon. Well... Magk-college. Kakalaya na ako sa senior high.

And now, i'm going to California!

Of course, di ko kayang mag-isa dun, kaya i brought my cousin with me; Ate Maxie. We will both live our dreams. Pagkarating namin sa California ay magt-take na agad kami ng exam.

Ready'ng-ready na kami kaya habang grade 10 ako at grade 11 siya, nag-ipon kami ng pera.

Pinaki usapan ko pa nga na wag muna magcollege, para sabay kami. Muntik ng hindi pumayag.

Dahil sa pangarap ko na makapag-aral sa California, naisipan kong mag-youtube at isama si ate Maxie sa plano. Gusto ko na talaga maging youtuber noon pa, kasi parang masaya. :D

Nursing ang kukunin ni ate Maxie at business naman ang akin. Gustong-gusto ko talagang maging CEO. Pangarap ko ito simula grade 8 pa.

Yes, grade 8. Chef naman kasi talaga pangarap ko nung bata eh. Kaso, nung nalaman ko na di ako masyadong marunong at nakakatamad gawin... Tapos babad sa wattpad... I changed my mind.

The thought of going to California makes my heartbeats faster. Tapos dun ko pala mahahanap prens sharmeng ko nuh?

KYAAAAH!!! Okay ang landi na Snow! Dapat kapag andon ka na, dalagang pilipina!

Okay, nagiging madaldal ka na. Kalma! Nadadala ka ng excitement. Tulog na yung katabi mo, ikaw daldal parin ng daldal.

Mabuti pa matulog ka na muna okii?
~*~
Nagising ako sa napaka-harsh na hampas.

"Snow! Iiwan kita dito sa eroplano pag di ka gumising!"

Napakamot ako sa ulo.

"Bakit ba?" Iritang tanong ko habang nakapikit parin.

"Pababa na, gaga ka."

(0.0)

Nanlalaki ang maliit kong mata na sumilip sa bintana.

OMEGESH! PABABA NA NGA KAMI!WAAH!
~*~
Napadaan kami sa isang coffee shop malapit sa airport kaya nagstand-by muna kami.

"Ang sarap ng hot chocolate nila tih!" Sabi ko

Hot chocolate at chocolate chip cookies ang binili namin, and i assure you---

"Ang sarap~" malakas na sabi ko.

"Do you like it?"

Napatingin kami sa nagsalita. Babae siya, napakatangkad, well tanned, maganda, at mukhang mayaman.

Nanliit ako. =﹏=

Nakangiti siya sa amin kaya ngumiti din kami. Tumango kami at nagulat kami ng umupo sa table namin, may hawak na siyang pagkain niya.

"You are Winter and Max, right?" Sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko.

"I'm a fan. I'm Minnie." Pakilala niya, habang nakangiti parin, at inilahad ang kamay niya sa akin.

Wow, abot dito channel ko.

"Hi, Minnie. Nice to meet you." Sabi ko at kinamayan siya. Nagkamayan din sila ni ate Maxie.

"Nice to meet you, Minnie." Nakangiting sabi ni ate Maxie.

"So, what are you doing here? Here to finally study?" Nakangiting tanong niya.

His Ocean Eyes (ᴏʟᴅᴇʀ ᴠᴇʀsɪᴏɴ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon