Maxie's P.O.V
Kanina pa kami gising ni Snow. At kanina pa namin tinititigan yung mga laptop namin. Hinihintay namin yung e-mail ng university. Wala kaming gana na kumain dahil sa kaba.
Hindi nga ata naghilamos si Snow.
!DiNgDoNg!
Ako na ang lumapit sa pinto para buksan yun.
Haaay~ kahit sa point of view nakakawalang gana...
"What's with that face, Maxie?" Tanong ni Minie.
Pinapasok ko siya at bumalik sa kusina. Nadatnan namin si Snow na nakatungo sa lamesa.
"Is she... asleep?" Tanong ni Minie at umupo sa tabi niya.
Tinignan ko ulit yung laptop namin at nanlamig.
"E-mail... SNOW YUNG E-MAIL!" Sigaw ko.
"Huh? Whua? E-mail?" Inaantok na tumingin-tingin siya sa paligid.
Di ko alam kung matatawa ba ako o kakabahan. Pero si Minie tumatawa na.
"It's the e-mail from the school." Sabi ni Minie na natatawa parin.
Nagkatinginan kami ni Snow at nagsabay sa pagpindot sa e-mail. Binasa namin to parehas at nagtatalon.
+++
Congratulations, Miss Maxie Suneva, you passed the examination of Ross California University by the score of three hundred ninety-seven over five hundred
+++
"Waaaaaah!!! Pasaaaaaa!!!" Sigaw namin sa tuwa.
Tumingin din si Minie sa mga laptop namin.
"Oh, you passed? CONGRATS!" Nakitalon din si Minie samin.
Sawakas nagkagana na kaming kumain. Nagluto si Minie ng pancakes para sa aming tatlo.
Nagring ang cellphone ni Minie, hudyat na may gustong magvideo call. Kaya naman lumayo muna kami ng konti para masagot niya ang tawag.
"It's Jake." Nakangiting sabi ni Minie kaya lumapit muli kami.
["Did you two passed?"]
"Yes!" Tili ko.
["Congratulations Snow... And Max."] Ngiti din niya samin.
Ansya ka!
Si Snow lang talaga kino-congratulate! -_-///
"Thanks!" Sabi naming dalawa ni Snow.
"Jake! Come here. We will buy the things we need for the party." Sabi ni Minie. Napalakpak naman at ngiting wagi si Snow.
["Okay, I'll be there."] Sabi nito at pinatay na ang tawag.
Pinatay na namin ang mga laptop namin at iniligpit ng pinagkainan. Nahiya pa kami dahil si Minie na daw ang maghuhugas.
"Maliligo na ko, bye!" Sabi ni Snow at tumakbo na sa kwarto. Dahil sa ginawa niya, tumawa si Minie.
"What did she say?" Tanong ni Minie kaya napatawa ako.
"She said that she's going to take a shower." Translate ko.
Napatango-tango siya. Nagpaalam din ako na maliligo na ako.
Might as well wear a beautiful bikini...
BINABASA MO ANG
His Ocean Eyes (ᴏʟᴅᴇʀ ᴠᴇʀsɪᴏɴ)
Teen Fiction𝚂𝚗𝚘𝚠 𝚂𝚞𝚊𝚛𝚎𝚣, also known as Winter, is a Filipina youtuber that has a dream of attending Ross California University. As she live her dream with her cousin, she met a popular boy band; AVISO. She don't know them though. The thought of bein...