5.2

2 1 0
                                    

MAXIE'S P.O.V



Nagising ako dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan.



Lumabas ako ng tent at ginamit ang flashlight sa cp ko.



Dun ako sa kabilang side ng sasakyan. Ayoko nang lumayo pa.



Nung matapos akong umihi ay mabilis akong nagpajama.



Malay mo kasi may nakakakita pala?



Babalik na sana ako sa tent ng biglang may taong naglakad palapit sakin.



Napasigaw ako, pero ng matapatan siya ng flashlight ko ay tumigil ako.



"You might wake them up." Sabi ni Mikey sakin.



Hindi siya nakaipit at medyo gulo buhok niya.



"Sorry. Why are you outside, anyway?" Tanong ko.



Bakit ang gwapo nito kahit mahaba buhok? >\\\<



"I can't sleep. And i saw a silhouette outside our tent." Paliwanag niya.



"So you decided to check that out?" Tumango naman siya at tumingin sa mga bituwin. "White people..." Bulong ko.



Napatingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay. "You know that I'm perfectly tanned, right?"



Narinig niya ko! ≧﹏≦



"Kidding..."



Matinding katahimikan...



"Awkward." He shortly said na nagpatawa samin.



"Come, let's make a bonfire. Just enough for our late night talk." Nakangiting sabi ni Mikey.



Ang gwapo! >\\\<



Siya ang kumuha ng mga gagamitin naming kahoy, samantalang ako ay naghihintay lang sa harap ng pinagapuyan namin kanina.



Maxie, mag-isip ka na ng ita-topic niyo!



"Hey, here are the sticks." Pinutol namin yun at inayos. Ako na ang nagsiga dahil nasa akin ang lighter.



Minuto kaming tumahimik pagkatapos non.



"So, Maxie, what do you want to be?" Simula niya.



"I... I want to be a nurse." Sagot ko at napatango-tango naman siya at tumingin sa apoy.



Gosh, this is so awkward.



"Say, did your brother... Ever got a girlfriend?" Tanong ko.



Now you bring his brother?!



Napatingin siya sakin. "Yes, he's a playboy himself back then."



Niyakap ko ang mga binti ko.



"Eh ikaw?"



"What?" Tanong niya na may kaunting tawa.



Nagulat din ako dahil sa pagtatagalog ko bigla.



"Sorry." I laugh nervously. "I mean... How about you? Ever got a girlfriend?"



Napangiti siya ng kaunti habang nakatingin sakin. Feeling ko nagblush ako.



"No, but... I've got a crush on somebody. And I'm waiting for the right time to confess." Sabi niya.



Nagkabutas ata yung puso ko dahil sa pagkabaril ng sinabi niya. Pero pinilit ko parin ngumiti.



Maxie, crush mo lang siya, wag ka masaktan.



"Then, goodluck confessing your feelings to her. Make sure she can feel the your love." Wish ko nalang na ako yon.



Ngumiti pa siya ng todo sakin at dinagdagan ang kahoy.



"I just can't wait to court her. And I hope she say yes when i ask her to be my girlfriend." Punong-puno ng pag-asa ang mga sinabi niya.



"I hope so too." Pero alam ko sa sarili ko na wag siyang sagotin para sakin nalang siya.



Bad brain! But i like what you're thinking.



"I know she's going to say yes. Sa mukha mo ba namang iyan! Asus! Maiinlab sayo ang tanga." Sabi ko at di ko na inintindi kung di niya maintindihan ang tagalog.



"I don't know what you just say, but i know it's a compliment. Thank you by the way." And he chuckled. He chuckled!



Kyah! Ang gwapo na nga, ang cute pa!



"Stop talking about me, let's talk about you." Sabi niya at tumayo.



Saan 'to pupunta? Pagkatapos niya sabihin na pag-uusapan namin ay ako, umalis siya? Gagohan?



Lumapit siya sa trunk ng sasakyan nila at may kinukuha.



Umupo ulit siya sa harap ko at binatuhan ako ng bottled water.



Okay, akala ko iiwan ako agad.



May hawak din siyang tubig at malaking chichirya.



"How about you? Any boyfriends?" Tanong niya sakin at binuksan ang pagkain.



"It's been a long time since i had one." Sabi ko at uminom ng tubig.



Tumawa siya ng bahagya at inalok ako ng chichirya.



Kumuha naman ako ng konti at kinain.



"Planning on having one here?" He asks again at kumain.



"Kung ikaw ang magiging jowa ko, why not diba? I don't know, let's see." I laugh a little.



Nagkwentuhan pa kami ng saglit hanggang maubos ang kinuha niyang sticks.



Pinag-usapan namin ang dating mga gawain namin nung di pa kami pumasok sa kaniya-kaniyang career.



"It's 2 in the morning already, i think we should go back to sleep." Sabi niya at inubos ang tubig.



Inubos ko na din ang tubig ko at tumango.



"I need to pee first." Sabi ko na nagpatawa sa kaniya.



"Me too." Sabi niya at pumunta sa malaking puno at don umihi.



Syempre di ko siya hihintayin matapos, kaya naman pumunta ulit ako sa pinag-ihian ko kanina at dun naglabas ng ihi.



Pagbalik ko ay hinihintay ako ni Mikey. Nakabukas na ang tent nila kaya binuksan ko na din ang amin.



"Good mornight." Sabi niya na nagpangiti sakin.



"Good mornight, too." Sabi ko at pumasok na sa tent.


His Ocean Eyes (ᴏʟᴅᴇʀ ᴠᴇʀsɪᴏɴ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon