THIRD PERSON'S P.O.V
Gabi na at si Maxie at Mickey ang pinagluto nila. Habang ang iba ay nagpatugtog ng mga kanta ng Teen Beach sa salas.
Nakabihis na ng onesies ang mga babae. Si Minie na naka unicorn, si Maxie na naka pusa, at si Snow na naka rabbit.
Natawa pa sila Mickey at Mikey nung nakita ang tatlo, kaya nakatanggap sila ng sapok galing sa kapatid.
Sila namang mga lalaki ay tinotoo ang kanilang topless pajama party. Maliban kay Jill na nakahoodie.
"What're they cooking?" Tanong ni Jee habang nilalaro ang buhok ng nobya.
Nakahiga si Jee sa couch at nakapatong sa kaniya si Minie. Si Snow naman ay pinagdikit ang dalawang sofa at dun humiga. Habang sila Jill at Jacob naman ay nakaupo sa sahig.
"Chicken curry." Sagot ni Jacob.
"Hmm." Napatango-tango si Jee at inamoy ang buhok ni Minie. "My beautiful unicorn."
Hindi na napigilan ni Snow at kumanta ng mahina. Tumugtog na kasi ang paborito niyang kanta sa Teen Beach.
"And now I'm
Falling for ya, Falling for ya
I know i shouldn't but I
I just can't stop myself from
Falling for ya, falling for ya
Can't hold on any longer
And now I'm falling for you..."
Nabaling ang tingin niya sa pwesto nila Jill at nagulat siya ng nakatingin ito sa kaniya.
Parehas naman silang nag-iwas ng tingin at saktong dumating si Maxie.
"Dinner's ready." Sabi niya kaya nagsitayuan na sila.
Dahil nasa hulihan si Snow ay pasayaw-sayaw siya habang nakayuko.
Pagtingin niya sa unahan niya ay parang gusto na niyang mahimatay sa kahihiyan.
Nakakunot ang noo na nakatingin si Jill sa kaniya.
Sa sobrang kahihiyan ay mas nauna pa siyang pumunta sa dining-room kaysa sa mga ito.
"Where are they?" Tanong ni Mickey sa kaniya pagkapasok niya sa doon.
Di pa siya nakakasagot ay pumasok na sila Maxie.
Panglabing-dalawang tao ang lamesa nila.
Magkakatabi sila Maxie, Mikey, Minie at Jee. Nasa harapan naman nila sila Mickey, Jacob, Jill at Snow. May nakapagitan ngalang na isang upuan sa dalawa.
Habang kumakain, nagtaka sila kung bakit di kumuha si Snow ng chicken curry, at hotdog ang inulam nito.
"Hey, Snow, why don't you try the curry? It's not bad." Sabi ni Jacob.
Tumingin siya kay Jacob at sa iba, dahil hinihintay ang sagot niya. Maliban kay Maxie na hahayaan siyang magpaliwanag.
"I can't... Eat chicken. Uh I'm allergic to it." Paliwanag niya.
"You never said that to your videos." Concern na sabi ni Mikey.
"Well, i... Don't need to tell them. Besides, i think, they don't need to know." Tinignan niya yung curry at may pagnanasa ang mga mata niya.
"I used to drink medicines to be able to eat chicken, but i decided to give up. It's no use." Napatulala siya saglit at tumingin ulit sa mga kasama.
BINABASA MO ANG
His Ocean Eyes (ᴏʟᴅᴇʀ ᴠᴇʀsɪᴏɴ)
Novela Juvenil𝚂𝚗𝚘𝚠 𝚂𝚞𝚊𝚛𝚎𝚣, also known as Winter, is a Filipina youtuber that has a dream of attending Ross California University. As she live her dream with her cousin, she met a popular boy band; AVISO. She don't know them though. The thought of bein...