That Secret Agent Is My Yaya
Prologue
Lumaki si Stella Flores sa mansion ng mga Tiu. Sa pamilyang ito naninilbihan ang mga magulang nya. Sa kabila ng pagkakaiba ng estado nila sa buhay ay naging kaibigan ni Stella ang nag-iisang anak na lalaki ng mga Tiu, si Adam. Dahil na din sa pagkakaibigan nila ay madalas sya isama ni Adam kung saan man ito mapunta kaya payi ang mga kaibigan nito na mga taga village din nila ay naging kaibigan nya.
Simula pagkabata ay para na syang assistant/yaya ni Adam. Halos hindi sila mapaghiwalay. Maging sa pag-aaral ay hindi pumayag si Adam na hindi sa iisang school sila mag-aral ni Stella kaya sinagot ng mga magulang ni Adam ang pag-aaral ni Stella hanggang makapagtapos sya sa kolehiyo. Pinangako ni Stella sa sarili na tatanawin nyang napakalaking utang na loob sa pamilya Tiu ang lahat ng tulong ng mga ito at kung may hilingin man ang mga ito ay hindi sya magdadalawang isip na sundin.
BINABASA MO ANG
That Secret Agent Is My Yaya
RomanceThe story after That Secret Agent is My Secret Love